Hoseok's
Sinara na ni Zoella ang pinto ng unit niya nang biglang tanungin ni Taehyung kung nandidito ba si Amethyst. Si Taehyung ang kausap ko sa phone ngayon.
"Amethyst? She just l—" biglang tumingin sa direksyon ko si Zoella at umiling ng napaka-bilis.
"Ha?" Bulong ko sakanya habang tinatakpan ang mic ng phone ko.
"Ssh! Wag mo sabihing galing dito si Amethyst!"
"Bakit naman?"
"Para naman mag-alala sya!" Naka-ngisi niyang sabi. Naguguluhan ako pero dahil sabi ni Zoella, sumunod ako.
"I mean.. hindi ko alam kung nasaan si Amethyst. Neither does Zoella."
Alam nila Taehyung na may gusto ako kay Zoella simula pa noong umuwi si Megan. Sila pa nga ang nag-sabi sa akin na dalhan ko siya ng kung ano anong makakain pag may time ako dahil applicable din daw sa mga babae ang 'a way to a man's heart is through his stomach.'
Ewan ko sa mga gagong yun pero mukhang effective naman kay Zoella.
(A-Ahh ganon ba. Sige salamat.)
Bakit ganito tono ng boses ni Taehyung? Iba eh. Hindi mukhang tungkol kay Megan. Parang naga-alala siya eh.
"Bakit bro? Anong nangyari ba." Tanong ko sakanya.
Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. (I was drunk last night and I think I said something that offended her, I'm not sure.)
Tsk. Kapag kasi nala-lasing itong lalaking ito, masyado nagiging honest sa buhay. Bumuntong hininga lang din ako. "Bro just look for her and apologize."
(Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin.)
Gago.
"Ganyan mo ba hindi kakilala si Amethyst? Mag-isip ka." Binabaan ko na sya ng tawag.
De, wala na kasi akong masabi kaya binaba ko na. Atsaka hindi ko kailangan yung stress nila sa buhay ko ano.
"Ganyan ka mainis?" Biglang tanong ni Zoella sa akin.
"Ha? Hindi, wala lang ako masabi sa kanya." Sabi ko bago kami tumawa pareho.
.
Amethyst's
"Miss we're going to close soon. Is there any problem?" Tanong sa akin ng isang waitress sa favorite coffee shop ko. Tinignan ko ang orasan ko at nagulat ako dahil malapit na pala mag 10.
Umiling ako. "N-No, there isn't. I lost track of time, I'm sorry. Can I stay a little more longer?"
"Don't apologize po Miss! It's just that some of our workers can't do more overtimes.." napa-kamot ng ulo yung waitress.
Bumuntong hininga ako bago sya nginitian. "I understand."
Ngumiti yung waitress bago bumalik sa kitchen nila. Inayos ko na yung mga gamit ko at lumabas. Pagka-labas ko nakita ko sa sign ng door nila na open sila from 7 am to 9 pm lang. kanina pa pala sila dapat na nag-sara pero ngayon lang nila ako kinausap at nag over time pa sila. Nakaka-taba ng puso.
Nag-lakad lang ako kung saan habang nakapa-mulsa. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta next. Ayoko pa kasing umuwi. Sabihan niyo na akong childish pero may parte sa akin na umaasang kusang hahanapin ako ni Taehyung.. pero ano ba naman yung iniisip ko? Paano niya malalaman kung nasaan ako eh wala naman siyang gaanong kaalam sa akin.
It has always been me who is curious about him. Ako ang palaging nagta-tanong tungkol sakanya. Kaya paano niya malalaman kung ano ang favorite coffee shop ko? As if namang mapapansin niyang iisang cup lang ang iniinom ko kapag nagc-coffee ako. He's not that interested, he made it clear to me last night. Kaya bakit pa ako umaasang mahahanap niya ako.
Tuloy tuloy lang akong nag-lakad. Ang lamig. Mali palang nag-suot ako ng shorts ngayon, ayan tuloy nilalamig ako ngayong gabi. Pero wala naman akong choice. Ginusto 'kong lumayo sa bahay eh.
Kung saan saan ako naka-rating. Ewan ko, iniwan ko yung phone sa loob kotse ko na naka-park sa tapat ng coffee shop kanina dahil gusto 'kong mag-lakad lakad muna at enjoyin ang sarili ko. Me time kumbaga. Dahil palagi nalang si Taehyung ang nasa isip ko. Nakakalimutan ko na enjoyin ang sarili ko.
Tumigil ako sa pag-lakad ko dahil napansin 'kong kalsada na pala yung nasa harapan ko. Hindi man halata pero kanina pa ako sa coffee shop lutang. Buti na-realize 'kong kalsada na pala to. Kahit na wala nang masyadong kotse ang dumadaan, hinintay ko pa din ang stop light.
10..
9..
8..
7..
6..
5..
4..
3..
2..
1...
Naka-green light na yung tao sa stop light kaya naman nag-simula na akong tumawid. Hindi ko alam kung saan papunta kung dederetsuhin ko lang yung lakad ko dahil hindi ko rin kabisado mga daan dito pero tuloy pa din ako.
Kahit na hindi ko alam kung saan ako makakarating, go pa din ako. Marunong ako maging risk taker, may tapang ako. Kung sana ganon lang din si Taehyung... wala na sana akong iniisip ngayon.
Nasa gitna na ako ng kalsada nang may pares ng paa ang napansin 'kong tumigil sa harapan ko. Baka nakaka-abala ako sa daanan niya kaya gumilid ako at nag-patuloy na sana ng lakad ng may pumigil sa kamay ko.
"Amethyst.."
Sumabay sa lakas ng hangin ang pag-taas ng mga balahibo ko. Hinanap niya ba ako o nag-kataong naka-salubong niya lang ako?
"What is it?" Tanong ko sakanya bago siya lumipat sa harapan ko.
"We need to talk."
--x
