Amethyst's
Kung gaano ka-gulat ang nararamdaman ni Taehyung ngayon, ganon din ang nararamdaman ko. I didn't do anything wrong, but if you look at it in a different angle, magmu-mukhang naghahalikan kami ni Sehun and that just makes everything worst. He knew what my feelings for him were, ano nalang ang iisipin niya, that I'm some kind of a bitch? That I'm just toying with him? Heck no. "Taehyung, I can explain and I swear it's not what it looks like. We didn—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may babaeng nag-skip sa line at lumapit para kumapit sa braso ni Taehyung. "Sorry it took me years. The line was so long." Bakit ganyan siya maka-dikit sa kanya? Lumingon siya sa direksyon namin ni Sehun at ngumiti. "Uh, baby, you didn't tell me your friends are here! Hi I'm—"
Bago niya pa matapos yung sasabihin niya, biglang sumingit yung isang staff. "Pasensya na ho pero humahaba na po yung pila. Next in line, pumasok na po kayo sa loob."
"Oh well, See you." Sabi ng babae habang si Taehyung, tumigil sa harap ko para hawakan ang kamay ko.
She called him 'baby' and I'm beyond confused right now. Is she supposed to be his girlfriend? "Who is she?" Pabulong na tanong ko. Sasagot na sana siya nang biglang hilain na siya mismo ng babae papunta sa kaninang seat namin.
"I think you need to sit somewhere." Sabi ni Sehun sakin bago ako akbayan at ni-lead nalang palabas.
.
"For the last time Sehun, it's not your fault okay? Don't blame yourself too much." Nakangiting sabi ko kay Sehun. Pano, kanina pa siya nagso-sorry sa akin kesyo kasalanan niya daw ang nangyari ganito ganyan.
Bumuntong hininga nanaman siya. "I can't help it. If I didn't lean in to kiss you, this wouldn't happen. I'm so—"
Binatukan ko siya. "Ikaw, isa nalang ha. Isang sorry mo pa dyan at sipa na ang aabutin mo sa akin!" Pinandilatan ko pa siya ng mata. Nang tumawa siya sa sinabi ko, di ko na din napigilang tumawa. Para kaming ewan na tumatawa lang eh wala namang nakakatawa.
Nawala yung ngiti ko nang makarinig ako ng footsteps sa gilid namin at nang tignan ko kung sino iyon, bumalik nanaman yung inis ko. Tumingin ako kay Sehun. "I'm going in. Thank you for this day, really. I enjoyed it." Lumapit ako para halikan siya sa pisngi bago mabilis na bumulong "It wasn't your fault. Okay?"
Nginitian lang ako ni Sehun bago tuluyan nang umalis sa hallway. Lumingon nalang ako sa pinto habang hinahalungkat ang bag ko para sa card nang magsalita siya. "Ako na." Kaya tumabi nalang ako saglit bago niya i-unlock ang pinto namin.
Nang maka-pasok kami sa loob ng bahay, dumiretso lang ako sa loob ng kwarto namin dahil masyado akong pagod para tanungin siya kung anong nangyyaari. Gusto ko sanang matulog na but because of what I saw awhile ago, I can't and it bothers me. I'm already tired. Stop looking for more source of exhaustion Amethyst, ano ba.
"Amethyst."
Nagulat ako nang marinig 'kong nasa kwarto na din pala si Taehyung. Ganyan ba sya ka-gaan para mawalan ng tunog ang mga hakbang niya? Humugot ako ng lakas para lingunin siya at ngumiti. "Yeah?"
"About.. awhile ago." Pagsisimula niya kaya naman medyo na-tense ang katawan ko. But it's okay, I didn't do anything wrong.
"What about it?" Tanong ko using my casual tone. I have to act like it's nothing. Even if my curiosity's already killing me.
Lumapit siya at umupo sa tabi ko. "It's not what you think, A." Sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
It's not what I think? So a girl clinging to his arms and calling him 'baby' is supposed to be nothing? Fine, I may not be his girlfriend but I should at least have the right to be disappointed. Pinanghawakan ko yung sinabi niya, tapos ganon?
