[Keiden POV]Dahan-dahan ko minulat ang aking mata. Ang nanlalabo ko paningin unti-unti na rin luminaw. Puting kisame ang sya una ko nakita. Iniligid ko ang mata ko sa buong paligid saka napaupo. Nasa hospital ako! Napatingin ako sa braso ko may nakakabit pang aparato. Basta ko na lang itong hinatak para maalis. Ibinaba ko ang mga paa ko sa sahig at tumayo. Kamuntik pa nga ako matumba ngunit agad ko itinungkod ang kaliwa kamay ko sa kama. Muli ko iniayos ang tayo ko at binigay ang lakas sa mga paa ko para makakilos at makalabas roon.
Sakto paglabas ko ng kwarto iyon. Gulat na nakaharap ko ang isang nurse na mukha papasok sana sa room ko.
"G-gising ka na" -kita ang gulat sa kanya ngunit binalewala ko iyon. Tinalikuran ko sya at pinilit lumakad papalayo
"saglit lang miss shin"
Sinubukan nya hawakan ang braso ko pero inalis ko lang iyon at pinagpatuloy ang paglalakad ng nakayapak. Nakarating ako sa elevator na tyempo bumukas kaya sumakay ako. Bago pa ako pigilan ng nurse ay sumara na ang pinto. Napasandal ako at napasapo sa noo ko.
Bakit nga ba ako nandito??
Ipinikit ko ang mata ko at muli sinariwa ang mga huling sandali bago ko isara ang mata ko. Mga pangyayari bago ako mawalan ng malay.
Narinig ko ang pagbukas ng elevator kaya napadilat ako at dali-dali din lumabas. Mas lalo bumilis ang bawat paghakbang ko hanggan sa makarating ako sa malawak na receiving area ng hospital. Napatigil ang mga paa ko ng makita ko ang kumpulan mga tao may mga dala cameras. Nagkakagulo sila. Pinipilit nila makalampas pero hinaharangan sila ng marami staff ng hospital. May isa sa mga liwanag ng camera dala nila ang tumama sakin kaya bigla ako napatakip ng mukha at napayuko. Yung pagkasilaw ko roon ang nagpaalala sakin ng huling sandali habang papalapit sakin ang sasakyan tatama sakin.
Naramdaman ko may kumapit sa magkabilang braso ko at inassist ako paalis roon. Napatingin ako sa kanila ng salitan.
"ba't bigla ka umalis ng hospital room mo?" -Erysse na nasa kanan ko
"para kang baliw at nakayapak ka pa!" -sermon naman ng nasa kaliwa kong si Zein
Inalis ko ang pagkakakapit nila sakin at hinarap sila.
"hindi nyo kasi naiintindihan. Kailangan ko ng umalis rito hangga't maaari!" -akma lulusutan ko sila pero ganun na lang sila kaalerto at nagdikit pa para harangan ang daan ako.
Napabuga ako ng hangin.
"Alam ko na ang iniisip mo. Expenses ba? Kahit matulog ka pa ng isang linggo sa room mo ayos lang bayad na iyon" -Zein
"bayad na?!" -napatingin ako kay Erysse. Syang napapailing naman at ngumisi.
"Hindi ako ang nagbayad. Yung nakabangga sayo" -sagot nya na mukha nabasa ang pagtitig ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Haven♾High | Completed
General FictionHaven means a safe place and school should be the second home.. But What if the place they used to know as safe and feel like home become the most dangerous, feel like hell and start of agony to each one of them. Meet the students of haven high! St...