TANYA
"NO one touches my property! You pathetic asshole!" Nagulat ako ng may biglang may lumabas sa dilim na lalaki at agad na kinuha si Gabriel sa ibabaw ko.
Sinuntok ito ng lalaki at halos mawalan na ng buhay ang aking kapatid. "T-tama na..."
"No! He touches you! He, he even tasted you! No one should be alive by now! Go out to this room now!"
Patuloy parin sya sa pagsuntok kay Gabriel. "Darkus..."
"I said LEAVE!" Dali dali akong lumabas sa kwartong iyon at pumunta sa guest room. Hindi ko na alam ang gagawin ko, palakad lakad lang ako at hindi ko alam ang iisipin ko.
Sya nga yung napapanaginipan ko, 'Darkus...
Bakit parang tunay sya, mali bakit akala ko panaginip lang ang lahat? Bakit akala ko... Bakit ba ganito ang nararamdaman ko, ano bang nangyayari sakin.
"You okay?" Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa aking likuran. Ng lingunin ko ito, si Darkus pala.
Tumango tango ako. "A-ano ayos lang a-ko."
"You sure? You look pale." Hinaplos nito ang mukha ko. "Ah sadya yun ano ka ba! Hehe." Nataboy ko tuloy ang kamay nya. "S-sorry.""It's okay." Pumunta ito sa kama at umupo doon. "Sleep now, malalim na ang gabi." Sabi pa nito.
Nagtatalo ang isip ko at puso, hindi ko alam, ayaw kong lumapit sakanya pero parang may nag sasabi sakin na mabait naman sya. Unti unti ay lumapit ako sakanya at dahan dahang humiga sa kama. Ngunit bago yun ay hinila nya ang aking palapulsuhan at hiniga ako sa kayang hita. Hinahaplos nya ang aking buhok. Unti unting bumigat ang talukap ng aking mga mata.
Bago yun ay may narinig pa akong sinabi nya. "Everything will be alright." Bago unti unti ay hinila ako ng kaantukan.
---
"AHHHHHHHH!" Napabalikwas ako sapagkakahiga ng may marinig akong matinis at malakas na sigaw.
Napatingin ako sa buong paligid. Wala na si Darkus at nasa kwarto na ako. Panaginip lang ba yung kagabi?
"GABRIEEEEEEEL!" Dali dali akong napalabas ng aking kwarto. Sa harapan ng kwarto ko ay madaming maid's at bukas ang pinto ng kwarto ni Kuya Gab.
"Padaan po." Sabi ko sa mga katulong bago ako tuluyang maapasok. Pagkapasok ko ay nagimbal ako sa nakita ko.
"Diyos ko!" Si Kuya Gab, naka dapa ito sa kama at wakwak ang likod, kitang kita ko ang spinal cord nya at ang lamang loob nya. Nakamulat pa itong namatay at halos masuka ako ng may patay na daga pa ito sa bibig.
"Anak koooo!!" Umiiyak si Tita Fantine habang hawak ang kamay ng anak nya. "Anong nangyari dito?"
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko doon si Papa. "Si Gabriel! Ptay na sya! Patay na ang anak natin Vincent! Huhuhu." Humahagulgol si Tita Fantine at nagpapapadyak.
"What the hell!" Nausal ni Papa. Napatingin naman sa gawi ko si Tita Fantine. "Ikaw!" Tumayo ito sa pagkakasakampak sa sahig at lumapit sakin. Malakas na sinampal ako nito. "Malas ka! Siguro ikaw ang may gawa nito sa anak ko!" Agad na dinaluhan naman ni Papa si Tita Fantine at inawat. "Tama na Fantine! Anak umalis ka muna dito."
Tumango nalang ako at umalis. Wala akong kasalanan. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakasalubong ko si Gabby. Nakatingin ito sa direksyon kung saan nakahiga ang kuya nya. "Alam ko po ang nangyari." Nagulat ako, buti nalang at mahina lang ag boses ni Gabby.
"Gabby!" Tawag ko dito. "Ate Tanya!" Ngumiti ito at lumapit saakin. "Ano yun ate?"
"Sumama ka sakin."
Hinila ko si Gabby papunta sa kwarto ko, buti nalang at soundproof nga ito at buti narin na katapat lang ito ng kwarto ni Kuya. Pagkadating namin doon ay inilock ko ang kwarto ko. "Ano ba yun Ate?" Hinila ko sya papunta sa kama at pinaupo doon.
"Ateeee."
"Anong alam mo Gabby?" Tanong ko agad. Si Gabby kasi ang tipo ng bata na matured na at hindi mo na kailangan pang paikot ikutin.
"Lahat."
"Anong i-ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong ko.
"Nakita ko ant lahat, simula ng pumasok si Kuya sa kwarto mo, ng lumabas ka at pati narin yung lalaking nakaitim. Tapos bumalik yung lalaking nakaitim at dinala ang walang malay na si Kuya sa kwarto nito, bago ka nya balikan ulit at dalhin sa kwarto mo. Tapos nakita ko rin na lumabas ito sa kwarto mo at bumalik sa room ni kuya Gab. Tapos lumabas din yung lalaking nakaitim na may dugo na ang buong katawan, napatingin pa nga yun sakin eh."
"Gabby..."
"Pero don't worry Ate, i won't tell anyone about this, sabi kasi nung kuyang nakaitim, masama daw si Kuya Gab kasi nirape ka nya, and i know Kuya si capable of doing that, manyakis yun eh, so don't worry."
"Gabby..."
"I love you Ate."
"Me too, I love you sis." Yumakap ako dito at hinalikan ang noo nito. "And Ate..."
"Hmm?"
"Sabi ni kuyang nakaitim, babalik daw sya dito, and everything will be alright." Humagikhik pa ito na tila kinikilig. "Ano bang snasabi mo Gabby? Ang mabuti pa eh pumunta ka na sa kwarto mo at maligo, kakain na maya maya." Sabi ko.
"I'm sure wala tayong breakfast kasi diba patay na si Kuya Gab."
Tama sya, at maaaring pag initan nanaman ako dito sa bahay. Pero wala naman akong ginawang mali. "It's okay ate, si kuyang nakaitim ang bahala sa lahat."
Tumango ako. Sana nga si Darkus na ang bahala sa lahat dahil sa totoo lang, baka hindi ko kayanin ang gagawin saakin ni Tita Fantine pag nagkataon.
"Bumaba na tayo." Bumaba ito sa kama at sabay kaming lumabas ng pinto. Pagkababa namin ay mayroong kausap na lalaki si Tita at Dad sa may sala's. "Sino po yun?" Tanong ko sa isang kasambahay.
"Ah, eh yung imbestigador po Ate, ang gawapo nga eh."
Imbestigador?
Nauna ng bumaba si Gabby sakin, habang ako ay dahan dahang bumaba at tinitingnan ang imbestigador. "Walang CCTV footage ang nairecord ng gabing yun, may nagbura kasi. Sakto namang kumuha ang nagbabantay sa camera ng kape sa kusina kaya ayun nabura ng salarin ang footage." Ani ni Dad na narinig ko. Sa tabi ni Dad ay nandoon si Tita Fantine at umiiyak.
Didiretso na sana ako sa kusina ng tawagin ako ni Dad. "Tanya! Anak may ipapakilala ako sayo." Lumapit ako sa kanila at tumungo, nakakatakot kasi ang tingin ni Tita Fantine.
"Sya nga pala ang pangatlo kong anak, si Tanya, at Tanya ito ang imbestigador sa kaso ng Kuya Gab mo, sya si police investigator Darkus Weinton." Napaangat ako ng tingin sakanya.
"Darkus..."
"Yes, I'm Darkus, but I'm prefer on Dark only." Napatitig ako sa mata nya, ito ba ang snasabi nyang everything will be alright?
Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan, nanlaki ang mata ko. Baka mapansin nila Tita, kaya agad ko itong binawi at yumuko. "Pa-pasensya na, pupunta pa kasi akong banyo." At tsaka ako umalis.
Ang tanga mo! May banyo ka sa kwarto pero bumaba ka lang para magbanyo? Binilisan ko ang lakad papunta sa banyo na malapit sa kusina. Pagkarating ko ay agad akong pumasok.
"Tanga ka talaga!" Nakakainis, bakit ba nandito sya?
"Because I'm here to save and to keep everthing in the right place."
"D-dark..."
"Yes darling, I'm your Darkus." At pagkasabi nya noon ay hinalikan nya ako.

BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...