syll: tangina nung version na hindi pa ito edited. kadiri bwiset, saludo ako sa mga nag-basa neto noon. hindi ko kaya basahin ng hindi nahihiya dios mio.
x--
Amethyst's
"So you thought I'd go crazy if I found out you're married to one of my idols, is that correct?" Napaka-accurate na conclusion ni Aisla at tumango lang ako.
"You knew the whole time, Zoe?" Tanong ni Aisla kay Zoe at ang babaitang ito naman napa-lunok lang.
Mahigit isang oras na simula nang i-explain ko kay Aisla yung nangyayari sa buhay ko ngayon. Sa una nagulat siya pero ngayon sa tingin ko, nagmamaang-maangan nalang sya para ma-divert ang attention ko.
"Yes, but A asked me to kaya I'm innocent as fuck." Depensa nya sa sarili niya habang ang kamay ay nasa ere.
Bumuntong hininga nanaman si Aisla bago ako tignan. "You could've just told me. Maiintindihan ko naman eh. Para mabawasan yung mga list of worries mo."
Seryoso? Seryoso siya ngayon? "I'm confused, you're not mad...?" I mean, it's okay for her to be angry I'm totally okay with that. Kung ako iyan I'd be angry.
Pero umiling siya kaya nanlaki mata ko.
"Of course I'm mad at you for not telling me. But as a best friend, I understand that you need someone to lean on too. Specially right now." Na-touch ako sa sinabi niya kaya naman nag-yakapan kaming tatlo.
"Thanks mga panget."
.
Pang 3rd season na ata namin ito ng F.R.I.E.N.D.S nang may mag-doorbell sa pinto ni Zoe. Nag-volunteer na si Aisla na buksan ang pinto dahil kami ni Zoe, masyadong tutok sa palabas. "I'll go get it."
My god, "Seryoso? Magbe-break sila?" Tanong ko kay Zoe.
"Siguro." Kibit balikat na sagot niya.
"But why?!" Affected na affected talaga ako eh ano. Bahagyang binatukan nalang ako ni Zoella.
"Loka. Palong palo naman to, sana ikaw nalang nag-director." Sabi niya pagkatapos ay sinilip si Aisla. "Ano na te, sino yung tao?"
Na-curious din ako kaya tinignan ko si Aisla. Kaso na-statwa lang sya sa posisyon niya kaya naman ni-pause ko ang t.v at lumapit sakanya. "Ano, multo ba yung nag doorbe— Oh?"
Nakita ko sa pinto si Hoseok at Jungkook. Ngayon ko lang na-realize na fan nga pala si Aisla kaya hindi niya mapigilang matameme. Inalalayan ni Zoe si Aisla pabalik sa sofa kahit na hindi parin siya kumukurap habang ako naman pinapasok ko lang yung dalawang pugo sa loob.
"Bakit kayo nandito?" Mataray na tanong ko. If I know, si Hoseok nandito lang para landiin nanaman si Zoe. Ewan ko lang kung bakit nag-dala siya ng isang minion nya.
"I-I just came to give Zoe this." Namumulang sabi ni Hoseok habang nilalapag ang paperbag sa lamesa. I smell donuts. Aba talaga, pursigido ang horsey natin.
Tinaasan ko siya ng kilay habang binaling ko naman ang atensyon ko kay Jungkook. "Eh ikaw?"
Kinamot niya ulo niya. "Hyung saw me on the way. I told him I wanted a ride home so he agreed. Sabi niya may ibibigay lang daw sya sa jagi—"
"Okay na Jungkook. Nasagot mo na. Tumigil ka na." Siniko siya ni Hoseok.
Pfft. Parang tanga, obvious naman na eh.
Nabaling naman bigla ang atensyon ni Jungkook kay Aisla. Napatingin siya sa akin pag-katapos. "Is she okay?"
"I guess? She's one of my best friends. Aisla Taylor. She happens to be a fan kaya ganyan yan." Sabi ko habang lumalapit sa sofa para tignan kung okay na ba si Aisla.
Napa-kalma na siya ni Zoe at bumalik na din sa pag-kurap. Tinawag ko yung dalawang itlog para lumapit dito para ma-introduce ko si Aisla.
"Pakilala kayo." Sabi ko sakanila.
"Bakit pa eh kilala naman na nya kami?" Tanong ni Hoseok kaya binatukan siya ni Zoe. "B-Biro lang. Hi. Jung Hoseok, J-Hope, member ng Bangtan, Single pero taken." Nakipag-kamayan siya kay Aisla habang itong babaeng ito naman tahimik lang.
Lumapit si Hoseok kay Zoe pagka-tapos. Dios mio, onting respeto naman sa single. Ang sarap sipain ng dalawang 'to eh.
Sumunond namang lumapit si Jungkook kay Aisla. "Hello, I'm Jeon Jungkook. Amethyst is months older than me so I call her noona. What about you?"
Tinignan ko ang reaksyon ni Aisla pero natameme lang sya. Kaya naman kinalabit ko. "Huy teh ano nalang balak mo sa buhay mo, paano ka uunlad nyan?" Bulong ko sakanya.
"S-Si Jungkook... bias ko." Bulong niya din sa akin pabalik. Napa-buntong hininga nalang ako at humarap kay Jungkook.
"I'm sorry pero talagang hindi siya makasalita ngayon. I'll calm her next time." Sabi ko kay Kookie habang siya naman nginitian lang kami ni Aisla.
"It's fine, I understand." Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Jungkook sa tenga ni Aisla. Akala ko kung anong gagawin pero bubulungan lang pala kaya nilapit ko din yung tenga ko para marinig ko.
"Thank you for picking me as your favorite."
Pag-katapos ay lumayo sya at kinindatan si Aisla, tsaka lumapit kanila Zoe para kimbinsihing umuwi na sila. Tinignan ko si Aisla. Hala ang gaga, naging kamatis.
"Buhay ka pa kaya?" Tanong ko habang tinutusok tusok ang pisngi niya. Tinignan niya naman ako pabalik.
"Amethyst..."
"Oh?"
"I can now die happily."
Ni-rolyo ko nalang ang mata ko sakanya. Napaka-harot din ni Jungkook eh, alam na ngang fan tapos kikindatan at bubulungan. Marunong din eh.
Habang nagu-usap sila, pwera lang kay Aisla na nagp-phone, inayos ko yung sofa at humiga ako. Nilagay ko na sa ulo ko yung isang throw pillow at mahimbing nang pumwesto sa sofa. Napa-tingin naman sa akin yung dalawang itlog.
"Oh bakit? Inano ko kayo?" Tanong ko sakanila.
"Dito ka ba matutulog?" Tanong sa akin ni Hoseok. Tinanguan ko lang sya bilang reply.
"Noona, wae? Aren't you supposed to be with V hyung?" Tanong din ni Jungkook.
Umiling lang ako. Ayokong i-discuss sa kanila yung current situation namin ni Taehyung dahil baka kung ano lang ang sabihin nila sakanya. Malungkot na nga yung tao, sesermonan pa nila.
"Ayaw nya pa umuwi." Sagot no Zoe. "Kayo? Kailan niyo balak umuwi?"
I've decided. Dito nalang muna ako mags-stay habang pinapalamig ko ang ulo ni Taehyung. Ayokong umepal muna.
I understand.
--x