- 26 -

31 3 0
                                    


[Keiden POV]

Paggising ko. Una nakakuha ng atensyon ko ay yung pagiging at home ni zein. Nandyan sya at tumulong kay eomma mag-asikaso ng almusal. Tapos kinurot nya pa sa pisngi si Jeyden na lagi nya pinangigigilan. I think she like the concept of having a simple family.

"Gising ka na pala keiden~ tara na dito at mag-almusal" -aya ni eomma

Matipid naman ako ngumiti at lumapit na rin. Sabay-sabay na kami kumain. Umalis din naman agad si zein para umuwi at makaligo. Hinatid ko naman si Jeyden sa school nya. Dito ka na rin inantay si Lyzein kasi sabi nya sabay kami papasok. Hindi naman ako nag-antay ng matagal. Dumating sya bitbit pa yung favorite nya skateboard. I know medyo may kaagahan pa kaya naglakad na lang kami. Ako lang pala ang naglalakad habang ito kasama ko may mga tricks na ginagawa sa skateboard nya. Lyzein looks cool doing that. Dagdag pa iniihip ng hangin ang bagsak nya buhok na hanggan balikat and her skirt. Meron pa rin sya suot na jogging pants sa ilalim ng skirt. Hindi mo makikita magiging lady-like yan. Maliban na lang kung may magpapabago sa kanya.

May humawak ng wrist ko ng mahigpit. Ito na naman po sya. My step father. Pinilit ko bawiin ang kamay ko. At that time iniwan ni zein yung skateboard nya para balikan ako. Kinalas nya yung pagkakahawak sakin ng step father ko. Kita ko na sa mga mata ni zein na mananakit sya. Umangat na rin sa ere ang kamao nya. Kaya hinawakan ko agad ang laylayan ng uniform nya para pigilan. She look at me at umiling ako. Wag nya na sana patulan dahil nasa public place kami. Nagulat na lang ako sa ginawa ni Zein. Yung kamao nya pinatama nya sa sarili nya mukha. May kalakasan iyon ginawa nya.

"Anong ginagawa mo?!" -ahjusshi

Nagbalik sya ng tingin kay ahjusshi. She look teary at humawak sa nasaktan nya panga.

"Sinaktan nya ako!" -zein shouted

I got confuse pero nakuha nya ang atensyon ng mga nagsisidaan lang

"ano ginawa mo- ba't mo ko sinaktan?" -emosyonal nya sabi

"A-ano pinagsasabi mo!" -ahjusshi

"nananakit sya ng babae! sinapak nya ako!" -lyzein still shouting

"Aba't-" -umangat na nga sa ere ang kamay ni ahjusshi at tototohanin na ang bintang ng may pumigil sa kanya

"Tumigil ka na! Wag ka nananakit ng babae!" -sabi nang umawat. Pamilyar sya kaya napatingin ako sa paligid at nakita rin yung pamilyar na sasakyan.

Dumating na rin yung tinawag na pulis. Kaya sumama kami. Sa station tamang drama si Zein. Sinabi nya pa sya ang anak at madalas sya bugbugin. Hindi naman mapagtanggol ni ahjusshi ang sarili nya. Kahit ideny nya- may pasa pa rin sa mukha si zein. Si lyzein ang paniniwalaan.

Pinayagan na kami lumabas.

"ikukulong sya ng mga isa o dalawa araw. Samantalahin nyo ng eomma mo iyon at umalis na sa tinitirhan nyo" -zein

"Pero kakalipat lang namin doon. Wala na din ako alam na pwede puntahan" -sagot ko

May huminto sasakyan sa harap namin. Lumabas yung sakay which is si Jisung. He greeted us first saka nya binuksan yung pinto sa likod at sumenyas na sumakay kami. Nakita ni Zein na si Minho ang makakatabi.

"kaya naman namin pumasok" -zein

"Napabayaan mo yung skateboard mo sa street kaya nagulungan ng sasakyan namin. Iyon din yung dahilan kaya nakita namin kayo. Hindi kami pwede bumaba kaya si manager hyung na lang ang nagrescue sa inyo" -han

"thank you~" -i said

"sinira nyo yung gamit ko!" -zein

"hindi naman sinasadya. Sige na, sumakay na kayo para mapag-usapan kung paano papalitan" -han

Haven♾High | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon