DM: Six

1.9K 85 15
                                    

TANYA

"KAILANGAN ko muna siguro na pumunta sa bahay ng Tatay ko, Marga." Nag sad face ito at para ng iiyak.

"Nalaman ko na malayo pala yung bahay ng Daddy mo my cousin, hindi kita mavivisit doon ng madalas."

Napangiti ako. "Isang linggo lang ako dun, para naman tatagal ako dun diba?"

Biglang nagbago ang itsura nito. "1 week? Ay akala ko pa naman, hala sige go ka na cousin." Tumayo ito at pumunta sa may kusina. "Isang linggo lang naman pala, hays."

I smiled. Ganyan talaga kami ni Marga, close talaga kami at talo pa namin ang magkapatid, though pinsan ko sya, feeling ko hindi, sisters talaga kami.

Tumayo na ako atsaka pumunta sa kwarto ko. Mamayang gabi kasi ang plano kong bumiyahe. Mas masarap kasi kung gabi, medyo malayo pa naman ang San Vicente dito sa barrio namin na sakop ng Poblacion Navidad. Mga limang oras ang aabutin bago ako makarating sa San Vicente na para ng lungsod sa ganda.

Pagkahanda ko ng damit ko ay naligo na ako. Halos alas singko narin ng makaalis ako ng bahay. Dumiretso ako sa karimderya para makapahpaalam kay Tiya Rettie.

"May! Si Tita?" Tanong ko sa katrabaho ko dito na si May.

"Nasa kusina, wala kasi si Ate Tess ngayon kaya sya ang nagluluto, teka babalik ka na ba? Madami ng nakakamiss ng luto mo."

"Naku Ate, baka next month pa eh, may aasikasuhin kasi ako."

"Ay, sige na pumunta ka na si Tita mo." Ngumiti ako dito bago pumunta sa kusina.

"Oh! Tanya." Ngumiti ako at lumapit kay Tita, niyakap ko ito. "Naparito ka? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo. Anong problema?"

Pumunta kami sa maliit na opisina nito at doon nag-usap. "Aalis po kasi ako, pupunta po ako kay Daddy, gusto ko po kasing magpakunsulta sa isang specialista. Medyo nababahala na rin po kasi ako sa gabi."

Ngumiti si Tiya at lumapit saakin, hinawakan nito ang kamay ko. "Mas mabuti nga yun Tanya, pero kung magkakaproblema ka doon ay wag kang mag dalawang isip na kontakin kami ng pinsan mo ha, susunduin ka agad namin doon."

Tumango ako. Ganito ako kamahal ni Tita. Kapatid sya ng Mama ko na namatay sa sakit. Sakanya ako hinabilin ng Mama ko dahil alam naman ng Mama ko na wala akong lugar sa pamilya ng Ama ko.

Anak lang ako sa labas. Ang Mama ko ang cook sa mansyon ng mga Vicente ng makilala nya ang Ama ko. Akala ng Mama ko noon ay walang asawa ang Papa ko kaya nakipagrelasyon sya dito, pero nagkamali sya, may asawa na pala at dalawang anak ito na nasa america, kaya naman ng umuwi ang mga ito ay talaga namang halos mawalan na ng buhok ang Mama ko. Pero dahil anak ito ng gobernador at mayor ito ng bayan ay walang nakaalam na anak ako sa labas, ang alam ng lahat ako ay ampon ng mayor dahil nakita nya ako sa lansangan.

Hinatid na ako ng Tita ko sa iniwan kong tricycle. "Mag-iingat ka doon ha, ikamusta mo nalang ako sa Daddy mo."

"Opo Tita, ingat din kayo ni Marga."

Umandar na ang tricycle, tumingin ako sa likod at nakita ko ang Tita ko na kumakaway, kumaway din ako. Pero sa paglingon kong yun, hindi nakaligtas sakin ang lalaking nakaitim na nasa poste. Nakatingin ito saakin.

---

"SAN VICENTE!"

Sa wakas, nakarating nadin ako sa bayan, alas dose na din ng gabi, medyo trapik din kasi kaya medyo bumagal ang bus na sinasakyan ko.

Malapit lang naman dito sa bayan ang bahay ng aking Ama. Pagkababa ko sa bus ay agad kong nakita ang buhay na buhay ng lungsod ng San Vicente, malayo ito sa barrio na kung ganitong oras, halos huni nalang ng ibon at kuliglig ang maririnig mo.

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon