Amethyst's
Pagka-labas na pagka-labas naming tatlo nila Aisla sa room, sabay sabay din kaming napa-buntong hininga. Wala ni isa sa dalawa ang nag-salita kaya ako nalang. "Babagsak na talaga ako." Naka-busangot na sabi ko at matic namang tumango ang dalawa sa gilid ko.
Last day of midterms na namin at ramdam ko na ngayon palang yung lungkot sa oras na malaman ko yung results ng exam ko. I did my best; nag-review ako, nag-memorise ako, nag all-nighters ako— pero bakit most sa questions hindi ko alam ang sagot?! Napa-sampung dasal nalang ako sa papel ko kanina dahil di ko na talaga alam ang isasagot ko at buti nalang talaga, karamay ko yung dalawa sa gilid ko.
"Tara inom." Nanlulumong suggest ni Zoe.
"Di ako umiinom pero dahil sa nararamdaman ko ngayon, mukhang malalasing ako. Tara." Tinaas pa ni Aisla kamay niya.
Napa-tingin ako sa orasan ko, maaga kaming natapos dahil isang subject lang naman ang ni-take naming exam ngayon. Ako pa ang humatak sa dalawa palabas ng university sa sobrang gusto ko nang mangalimot at nang makarating kami sa labas, mas lalo lang akong nalungkot nang makita ko si Sehun na naga-abang sa kotse niya.
"Someone's early. Akala ko hanggang hapon pa akong maghihintay eh." Naka-ngising sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit andito yan? I thought I made myself clear na ayoko na siyang makasalamuha? Eh bakit andidito pa yan? "Pake ko, umalis ka nga sa daanan nandidilim paningin ko sayo."
Pero imbis na tumabi siya, aba ang gago, lumapit pa sa akin at hinatak ang pulso ko papunta sa kotse niya. Kaagad naman na nag-react sila Aisla.
"Oh san mo siya dadalhin? Wag ka na ngang dumagdag sa pagka-stress nya!"
"Makiramdam ka namang bulol ka!"
Kahit na wala na akong lakas sa buhay, nagawa ko pa ding umalis sa kapit niya at umatras. "Ano ba kasi? Pwede ba tantanan mo na ak—"
"I'll stop after you let me explain." Mas seryoso pa sa seryoso angnaging tono ng boses niya at sa ilang months na pinag-samahan namin noon, aware naman akong pag-ganyan siya mag-salita, seryoso siya. Kaya naman kahit na labag sa kalooban ko, tumango ako at sumunod nalang.
Para matapos na't di na siya mang-istorbo uli."Next time nalang girls. I'll deal with this for now." Sabi ko bago isara ang pinto sa passenger's seat. Kahit na masama ang timpla ng mukha nila, tumango pa din ang dalawa bago nauna nang mag-lakad palayo.
It's fine. As long as after this, hindi niya na akong iistorbohin ulit.
Sa dinami dami ng lugar na pwede naming puntahan, sa amusement park na lagi naming pinupuntahan noon ang talagang pinili niya ha. Never akong pumunta dito ulit after naming mag-break at the fact na andito ulit ako ngayon kasama siya, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mangigil sa inis eh.
"If you think this'll make me forgive you, you're wrong." Ni-rolyo ko ang mata ko habang nagla-lakad kami sa park. "I thought you just wanted to explain. Pwede namang sa isang cafe lang, bakit kailangan dito pa?"
Hinawakan niya bigla ang pulso ko at marahan akong hinatak papunta sa ferris wheel. "Let's just ride this one last time okay? That's all." Sabi niya kaya naman hindi na ako nag-reklamo at sumunod nalang.
Nang maka-upo kami sa loob at nag-simula nang umandar, binigyan ko kaagad siya ng tingin habang naka-taas ang isang kilay ko. Mukha namang kaagad niyang naintindihan yung gusto 'kong sabaihin kaya nag-salita na siya.
