DM: Seventeen

239 11 0
                                    

TANYA

"ANONG problema darling?"

Napatingin ako kay Darkus na nasa tagiliran ko. Pauwi na kami sa tinutuluyan namin. Sabi nung lima iiwan na muna nila kami rito. Maari daw kaming mamasyal muna at mag relax bago umuwi sa lungsod.

"Wala naman, may iniisip lang." Sabi ko dito at ngumiti. "May sinabi ba sayo si Ana?"

Umiling ako. "Wala nga ano ka ba, medyo napagod lang ako. Gusto ko lang magpahinga muna."

Tumango lang ito at hinayaan na nyang nakaunan ako sa dibdib nya habang kayakap ako.

Maya maya rin ay nakarating na kami sa tinutuluyan namin. Nauna na dito yung lima kanina pa, medyo nahuli kami gawa nga ng nagbanyo pa ako tapos may nakasalubong si Darkus na kakilala kaya medyo nahuli kami.

Minabuti nalang nung lima na gumamit nalang ng ibang van pauwi. Nagmamadali narin umuwi yung mga yun dahil may pamilya na sila.

Pagkadating ay dumiretso na ako sa kwarto, naglinis ng katawan at nahiga. Si Darkus naman ay tahimik na nagmamasid sa akin. Sa huli ay tumabi ito at niyakap ako.

"Ang hirap din pala na hindi ko nababasa ang isip mo." Ani niya.

Humarap ako dito, nakatalikod kasi ako sa kanya. "Ano ka ba! Wag ka na nga kasing makulit, wala akong problema or iniisip, pagod lang." Sagot ko dito at hinalikan ang tungki ng ilong nito.

Niyakap lang ako nito ng mahigpit at hinalikan ang noo ko. Maya maya pa ay naramdaman ko ang bigat ng paghinga nya.

Tiningnan ko sya at ng masigurong tulog na ito ay bumangon ako. Hindi din naman talaga ako makatulog sa totoo lang.

Iniisip ko ang sinabi ni Ana. May sekreto daw na mabubunyag? What? Hindi ko sya magets? Kung sekreto lang din naman, wala naman akong tinatago kay Darkus.

Bumangon ako at dumiretso sa terrace. Hapon na base sa kulay kahel na langit. Napahinga ako ng malalim. Ang ibig sabihin lang noon si Darkus ang may tinatago saakin.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ano ito?

Isa pa ay ang panaginip ko noong nakaraang gabi. Hindi ko nga din alam kung panaginip yun o ano man.

Ang natatandaan ko parang nag-uusap sila ng isang lalaki. Sa natatandaan ko pa kaboses ni Darkus yon.

May koneksyon ba iyon sa sinasabi ni Ana saakin? Anong misteryo ba ang bumabalot sa boyfriend ko?

"Irah!? Darling!?" Napabalik ako sa realidad, sa sobrang dami kong iniisip hindi ko namalayang ilang oras na ang lumipas, madilim na dito sa terrace at gising na rin si Darkus.

"Nandito ako." Pumasok na ako sa loob at nagpakita rito. Para namang nakahinga ng maluwag ang isa.

"Mabuti at nariyan ka, nakatulog ka ba? At mabuti rin na suot mo parin ang kwintas." Saad nito sa inaantok na tono. Napansin ko na inaantok pa talaga sya, siguro hindi nya ako nakapa kaya nagising sya.

Tumango nalang ako at ngumiti. Dapat na mag imbestiga ako, pero sisimulan ko nalang pagbalik sa syudad.

"Come here."

Lumapit ako dito at nabigla ako ng hilahin na lang ako nito. "Ang bagal bagal mo."

Niyakap ako nito and I hug him back. "Kung ano mang bumabagabag sa isipan mo, sabihin mo lang saakin ang we will do anything para mapanatag ka na okay?"

Sasabihin ko ba?

"Sige, pag meron."

Hindi, hindi ko sasabihin, ako ang bahalang tumuklas ng lahat.

---

Pasado alas otso ng magdesisyon kaming bumaba para mag hapunan. Sabi kanina ng helper dito nakaalis na ang lima bandang alas sais ng hapon, ni hindi ko man lang sila napansin na umalis.

Kasalukuyang kumakain kami ng biglang may bumulong na helper kay Darkus. Tumango ang isa at itinigil ang pag kain.

"Darling may bisita ka."

Napataas ang kilay ko pero kalaunan ay nalaman ko na kung sino.

Alesandro...

Tumango ako kay Darkus at tumayo na, umuna na daw ako at susunod nalang sya, siguro naisip nya na mahalagang mag-usao muna kaming dalawa ni Alesandro.

Nagtungo ako sa hardin. Sabi ng mga helper kasi ay nandoon ang isa sa mataas na konseho kaya doon ako nagtungo.

Pagkadating ko doon ay nakita ko si Alesandro, kasama ang asawang si Maya. Ngumiti ako sa dalawa.

"Magandang gabi." Pagtawag ko ng atensyon sa dalawa.

Napatingin sila saakin at ngumiti una si Maya.  "Magandang umaga rin binibining Tanya. Nagkakilala na tayo kanina." Sabi ni Maya habang palapit ako sakanilang dalawa.

"Kinagagalak kong makilala ang asawa ng kaibigan ko." Saad ko.

"Nako ako din, ikaw pala ang tinutukoy nyang kaibigang puro daw problema hahaha, nako pasensya na bibigyan ko muna kayo ng oras para makapag-usap ng masinsinan." Sabi nito at biglaang naglaho.

"Hi."

"Hi." Sabay naming sabi. Napatawa kami.

"Topak ka talaga." Sinuntok ko ng pabiro ang braso nito. Natawa nanaman ang kulokoy. "Aray ha!"

"Ikaw mapaglihim ka! Hindi mo manlang sinabi na may asawa ka na!" Sinuntok ko muli ito sa braso.

"Aray! Sinabing masakit! At isa pa nagtanong ka ba kung single ako? Diba hindi? Yan tuloy sinabi na wag mainlove sakin!"

Napairap ako, kapal ng mukha. "Gago ka? Kapal mo hangin hangin mo talaga!"

Nagpapambuno na kami, naroong sinabunutan ko na sya, naroong ginulo nya ang buhok ko at kung ano ano pa. Natapos kami sa pagsalampak sa damuhan habang natawa.

Hinihingal kami pareho. "Sorry hindi ko nasabi sayo ang sekreto ko, akala ko kasi hindi mo matatanggap, at isa pa living normal ako sa school dati, kaya hindi ko nasabi, at si Maya, bago ko pa ako pumasok sa school natin, asawa ko na sya." Sabi nito.

"Lintek ka! Sabi mo sakin single ka diba? May pa wag akong maiinlove sayo yun pala may asawa ka kaya bawal!"

"Gago! Kung nainlove ka sakin edi sana patay nako ngayon! Buti nalang talaga at hindi, kundi matagal na akong abo dahil aabuhin ako ng Senior Dark." I rolled my eyes at ngumiti.

"Good to see you Ales, I mean I missed you syempre, we are inseperable in school and we do so much thing together, it so nice to meet you and your wife, finally, we can be true to each other once again, without secrets?" I raised my pinky finger, he smiled.

"Without secrets." And we made a promise.

Maya maya pa ay dumating na si Darkus at Maya. The couple bid their goodbye and tell us na we shouldn't hesitate to call them kung gusto naming magpasama to tour us here at the island.

"Good to see that you are okay with a friend. Honestly I am so jealous at the court earlier, even if I knew them for a long time, meet them for a long time, to think that you're looking at him makes my whole being mad." He said. Tumingin ako sakanya and pinch his nose.

"Baliw! I told you I am yours right?" I said.

He smiled. "Of course you are mine." Then he pinned me into wall and kiss me.

I am his, sure...

But I want to know the whole truth.

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon