DM: Forty-One

381 9 3
                                    

TANYA

"Diyos ko!" Hingal na hingal ako ng makasalampak na kami sa mabaho at amoy patay na dumpster area dito sa baba ng facility.

"Bwisit, kadiri, ay ewan! Bilis na Sy, hindi dapat tayo tumigil!" Sabi ni Lex, tumango naman si Sy at dali dali ako nitong binuhat at ibinaba sa dambuhalang basurahan.

As soon as he we touch the land ay dali daling tumakbo ang dalawa papunta sa kagubatan. Nagmamadali ang mga ito na para bang anytime eh maabutan.

Bago pa man ako makareklamo ay bigla nalang iniba ni Sy ang pagkakabuhat saakin at ginawa naman ako nitong parang sako.

Agad na umakyat kami sa nagtataasang puno at animoy mga ninja na nagtatatalon.

After a minute ay tumigil si Sy at pati na rin si Lex. Kahit mahilo hilo ay huminga nalang ako nang malalim. Dahan dahan akong itinayo ni Sy sa isang sanga ng puno, kahit lula at hindi na ako nag-abala pang mag reklamo o umimik sa takot na marinig kami ng mga taong naghahanap na saakin.

"Tanya..."

Napatunghay ako at napansin si Maya na nasa kabilang puno, sa may harapan ko. "Ma-maya?"

Umiling ito at sumenyas na wag na akong umimik. She extended her hands to me, pinapalipat na pala ako nila Sy.

"Sila Maya na ang bahala sayo Tanya, kami ni Lex ay babalik doon dahil nandoon na sila."

"Pero..."

Umiling si Sy at ngumiti. "Wag kang mag-alala, kumpleto kaming babalik, walang bawas."

Ngumiti na lamang ako at tumango. "Si Darkus..."

"Sasabihin namin Tanya." Usal ni Lex. Tumango nalamang ako at humarap na kay Maya. Tinanggap ko na ang kamay nito at napalipat na ako sa kabilang puno.

Bago pa man kami makaalis ay nakaalis na ang dalawa. "Ligtas ka na Tanya."

Tumango nalamang ako kay Maya at ngumiti. Ngumiti na lamang din ito at ang tatlo pa nitong kasama saakin bago kami makaalis sa lugar na iyon.

---
THIRD PERSON

"Bwisit naman, baho baho ko na oh!" Naiiling na sabi ni Lex nang makarating sa destinasyon nila ni Sy. "Punyemas, di ka ba nababahuan sa sarili mo Symon?"

"Ayoko nalang pansinin." Usal ng isa.

Napailing na lamang si Lex at tsaka binilisan ang takbo papunta sa tagpuan kung nasaan sila Kyle.

Pagkarating doon ay nakita nilang nakaupo ang apat, si Kyle, Dark, Bren at Alesandro sa sanga at halatang inaabangan sila.

"Mga buslog! Nandito na kami!!!!" Sigaw ni Lex.

Masamang tiningnan ni Kyle si Lex ng lumingon ito. Napakamot na lamang sa batok si Lex. "Parehas talaga kayo nitong kasama ko pa ito, bakit kayo ang naatas saakin ha?"

"Ikaw naman boss Kyle, syempre kami ang pang combat eh." Sabi ni Lex sabay upo sa sanga ng punong kanyang pinagtatayuan.

"I don't really need you, madami na kami, you can go home now ang sleep."

Napatingin naman si Lex at Sy sa dami ng mga bampirang nasa mga puno puno, mga galing itong isla.

"Wow may import hehe."

Kyle just roll his eyeballs. Meanwhile, kating kati na si Darkus magtanong sa dalawa kung ayos lang si Tanya.

"Si Tanya?"

"Okay naman, nakayla Maya na siya." Sagot ni Sy.

"Okay naman si Maya?" Tanong ni Alesandro.

Tumango si Sy na halatang bagot na bagot na. Maya maya pa ay...

"Get ready, nagsend na ng signal si Crete."

Nagtindigan ang lahat ng mga bampira sa puno. Kalakip ng tapang sa puso ay kinakabahan din si Kyle dahil sa balitang natanggap.

"Get ready, we sense that they knew that we are all here, we smell the rouge, mag-iingat kayo."

Everyone knew the danger of the rouge, pero hindi sila papatalo, never in his wildest dreams, not until he face Desire...

That is what keeps Kyle sane.

---

TANYA

"Bwisit! Nasesense ko na may bantay din diyan, nako naman, bakit kasi hindi pa sumama si Alesandro sa atin!"

Napatingin ako kay Maya na halatang problemado.

Kanina ay bigla na lamang nawala ang dalawang kasama namin, ang isang nasa harap at isang nasa likod. Ang naiisip ni Maya ay nahulog at nahuli ito ng mga bantay.

"Maya..."

"It's okay Tanya, medyo kinakabahan lamang ako, may serum kasi yung mga baril nila laban sa aming mga bampira, parang tama ng baril sa tao ang katumbas ng sakit, fatal din ito, pero wag kang mag-alala, makakarating din tayo may Senior Dyo."

"Tatanga niyo! Sa taas! Sa puno nagtatago yung mga bampira!"

Napatindig at napasandal kami ni Maya sa malaking puno na aming kinatatayuan, nandito na sila, at alam nilang nasa taas kami. Hindi basta kami makakagalaw ni Maya, knowing na may weapons sila.

"Doon doon! Sagadin mo na yang flashlight mo!"

Kinabahan kami ni Maya ng biglang may tumamang liwanag sa paa ko, na hinihiling kong sana ay di makita.

"Ano meron sa puno na yan?"

"Parang ewan, teka..."

Bago pa ako makahulma ay naramdaman ko ang pagbaba ni Maya, kahit ang mga bantay ay hindi agad nakagalaw.

Agad na umatake si Maya sakanila. Bago pa man maubos ni Maya ang mga ito, ay natamaan agad siya ng baril sa braso. Pero kahit ganoon ay patuloy na lumalaban si Maya.

Ako naman ay walang ampat ang pagtulo ng luha sa aking mga mata, sana ay maligtas si Maya...

Maya maya pa ay tumigil na ang aksyon sa baba, agad na sumampa saakin si Maya at dali dali niya akong inakay at mabilis na nagpalipat lipat ng puno.

"Maya..."

"Ayos pa ako, kailangan natin mag madali. Hindi aatake ang parte natin hanggat hindi tayo nakakarating kay Senior Dyo."

Sa loob loob ko ay nananalangin ako na makarating na kami kaagad kay Dyo.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba kami sa puno sa may dulo ng kagubatan. Doon, nakita ko si Dyo at ang ilang tauhan niya na may alam sa medisina ang naroon.

"Senior..." Lumuhod si Maya pagbibigay pugay kay Dyo. Ngumiti si Dyo saakin at iminuestra ang van sa likod.

"Tatawag na ako kay Xenon, Maya, maraming salamat."

Nanghihinang inakay ko si Maya sa van, hindi lang iisa ang tama nito kung hindi tatlo, sa braso, balikat at daplis sa mukha. "Maya..."

Inihiga ko ito sa upuan. Pagkaraan ay sumunod si Dyo sa loob, ang istilo kasi ng van ay maliit na gamutan. "Maayos lang si Maya, Tanya, magpahinga ka muna."

Tumango ako dito. Bago pa man ako magpahinga ng tumuyan ay tinanong ko muna kung nasaan ang anak ko. "Si Lesley, Dyo?"

"Maayos siya at malayo dito, lahat ng mga bata ay malayo dito, kasama nila si Lesly."

"Nasa isla tama ba ako?"

Tumango lang ito at sinimulan nang gamutin si Maya.

Sana, matapos na ang lahat ng ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon