- 3 -

57 5 1
                                    


[Yeriel POV]

"Ay pusang gala!!"

Nagulat ako sa pagbusina at pagsulpot nung sasakyan kaya natumba ako at napaupo sa kalsada. Natanggal yung salamin ko kaya dinampot ko muna.

"kung magpapakamatay ka gawin mo mag-isa wag ka mangdamay ng iba!!" -sermon ng isang lalaki

Sinuot ko muli yung eyeglasses ko saka tumayo para maharap yung nagrereklamo. Pero natulala ako pagkakita rito.

"Miss nakikinig ka ba!" -nagtaas pa sya ng boses

Hindi talaga ako makapaniwala isang member nang sikat na grupong skz ang makakaharap ko. Isa sya sa mga nasa coffee shop kanina. Hindi nga lang maganda encounter ito. Isa pa tama bang isang tulad nya hinahangaan ng marami eh maninigaw na lang sa public place. Anyway, kasalanan ko naman.

"S-sorry" nauutal ko sagot at napababa na lang ng tingin

"Sorry ha?!!" -mukha mas lalo sya nainis sa sagot ko

Lumabas naman yung nasa driver seat and another person on the backseat. Lumapit agad ang mga ito samin.

"Miss pasensya na~" -yung ahjusshi pa ang nagbow at humingi ng paumanhin saka nya hinatak yung nang-aaway sakin

"Ayos ka lang miss?" -tanong ng isa pa nakatayo sa harap ko. Sya yung lumabas from the backseat.

Sa kanya naman ako natulala. Totoo nga talaga iba ang presensya ng isang idol pagmalapitan. Lalo na ang isang ito may freckles pa sa mukha. Wow!

"Yung salamin mo" -puna nya

Natakpan ko yung left side ng glass dahil alam ko iyon ang tinutukoy nya. Nagkaroon kasi ng basag iyon.

"A-ayos lang! Sige!" -nauutal ko sagot saka nagmamadali umalis.

Hindi maganda hangaan ko yung grupong kalaban ng favorite kong group. Mali iyon!

Nagtatatakbo na lang ako palayo.

*
-
*
-
*

[Felix POV]

Pinanuod ko sya tumakbo hanggan sa di na tanaw ng paningin ko. Napabuntung-hininga ako. Ayos lang ba talaga iyon?

Napatingin ako sa sahig at nakita ang isang sobre. Some sort of love letter? Maybe?

Bumusina muli si ahjusshi at tinawag na ako kaya naman bumalik na ako sa kotse. Nang pinaandar nya na ang sasakyan saka sya nanermon.

"Ano gagawin nyo kung siraan kayo ng babaeng iyon dahil sa inasta mo Minho! Paano kung may kumuha ng video sa ginawa mo?! Sisirain mo na lang basta ang kasikatan pinaghirapan nyo!!" -galit na sermon ni manager hyung niel

"Edi masira na kung masira! Actually dapat nga last week pa sira ang grupo namin sa publiko. Pagkatapos pagtakpan ni Chan yung lalaki iyon! Nakakabwisit talaga!!" -sagot ni Minho mukha puno na rin

Tumahimik naman si manager hyung dahil doon. Katahimikan panandalian samin tatlo.

"Gising na yung babae" -hyung manager

Haven♾High | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon