TANYA
HINDI ako mapakali pagkadating ko sa bahay. Feeling ko ay may nagawa akong desisyon na di ko dapat nagawa.
Na-iisip ko ang nangyari saamin, at ang pag-uusap namin. Mali ba ko ng nagawa? Dapat bang nagpadala ako sa init na aking nararamdaman?
Iniisip ko palang na maaaring may mabuo ay nawiwindang na ako. Ano ng mangyayari sa magiging anak ko pag nagkataon?
Nakakawindang. Nakakadepress at ewan pa, naghahalo halo na ang lahat sa utak ko! Nakakadrain. Naiisip ko palang na ang poging lalaking iyon na umangkin sakin ay isang blood sucker!
Juiceco! Por dios nga naman talaga! Napasalampak ako sa higaan ko pagkadating na pagkadating ko sa kwarto.
Nakarinig ako ng pag lagaslas ng tubig mula sa banyo na parang alam ko na kung sino.
Bakit nga ba hindi ko napansin? Noong dinakip nya ko nun ay ganon padin ang itsura nya, ang pinagkaiba lang naman ay kung dati may balbas ito at bigote na pawang manipis. Ngayon ay malinis na ito at lalong nakakapagpabata sakanya.
Nako naman, babaliwin ata ako ng lalaking yon!
"Ayos lang na mabaliw ka basta ako ang dahilan darling."
Putek! Nakakagulat baman ito. Walang habas na nagpupunas uto ng basang katawan na walang harang manlang ang maselang bahagi ng katawan nito. Halatang pinalakita nito ang perpekto nitong katawan. At ako naman si tanga, tingin na tingin.
Gusto kong sampalin ang nahalay na bahagi sa isipan ko. Tumalikod ako sakanya atsaka nagtungo sa study table ko.
"B-bakit ka ano ahm nandito?" Tanong ko sakanya. Naramdaman ko naman na may umupo sa kama ko.
"Nandito kase ang babaeng kadikit ng puso at katawan ko."
Humarap ako dito. "Loko! Umuwi ka na nga sainyo."
"Ayoko pa, marami lang akong gagawin dun, nakakapagod sa HQ at sa ilalim ng lupa."
Ilalim ng lupa? "Teka nakalibing kaba? I mean, nakalibing ka ba dati?" Nahihintakutan kong tanong.
Napatawa ito at napahiga sa kama. "Hahahaha, nope, masyado ka namang literal, ahm ganto kase yun. May isa pa kaming tinatambayan na nasa ilalim ng lupa, facility yun for everything na pag-aari ng kaibigan ko."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko nakalibing ito dati at parang mummy na bumangon sa hukay para balika sya. "Pfft. Darling masyadong over ang utak mo ha, you made me laugh."
Halata nga eh. "Che! Basta umuwi ka na sa inyo! Baka maabutan ka pa ng Tiya ko!"
"Ayoko pa nga, and besides, nasa piling mo lang ang tahanan ko, in your side actually." Biglang sumeryoso ito at nahiga sa aking kama.
Nakatingin ako sakanya habang nasa study table padin ako. Nakakatakot talaga sya, bigla nalang kasing dumilim ang aura nya.
"Sumama ka sakin."
"Ha?" Ano daw? Sumama sakanya? Nako nama Tanya Irah Acosta, ano nanamang napasok mo?
"Alam kong naiintindihan mo ako, at tama ka, gusto kong saakin ka na manirahan."
"Dark, kasi may pamilya pa ako kaya kung pwede lang, wag muna. Napag-isipan ko na din kanina na wag na muna tayong magkita, naguguluhan kasi ako." Nagulat ako ng bigla itong tumayo ay walang habas na lumapit sakin. Hinawakan nito ang balikat ko at isinandal sa pader.
"At bakit? May iba ka ba? Ipagpapalit mo ako? Lapatayin ko sya dahil magkakamatayan muna kami bago kayo maging masaya!" Nasasaktan ako, sobrang higpit ngpagkakayakap nito saakin at makikita sa kanyang mga mata ang galit at panibugho.
"Na-nasasaktan ako, a-aray."
"Saakin ka naiintindihan mo?! Sakin ka lang!" At bigla ay lumapit ang ulo nito sa balikat ko at unti- unti ay naramdaman ko ang malamig na mainit na ngipin nito.
"A-aray!" Masakit, sobrang sakit ng ginagawa nya.
"Ahhhhhhhhh!"
*Blag*
"Ano ang nagyayari?" Nasa pintuaan nanaman si Marga at pawis na pawis.
"Marga..."
"Ano bang nagyayari sayo? Ilang buwan ka naring ganyan Tans."
Hindi ko alam. Ilang buwan narin akong nananaginip na hindi pangkaraniwan. May lalaki daw ako na nakatalik at bampira ito. Kimagat daw ako nito at pakiramdam ko ay tunay kong naramdaman ang sakit.
Napahawak ako sa leeg ko. "Yun parin bang panaginip nq yun?" Napatango ako. Natatakot ako. Pakiramdam ko kasi ay totoo iyon at hindi basta panaginip ngunit sabi naman ni Marga normql lang naman daw ako. Pero alam kong hindi.
"Pasado alas tres palang, matulog ka muna. Tatabihan na kita para naman makatulog ka na nga maayos."
"Wag na, panaginip lang yun. Kaya ko na ang sarili ko Marga."
Napabuntomg hininga ito. "Hays, okay fine pero just tell me if someone or something is bothering you ha. Take care naman kasi my dear Tans."
Ngumiti ako. "Oo na, hala na at para makapag beauty rest ka na."
"Oo nga eh, you always gulo my beautiful rest. Bye na nga cousin." Ngumiti nalang ako at inihatid ko sya sa pinto at sinara ito.
Sa pagkakasara ko ng pinto, napansin ko ang bintana ko na bukas. Lumapit agad ako dito at isinara ito. Ang alam ko isinara ko ito ah. Ipiniling ko ang ulo ko, baka naman naguguluhan lang ako.
Humiga ulit ako at tumitig sa kisame. Alam ko at alam ng bawat sulok ng kwartong ito ag kababalaghan na nangyayari saakin. Aalamin ko yun.
Bago ko tuluyang ipinikit ang mata ko ay may narinig akong tinig.
"Saakin ka lang..."
At saka ko naramdaman na hinila na ako ng antok ko.
---
Sa madilim na parte ng kwarto ni Tanya ay may pares ng matang nakatitig sakanya. Ngumiti ito habang pinagmamasdan nya ang mukha ng dalaga.
"Malapit na, ganap ka ng magiging akin, dahil... Saakin ka lang."
Lumapit pa ito sa dalaga atsaka hinalikan ang noo nito bago ito nawala na parang bula.
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
مصاص دماءSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...