Amethyst's
It's been weeks since we came back from Yoongi's resort. Sa di malamang dahilan, nawalan na ako ng gana na asarin o kausapin manlang si Taehyung simula ng makita ko sila.
Gustong gusto 'kong sabihin na nag-bago ang tingin ko sakanya pero hindi ko naman din alam kung bakit ganon na lang ang tingin ko. Hindi niya na din naman ako gaanong pinapansin, dahil din sigurong naging busy na din siya at pareho ng naging hectic ang schedules namin.
Nandito ako ngayon sa unit namin dahil obviously, weekend. Nanonood lang ako ng kung ano anong shows sa tv dahil wala akong magawa o maka-usap. Si Taehyung lumabas. Si Aisla busy manood ng k-drama. Si Zoella ewan ko sa buhay non.
"Haay." napa-buntong hininga na lang ako habang nanonood.
Bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko? Bakit ba affected na affected ako?
Biglang may narinig akong tunog sa bandang pinto ng unit namin.
Speaking of the devil.
Tinignan ko lang siya dahil wala akong balak na kausapin itong panget na ito. Kinakausap-usap ko lang siya lately kapag tatanungin ko kung ano ang gusto niyang kainin. Mukhang magsa-salita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Wala akong balak makinig pero dahil andoon lang siya sa pintong sinagot yung tawag, eh narinig ko na din.
"Namjoon hyung. Wae?" Nag-korean pa siya. "Tonight? What's the occasion?"
Wala naman akong mapapala kung mags-stay pa ako kaya tumayo na ako at pumuntang kusina para mag-ready ng lulutuin. 5 o' clock din naman kaya pwede na ako mag-simula.
"Okay hyung. We'll be there."
Ano ba gustong kainin ng unggoy na yun?
"Amethyst."
Bakit ba kasi siya pa ang lagi 'kong sinusunod? Pwede namang yung taste ko ang masunod diba?
"Are you still ignoring me?"
Feel ko ang kumain ng korean food dahil maanghang. Para naman maiba. So iyon nalang ang lulutuin ko.
"Hey."
Biglang may humatak sa pulso ko kaya napa-lingon naman kaagad ako at nakakita ako ng isang gwapong panget.
Pwede ba yun.
"Oh bakit?"
"Bakit di mo ko sinasagot?"
Sinasagot saan? "huh?"
Binitawa niya yung pagka-hawak niya sa pulso ko. "Nevermind. You don't have to cook. We'll eat outside."
"Outside?"
Tumango siya. "Yeah. Wear something formal." yun lang sinabi niya bago umalis.
Somethin formal? I wonder what's the occasion.
.
Hindi ko alam kung tama ba itong suot ko dahil hindi ko eksaktong alam kung paanong formal ang sinasabi ng panget na iyon pero yolo. Kung mag-mukha akong exage sa damit, then fine. Pake nila.
Isang maroon na off the shoulder dress ang suot ko. fine, fitted ang pinili ko. Well duh, hindi dahil kay taehyung ano! Obviously wala akong pake sakanya. Gusto 'kong mag-show off dahil minsan lang. Nag make-up ako dahil marunong naman ako mag make-up. Beach wave curls ang naging outcome and to my surprise, hindi jologs ang dating nila together ng dress ko. I paired my dress with a plain white stiletto, para naman hindi totally dark ang theme ko.
Narinig ko si Taehyung na tinawag ako kaya lumabas na din ako.
"Wait, excited?!" sigaw ko sakanya habang sinusuot ang earing ko.
Biglang tumahimik sa di ko malaman dahilan. Nang malagay ko na ang earring ko, hinarap ko siya. Pero mas nagulat ako ng makita siyang naka-titig sa akin na para 'bang may something sa akin na di ko alam.
"Oh bakit?" ang lakas pa ng loob 'kong tanungin siya niyan kahit na mahimatay na ako sa mga titig niyang pamatay.
"Y-Yeppo."
"Huh?"
Anong liempo?
Nag-korean ba siya? nilait niya ba ako?
Bigla ko nalang narinig ang pag clear niya ng lalamunan kaya tinignan ko din siya ng masama. Tingin lang naman talaga ang balak ko pero mukhang di ko na naiwasan na mapa-titig, kainis. Bakit ganito?
Naka-maroon din siya. I swear, hindi ito planado.
He's wearing a plain white tucked in long sleeves together with a printed maroon cardigan and pants with the same shade. His hair.. hindi ko alam kung epekto ng bagong ligo niya pero mas lalong lumambot at bumagsak ang buhok niya na medyo magulo.
Magulo pero bagay.
Kaya bwisit itonh unggoy na ito. Ang lakas ng dating.
"Stop staring." ngumisi siya.
"I wasnt." binatukan ko siya gamit ang clutch ko.
Eh siya nga kung maka-titig din kanina akala mo kakainin ako ng buhay eh. Hindi ko na siya hinintay at nauna na ako sa elevator pero unfortunately, sadyang mabagal ang mga elevator dito kaya naabutan niya pa ako.
"Saan ba tayo pupunta?"
"I don't know."
"Huh?!" nag-dress up pa ako ng ganito kaganda tapos di niya alam kung saan kami pupunta?
Ukinam.
"Namjoon hyung just sent me an address. Invited daw tayo sa isang engagement party."
Teka wait, engagement party?
"K-Kaninong party?"
"Hyung didn't tell me. Sabi niya kaibigan daw namin."
Hindi kaya.. engagement party iyon ni megan? Teka nga— he doesn't know?!
"Taehyu—"
Biglang bumukas ang elevator sa harap namin. Nag-dalawang isip pa ako kung pupunta ba talaga kami pero marahan niya na akong tinulak papunta sa loob ng elevator.
"The party starts at 8. We'll be late kung tatagalan mo kumilos."
Oh god. Please sana hindi ito engagement party ni Megan. I don't think I can see the reaction in Taehyung's face.
Please.
