- 37 -

33 4 1
                                    


[Lyzein POV]

Nakita ko agad yung sasakyan na nakaparada. Agad ko iyon nilapitan at binuksan para pumasok. Pagkaupo ko sa passenger seat napatingin lang sakin si Seungmin pero muli din binalik ang tingin sa binabasa nya libro. Nakakahiya tuloy abalahin.

"nahanap ko na yung pinapangarap ko makasama habang buhay" -wika nya

Namilog naman ang mata ko at tumingin sa kanya at sa labas na rin. Wala naman tao sa labas.

"Nasan?" -di ko napigilan di magbitaw ng tanong

"nasa chapter 8" he said

Nabalik ang tingin ko sa kanya. Syang sara nya naman ng libro binabasa nya. Napakurap lang ako. Tinutukoy nya ba ay yung binabasa nya? Sinulyapan ko yung title ng binabasa nya.

"Salamat at nagpunta ka" -sabi nya

Nabalik ang tingin ko sa mukha nya. Nakangiti naman sya sakin. Nagulat lang ako ng may kumatok ng window na nasa tabi ko. Agad ako napatingin roon at nakita si Yeriel kasama si Keiden kumakain lang ng ice cream. She keep knocking on the window.

Ano problema ng babae toh? Ano ginagawa nila dito??

Hindi naman nila ako nakikita dahil tinted yung salamin ng kotse. Kaya sinubukan ko buksan yung window. Kakaunti pa lang ang naibababa ko ng marinig ko na yung usapan ng dalawa sa labas. Nilingon muna ni Yeri si Keiden kaya di nya napansin nagbababa na ako.

"Sigurado ako sumakay sya sa isa sa mga kotse rito. Imposible bigla sya mawala" -yeriel

"Itigil na natin ito- malaki na iyon si Lyzein para bantayan pa" -sagot ni keiden

"hindi ka ba nag-aalala baka sumasideline sya" -Yeriel

"sumasideline nga sya ng part time job sa may coffee shop" -sagot ni keiden

"hindi ganun- i was thinking- what if~ what if lang naman sumasideline sya ng mga trabaho illegal" -Yeriel

"tulad ng?" -keiden

"drug dealer" -yeriel

Natawa lang si keiden. Gusto ko na sana buksan yung pinto.

"Hindi nya magagawa iyon. Just because she likes to fights ibig sabihin gumagawa na rin sya ng mga illegal. Just remove that kind of mindset at umuwi na tayo" -keiden pull her and now walking away

Pinanuod ko sila umalis at mawala sa paningin ko.

"you are sorrounded by a good people" -seungmin

Napatingin na ako sa kanya tapos na pala sya magbasa. Napatango na lang ako sa sinabi nya.

"Ano nga pala itatanong mo?" -i asked

Ngumisi lang sya saka tumingin sa labas.

"naisip ko lang na maganda pala dating spot yung lugar na ito. Wala cctv na gumagana and wala dumadaan maliban na lang kung may pasok sa haven" -bahagya sya nangiti sa sinabi nya

Haven♾High | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon