39

4.3K 162 35
                                    






































2 months later..




























Author's

Tahimik na pumasok si Amethyst sa kwarto ng mama niya at dumiretso kaagad sa binti nito para humiga. Napansin naman ito ng mama niya kaya sinimulan niya nang haplusin ang buhok ng dalaga. Kilala niya ang anak niya. Simula nang umuwi si Amethyst sa bahay nila at hindi na sa condo nilang mag-asawa, naka-ramdam na ang nanay ni Amethyst. Siya nalang ang naghihintay sa dalaga na mag-sabi.

"Mom?" Panimula ni Amethyst.

Dalawang buwan na siyang naninirahan muli sa bahay ng mga magulang niya. Ni minsan hindi siya ni-kwesyon ng mama niya dahil aware naman siya kahit papaano. Ang papa niya, dahil hindi gaanong umuuwi, hindi naman napansing madalas nang nakikitulog si Amethyst sa kanila. Sa dalawang buwan na iyon, hindi bumalik si Amethyst sa condo o ang makipag-kita kay Taehyung anumang sabi nito. Sinusubukan niyang kalimutan na ang nararamdaman sa binata, hindi lang para sa ikabubuti niya pero para na din buksan ang puso niya sa iba— kay Jin.

Sa dalawang buwan na iyon, hindi manhid si Amethyst. Nararamdaman niya ang pagturing sakanya ni Jin na mas nagbabago simula noong una silang mag-kita. Kung noon binibiro biro lang siya ni Jin, ngayon sineseryoso na niya kahit ang mga simpleng banat para pakiligin ang dalaga, na umeepekto naman kay Amethyst. Kahit anong sabi ni Jin sa sarili niyang wag suyuin si Amethyst, hindi niya mapigilan ang sarili niya. Para sakanya, mas mabuti nang masaktang sumusubok kaysa sa masaktang nanahimik lang.

"Yes?" mahinhin na tugon ng mama niya.

"I've been thinking.." umiwas siya ng tingin sa nanay nya dahil sa kaba. Alam niyang kaya sila ipinagkasal ay dahil sa ikabubuti ng kumpanya nila. Pero gusto niya pa ding subukan mag-tanong. "Is it fine with you if Taehyung and I divorce?"

Hindi nagulat ang nanay ni Amethyst sa sinabi niya. Matagal na siyang kinutuban sa relasyon ng dalawa. Kahit na sabihin nilang okay sila, alam ng mama ni Amethyst ang mga mata nito. Marunong mag-sabi ng kasinungalingan ang bibig niya pero ang mata? Purong katotohanan.

"I know our marriage is for the sake of the company but could we really not survive without Taehyung's busi—"

Hindi natapos ni Amethyst ang sinasabi niya nang mag-salita ang nanay nito. "Have you made up your mind?"

Saglit na natahimik ang dalaga. Lumunok bago sabihing "Yes, ma."

"Very well. I'll go talk to your father and ask my secretary to help us at once." She knows her daughter better than anyone. Even better than Amethyst herself. She knows how sure her mind is right now. She also knows how she may or may not regret this later.

But that is the whole point. How will she learn if she doesn't have anything to learn from?
















Amethyst's

"Thank you for driving me. Again." nakanguso 'kong sabi kay Jin habang nagma-maneho siya. Papunta kami ngayon sa dati 'kong condo para magpa-pirma kay Taehyung ng mga papers. Mabilis kumilos ang secretary ni Mommy kaya heto na ako ako, one sign away from being single.

veneer | taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon