DM: Twenty-Two

166 7 0
                                    

TANYA

NASA may labas na ako ng hotel, mainit dahil alas tres na ng hapon, siguro uuwi nalang ako pagkatapos kong manood ng sunset. Alam ko rin kasi yung kaoahamakang pwedeng mangyari saakin dito if ever inabot ako ng sobrang dilim.

Maglalakad na sana ako sa way papunta sa tindahan ng smoothie ng makarinig ako ng isang boses. "MAMA!!!"

Napalingon ako sakanya. Yung batang babae kanina hinahabol nya ako. "MAMA WAIT PO!"

Lumingon-lingon pa ako sa likod ko dahil baka nadoon yung tinatawag nyang mama, nagulat na lang ako mg bigla ako nitong niyakap.

"Pasama po please." I blinked my eyes. Teka...

"Nako pasensya na, baka kasi hanapin ka ng parents mo."

Umiling uling ito. "Hindi po nagpaalam na po nagpaalam na po ako sa parents ko po."

"Nako, asan ba sila?" Lumuhod ako para magpantay kaming dalawa and I touch her her. "Ahm ano po busy po sya."

Busy? Paano nya naatim na iwanan ang anak nila?

"Sure ka beh ha? Baka kasi idemanda ako ng parents mo."

Umiling ito. "Hindi po promise." She smiled.

Ang cute cute nya, Curly ang dulo ng hair nya na hanggang balikat, mahaba ang pilik mata at sobrang itim na mata. Para akong nalulunod sa tingin nga, chinky eyes at bonus ang mapupula nyang pisngi at labi.

"Osige na nga, teka anong pangalan mo?" Tumayo ako at sandaling nagpagpag ng buhangin sa tihod bago ako humarap sakanya. "Ahm ano po Margaux (margow) po, hihihi tara na po Mama!!!"

Nagulat nalang ako ng hilahin nya na ako. Teka ulit, bampira kaya sya? Unti unti kong tiningnan ang leeg nya at may nakita akong kwintas na katulad ng saakin, which means tao din sya? So ang parents nya tao?

"Mama? Saan po tayo papunta?"

At bakit laging Mama ang tawag nya saakin? "Beh, bakit ba Mama ang lagi mong tawag sakin?" I asked her at bigla ay tumigil sya.

"Miss ko na kasi Mama ko, dati love nya ako ngayon galit na sya saakin."

I can sense na nalulungkot sya dahil sa feeling nya hindi na sya mahal ng mother nya.

"Osige Mama na itawag mo saakin, tapos mag bonding tayo na katulad ng mag mama? Gusto mo na yon?"

Tumango ito at lumaki ang ngiti sa labi. "Yes po!"

Nginitian ko sya at hinila sa may tindahan ng smoothie na nakita ko, pamatid narin sa init na nararamdaman namin.

Umupo kami sa tig isang bar stool at namili na ng gusto naming inumin sa menu. "Anong gusto mo beh?" I asked her, yung hintuturo nya nasa baba na animo'y nag-iisip.

"Ahm gusto ko po ng mango smoothie Mama."  Tumango ako at umorder na din ng akin.

Bali avocado smoothie saakin at mango smoothie ang sa kanya.

Pagkakuha namin ng inumin ay umalis narin kami doon. Gusto ko kasi na magpa braid kami sa isang babae na nakita ko kahapon na nag bra-braid, para matchy kami.

May mga nakapila pa kaya pumila narin kami, good thing may dala kaming inumin, inubos muna namin iyon.

"Masarap ba Margaux?" Tanong ko dito, tumango tango ito. Hindi na sya maamos kumain unlike the other kids.

"Ilang taon ka na ba beh?"

Tumingin ito saakin at ngumiti, "8 na po ako, 8 and pretty."

Natawa ako dahil nagpacute talaga sya. Ang swerte ng magulang nya dahil sweet na bata sa Margaux.

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon