Amethyst's
1 week na ang naka-lipas since that elevator incident happened at grabe nalang ako kung mag-pigil ng galit sakanya. Puta ba naman, iyon ang lagi niyang sinusumbat sa akin!
Pero okay lang. In fairness nga mas naging ka-close ko yung panget na iyon eh. I mean, yeah we're friends na. Hindi lang sakanya— pati na din sa bangtan na madalas nang bumisita dito pag free time nila simula ng matikman nila yung luto ko na binaon ni V last tine.
Naging instant chef na nila ako.
"Amethyst noona, we want some juice!" pa-cute na aegyo ni Jungkook sa akin.
Andito ang mga panget.
Pati mga korean words, may napupulot ako sa kanila. Tinuturuan nila ako ng kung ano ano.
"Magkasinh edad lang kayo, tumigil ka." sabi ni V sabay batok sa maknae nila.
Oha oha.
"Ubos na eh. Bili nalang ako." sabi ko at kinuha yung wallet ko. Hindi na ako magko-kotse, may mga bilihan naman sa labas ng condo.
"Hobi hyung, samahan mo siya." tinapik ni Taehyung ang balikat ni J-hope.
"Maka-tapik naman 'to. Tara, Amethyst !"
Kumapit si Hoseok sa balikat ko na parang linta. Hindi ko alam kung hayop ba yun o ano, bigla nalang siyang lumabas sa isip ni syll.
"Hou, sinabi ba ni V na hawakan mo siya?" masungit na sabi ni Seokjin.
"Asawa ka?" asar ni Suga kay Jin.
Naka-ngusong tumingin sa akin si Hoseok. Fine.
"Okay lang. Tara?" aya ko sakanya.
Tumango siya at binuksan na ang pinto namin nang biglang sumigaw si Taehyung.
"Hoy, ingatan mo yan. Lalo na sa elevator!"
.
Isang tindahan ang unang bumungad sa amin ni Hoseok pagka-labas namin ng condo kaya doon nalang muna ako nag-tanong.
"Pabili po." si Hoseok ang magtatanong kasi sabi niya gusto niya daw maka-experience na maka-bili sa tindahan.
Timang lang.
"Ano iyon?" tanong ng ale.
"Meron po kayong kahit na anong juice?"
In fairness magalang ang lalaking ito ha? Unlike Taehyung , mas gugustuhin ko pa siyang mapangasawa dahil kwela siya.
"Meron iho. Yung nasa pack?"
"Hindi po. Yung nasuntok."
Putangina.
Sinamaan siya bigla ng ale na nagtitinda kaya ako na ang nag-salita.
"A-Ah pasensya na po. Opo yung nasa pack po sana? Pabili po ng dalawa ng kahit anong juice." sabi ko tsaka nag-lapag ng barya sa lamesa ng tindahan niya.
Binigyan niya ako ng dalawang juice kapalit.
Babalik na sana ako sa condo ng pigilan ako ni J-hope. May bibilhin daw siya sa convenience store kaya pumunta kami sa pinaka-malapit. Habang nagla-lakad, sa sobrang curious ko, hindi na napigilan ng dila ko na mag-tanong.
Curiosity kills the cat.
"Sino si Megan?" tanong ko sakanya.
"Childhood friend namin."
"Yun lang?"
"Tsaka first love ng asawa mo."
Hindi sa natameme ako pero nagulat ako sa sagot niya. Hindi ko inakalang may first love pala yung panget na iyon. I mean, hindi ko inakalang capable siyang ma-in love at all.
"Ahh." hindi na ako nag-tanong tungkol pa doon kasi baka asarin lang ako.
Tse.
.
Naka-balik na kami ni J-hope ng unit at tapos na din nila inumin yung juice. Nasa-sala nalang kaming lahat at nagke-kwentuhan sila. Sila lang, nasa phone ako eh.
"Hyung! anong gagawin natin pag nandyan na si Megan?" epal na tanong ni jungkook.
Aalis na sana ako kasi wala akong pake sa pag-uusapan nila ng bigla akong hatakin ni Jin pabalik sa sofa at tinabi pa sa kanya.
"Stay."
"Hindi mo ko aso teh."
Binelatan lang niya ako at kinuha yung phone ko.
"Outing tayo!" suggestion ni Jimin.
"Maganda iyan. Matagal tagal na din simula noong last na bakasyon natin." sabi ni Namjoon.
"Outing kayo. Ayoko mangitim." sabi ni Suga.
"Epal mo naman. Tara! Wala naman tayong sched ngayong week! Kailan ba ang dating ni noona?" tanong ni J-hope.
"Sa wednesday!!" excited na sabi ng pinaka-panget sa kanila. Si Taehyung .
"Swimming !!" suggest ni Jungkook .
"Sama ka?" bulong sa akin ng epal ko na katabi,
"Hindi. May paso—"
"Tara guys. Sana daw si Amethyst ."
Ha!? "Luh, hindi may pa—"
"Then it's settled. May outing tayo!"
"Yes!!"
"Sana may chix sa pupuntahan natin."
"Fucking shit. Sinabi ng ayokong mangitim."
"Enjoyin natin yung trip ha?" naka-ngising sabi sa akin ni Jin.
"Yes naman Amethyst ! Sama mo yung kaibigan mo na nakaka-alam na kasal ka na!"
"Tama tama. Mas masaya pag madami!"
"A-Ah.. oo.." sinabi ng ayoko sumama eh!
Ano ba naman yan. I feel so betrayed. Inamo Seojkin, inamo.
