24

5.1K 207 24
                                    

Amethyst's

     Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok at yung palad ko parang pwede nang pigain at diligan ang mga halaman sa sobrang kaba. Kanina pa nag-simula ang contest at any time, tatawagin na ako para mag-perform.

Dios mio, at kung hindi pa enough yung kaba ko, lumapit yung isang crew member na may hawak na mga papel at tinawag ang pangalan ko. "Amethyst Lee?"

Tumayo ako. "Y-Yes?"

"Please get ready. You're next."

Parang binagsakan ako ng malamig na tubig na puno ng yelo sa sinabi niya. Tumaas din yung mga balahibo ko eh. "O-Okay po."

"Follow me, please."

Parang gusto 'kong umapela sa sinabi niya pero hindi naman pwede iyon. Ako ang representative ng class ni sir Bon Jovi kaya hindi ako pwedeng umatras. Meron din akong dalawang buong pusong sumusuporta sa akin sa audience kaya kailangan ko gawin ito.

Susundan ko na sana si kuya papasok ng backstage nang biglang may humawak sa pulso ko. Pagka-lingon ko, halos atakihin na ako sa puso nang makita ko yung mukha ng gwapong ito. "Oh, bakit ka nandito?!"

"Nasabi nila Zoe na nerbyosa ka kaya pumunta ako dito. Here, water."

Kahit na naka-suot siya ng sumbrero at mask, halatang halata ko pa din kung sino siya kahit na naka-disguise siya. Kinuha ko sakanya yung bote ng tubig at ininom iyon. In fairness, naka-tulong sa pagpapa-kalma sa akin.

"Salamat sa tubig."

"Wala yun. Ininuman ko naman na iyon eh."

Nanlaki bigla ang mata ko at hinampas siya sa braso. Putek, "Di nga?!"

"Kaya nga ang refreshing ng tubig diba?"

Pinalo ko ulit siya sa braso. "Yuck kadiri ka!!"

Imagine-in ko lang na nag indirect kiss kami, halos atakihin na ako kaagad sa puso. Pakiramdam ko, na-offend yung laway ko.

"Hindi, joke lang but see? Nawala na kaba mo."

Kumunot ang kilay ko at pinakiramdaman ang sinabi niya. Totoo, nawala yung nerbyos ko. Napalitan ng kadirian sa buhay.

"Amesthyst Lee? Please stand by." Announce ng lalaking kaninang hinanap ako.

And effective ng ginawa niya sa akin kasi sa isang iglap lang nawala kaagad ang kaba ko. Akalain mo iyon, itong lalaking ito marunong mag-comfort ng babae.

"Good luck!" Sabi niya bago ako humakbang.

Nilingon ko siya at nginitian. "Salamat, Jin."

"Anytime, A."

Dumiretso na ako sa backstage at mula dito, rinig na rinig ko na ang mga palakpakan ng audience. Yes, I've done a couple of performances before but the lingering feeling of nervousness will always be present for me kaya every time I'll sing in a stage, it still feels like my first time and it'll always be. Salamat nalang sa kadugyutan ni Jin at kumalma ako kahit papaano.

"And now let's welcome our next performer, Amethyst Lee!" Rinig 'kong sabi ng mc kaya naman huminga na ako ng malalim at nag-lakad papunta sa stage. "Goodluck!" Bulong sa akin ng mc bago siya um-exit.

Umupo na ako sa harapan ng piano at sinimulan nang tugtugin ang intro ng kanta ko. I haven't got the chance to ace my playing but for me, it'll do.

"Turn down the lights

Turn down the bed

Turn down these voices inside my head."

veneer | taehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon