DM: Ten

1.5K 52 18
                                    

TANYA

MALAYO na kami sa bahay ni Papa at doon ay naiwan si Darkus.

I love you.

Hindi ko mintindihan, basta na lamang kumabog ang puso ko ng napakabilis. Mahal mo na kasi sya.

Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, masaya ako pag nandiyan sya, malungkot ako kapag wala, galit ako kay Gabriella dahil humawak sya kay Dark, naiinis ako pag hindi nya ako tinatawagan, mahal na ba ang tawag doon?

Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang puso ko kung ano ba talaga! Kainis!

Denial

Oo na denial na kung denial.

"Miss, sabi ni lord darkus ay dapat na manatili ka sa kanyang bahay, ngunit hindi ang bata."

"Paano ang kapatid ko?" Napalingon ako kay Gabby na nakatulog na.

"Ibababa po natin sya sa harap ng kanyang eskwelahan, tutal naman ay may mga guro doon, makakahingi sya ng tulong."

Ginising ko si Gabby. Papungas pungas na bumangon ito at inauos ang salamin sya. "Bakit po ate?"

"Gabby hindi na kita maaring isama, sa school mo ikaw ibababa nitong sasakyan. May kilala ka bang teacher mo doon na pwede mong hingan ng tulong para makauwi?"

Napakurap kurap ito bago tumango. "Si miss jana ate, adviser ko sya at mabait din, wala syang pakialam kung anak ako ng governor ng bayan, basta pag mali ako mali." Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Pero miss tanya, kailangan na hindi malaman ng mga magulang nya na ikaw ang kasama nya."

Naatingin ako kay Morphine. "At ba----

"Opo mr, naiintindihan ko po, sasabihin ko nalang na pumunta ako mag isa sa school para itanong yung project."

"Gabby..."

"Ayos lang po naiintindihan ko dahil mas kailangan na mailigtas ka ate, at ako naman ay mananahimik pansamantala para sa ikabubuti mo. Kaya ihatid nyo na po ako sa school ko."

Tumingin ako kay morphine at tumango. "Tara na."

Pagkaraan ay nakarating na kami sa school ni gabby. Dali dali syang inilabas ni morphine. Bago masaraduhan ang pinto ng van ay ngumiti pa si gabby.

Aalis na sana kami ngunit gusto ko lang masigurado na ligtas na ang kapatid ko. "Mamaya morphine, gusto ko lang masigurong ligtas sya."

Tumango naman ito. Maya maya pa ay nilapitan na ng isang babae si gabby, at yun nadin ang hudyat na aalis na kami.

---

ILANG oras din ang nakalipas bago kami makarating sa bahay na sinasabi ni morphine. Malayo ito sa bayan at ang dinaanan namin ay isang liblib na lugar. Puno ang bumubuo sa buong bakuran ng mala haciendang bahay na ito. "Pumasok na po kayo."

Napatingin pa ulit ako kay Morphine bago pumasok sa loob.

Malaki ang bahay ngunit hindi ito mala mansyon. Simple lag ito at parang rest house. May sala, may kusina na sapat lang para sa dalawang tao. May hagdan din pero hindi grand staircase. Umakyat ako doon at nakita ko na may tatlo itong kwarto.

Bumaba ulit ako sa baba ng marinig kong nag ring ang cellphone kong bago. Ibinigay ito ni Morphine kanina sa sasakyan. Paulit ulit itong nag ring hanggang sa makuha at masagot ko.

"You okay?" Agad na pambungad ng tumawag. "Dark..."

"Just stay there for a couple of days. Hindi ako makakapunta agad dyan ngayon. Don't worry okay?"

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon