Makalipas ang ilang araw, hindi na ulit kami nagkita kita ulit ni Yesung at Sehun. Hindi naman dahil kay Taehyung iyon pero dahil na din sa sariling matters nila. Si Yesung bumalik na ulit sa pagiging busy nya habang si Sehun naman, sa awa ng diyos, tumigil nang kulitin ako. Turns out, gusto niya lang pala bumawi sa akin kaya ganyan nalang siya kug mangulit.
"Sa bahay nalang ako magre-review. Una na ako ah?" Sabi ko kanila Aisla at Zoe. This time sinamahan na nila ako sa library dahil sabi daw nab-bored sila. Ang cute diba?
Nilingon ako ng dalawa. "Ingat girl." Sabi ni Aisla.
"Wag tanga tumawid." Sabi din ni Zoe habang nagte-text.
Inirapan ko lang sila bago mag-walkout na sa library. Dahil hindi ko parin dinala ang kotse ko, nag-commute nanaman ako pauwi. Buti at medyo maaga pa kaya hindi ako naabutan ng rush hour. Yun nga lang, maulan kaya medyo nabasa na din ako ng ulan. Nasa elevator na ako nang mag-text sa akin si Jin.
From: Jin
Amethyst, I kinda need dry clothes right now and I'm at the area. Can I go borrow some of Taehyung's clothes?
Magre-reply na sana ako habang paalis ako sa elevator nang makita ko si Jin na basang basa sa harapan ng pinto namin, nakatitig sa phone na parang inaantay ang magiging reply ko.
"Jin?" Tanong ko habang bahagyang nangingisay din sa lamig. Medyo basa na din kasi ang mga damit ko. "Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko habang nagmamadaling hanapin yung susi sa bag ko.
Umiling naman siya, halatang nilalamig na din. "Hindi naman. Kararating ko lang din." Sabi niya.
Nahanap ko na yung susi ko kaya binuksan ko naman kaagad yung pinto at tinangal ang sapatos. Ganon din ang ginawa niya. "Mauna ka nang maligo. Barado kasi ang isang c.r dito." Nilingon ko siya pero umiling naman siya kaagad.
"Hindi na, mauna ka na. Baka magalit pa sa akin si Taehyung pag nagka-sakit ka eh." Sabi niya habang tinutulak ako papunta sa c.r. Hindi naman ako naka-palag nang isara niya na mismo ang pinto sa mukha ko. Bastos din yung lalaking iyon ano? Pero bahala na. Nag-madali nalang din akong maligo pagka-tapos ay naka-twalyang tumakbo papunta sa kwarto namin. Nag-suot lang ako ng pajama pants at sweater. Kumuha na din ako ng malaking damit at pants ni Taehyung para ipahiram kay Jin.
"Jin?" Tanong ko habang bumababa ako sa hagdan. Sinilip ko yung c.r pero nakita 'kong naka-bukas pa rin ang pinto. Sakto namang narinig ko yung isa sa mga cupboard namin na nag-sara kaya dumiretso na ako sa kitchen. Andon nga siya, nakatalikod sa akin pero bakit wala siyang suot ng damit?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My god bakit ang lapad ng likod niya? Sobrang nat-tempt akonh hawakan yung back muscles niya kaso pakiramdam ko, bawal. May asawa na nga pala ako.
"Bakit hindi ka pa nali—"
Napa-talon siya nang bigla akong magsalita sa likod niya kaya natapon tuloy ang hawak niyang container ng salad na gawa ko. Lumingon siya sa aking naka-hawak sa dibdib. "Papatayin mo ba ako?!" Sigaw niya kaya naman natawa ako.
Ang hot niya tignan ngayon pero bakit ganyan reaksyon niya? "Nagulat ka na sa lagay na iyon?" Tanong ko habang umaatras kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Oo, ako, baka kasi hindi ako makapigil na hawakan ang katawan niya, lagot na.
I'm trying my best to be loyal baka naman Jin.
"Oo! Bakit kasi ang tahimik mo mag-lakad? Nasayang pa tuloy yung salad." Bumusangot siya bigla nang makita niyang natapon ang salad.
Binato ko sa mukha niya yung mga damit. "Maligo ka na. Ako na ang bahala dito't magluluto nalang ako ng makakain natin pareho." Sabi ko habang kumukuha ng walis at dustpan.
"I'm sorry. Pero ginulat mo ko eh!" Depensa niya parin habang naglalakad na siya palayo. Nilinis ko naman yung naging kalat.
Tumawa lang ako bago mag-simulang mag-luto ng sopas. Tutal maulan, sakto sa panahon. Habang hinihintay ko kumulo yung macaroni, nakita ko yung shirt ni Jin sa veranda na pinapatuyo niya, kaya pala. Kinuha ko nalang iyon at tinapon sa laundry namin. Isosoli ko nalang pag malinis na.
Pagka-tapos ng ilang mga minuto, naluto ko na ang sopas at nag-lagay na ako ng serving para samin sa lamesa. Dahil gutom ako, ako na ang naunang kumain. Maya maya narinig ko siyang lumabas na sa c.r at dumiretso kaagad sa upuan sa harap ko at kumain.
"Ginugutom ba kayo ng manager nyo?" Tanong ko habang humihigop ng sabaw.
Umiling siya. "Panget lang talaga lasa ng binibigay nilang pag-kain." Sabi niya habang pikit mata 'pang ninanamnam yung sopas.
Ano ba naman yan, pwede 'bang tumigil na siya sa pagiging cute nya sa harapan ko? Umiwas lang ako ng tingin.
"Teka, bakit nandito ka? Si Taehyung nasa bighit pa ah?" Tanong ko habang tinutuon nalang ang atensyon ko sa t.v.
"Ah. Pinayagan ako ng manager namin na wag muna pumasok." Ngumunguyang sabi niya.
"Bakit?" Tanong ko naman. Ang usyoso ko din ano.
"Sinundo ko yung kapatid ko."
Ah oonga pala, naalala ko may babaeng kapatid daw itong si Jin. "Ahh." Sabi ko nalang habang pinako na ang atensyon ko sa t.v. Imbis na nagre-review ako, eto ako nanonood ng space between us. Ano ba naman yan, A.
Lumipat pa nga ako sa sofa habang bitbit pa din ang bowl. Pati si Jin gumaya na din at naki-nood. Eh paano ba naman kasing hindi, eh nakakakilig. Hanggang sa part na magki-kiss na sila, hindi ko na napigilang ipatong saglit sa lamesa yung bowl ko at yakapin yung unan habang pumapadyak padyak sa sahig.
"Iiiiiiih! Kinikilig ako!" Sigaw ko na akala mo ako lang mag-isa. Saglit 'kong nilingon si Jin at nakita 'kong umiinom siya sa kaninang bitbit niyang coffee. "Sorry, nakakakilig lang kasi sila eh!" Sabi ko pero imbis na mag-salita siya. Ngumiti lang siya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"It's fine. Kinikilig din naman ako eh." Deretsong tingin na sabi niya sa akin. For a split second, akala ko sa akin niya sinasabi iyan pero psh, sino ba ako?
"Diba?! Ang sweet." Ngumuso pa ako habang tinutuon ulit ang atensyon ko sa t.v. "Sana lahat." Sabi ko pa ng mabilis pero mukhang narinig din niya.
"Sana nga Amethyst. Sana nga."
--x
Before, napaka unrelated ng chapter na ito. Kaya naman binago ko. So.. ganyanan Jin? :--(