DM: Sixteen

217 12 0
                                    

TANYA

"ALESANDRO?"

"Tanya..."

Nagulat ako ng biglang pumalakpak si Luistro, "Mukhang magkakilala kayo ng isa sa mga council binibini, oh siya magpakilala na kayo sa kanila."

Kahit na medyo alangan ako ay humarap ako kay Alesandro, ang huli naman ay sumeryoso ang tingin saakin. "Kinagagalak ko kayong makilala, ako si Alesandro, pangatlo sa hukom." Yumukod ito saamin. Tumango nalang ako at si Dark.

Unti unting lumapit saamin ang babae. "Ako naman si Maya, kinakagagalak ko kayong makilala." Yumukod ang babae at ngumiti saamin.

Hindi ko maintindihan, bakit nandito si Alesandro? At isa pa asawa? May asawa na sya?

"I'm starting to get jealous darling..."

Napatingin ako may Darkus na halatang naiinis na dahil sa tingin siguro na ipinupukol ko kay Alesandro.

"Magsimula na tayo?" Napatingin ako kay Dark, magsisimula na kami.

Nagsipag-upuan na ang lahat, habang kami, nasa gitna nakatayo at magkahawak kamay.

"Ngayon..." Ani ni Luistro. "Masasaksihan natin ang paghuhukom sa magkasintahan na si Senior Darkus Weinton at kay binibining Tanya Irah Acosta."

"Ngayong araw ay huhukumin natin sila dahil sa isang pagpatay sa isang mortal, na ayon sa report na ito ay kapatid pa mismo ng bininini. Naulat dito na matinding selos ang dahilan sa pagpaslang." Sabi ni Luistro na naging sanhi ng bulong bulungan sa buong korte.

"Ngayon aking mga kamamamayan, dapat lamang na maparusahan and Senior Darkus hindi ba? Hindi dahil siya ay may puwesto sa mataas na konseho ay matatakot tayo sakanya."

"Teka lang..." Iimik na sana ako ng pigilan ako ni Darkus. "I can handle this." Sabi nya.

"Ano ang gusto mong sabihin binibini?" Napatingin ako kay Luistro na may ngiti sa kanyang labi.

"I object!" Sabi ni Darkus.

"I killed that man because he knows me, he knows our race and according to him, they are on plans to get rid of us, vampires, it is not because I'm jealous, and just according to what you say, it is her brother, so how could I be jealous to him right?"

Tama, dapat hayaan ko na si Darkus magpaliwanag, I know may plano na sya, sila, kaya kailangan ko lang na suportahan sya.

Napataas ang kilay ni Luistro. "Paano ko naman masisigurado ang sinabi mo? Ayon sa isang batang saksi, muntik ng gahasain ang kasintahan mo, kung kaya't nagtungo ka roon sa kanyang silid at pinaslang ang mortal na biktima."

Si Gabby!

"Sandali! Paano nyo nakapanayam ang kapatid ko? Si Gabby?!" Tanong ko.

"Hindi kayo pinapahintulutang malaman iyon, ngunit iyon ang katotohanan hindi ba? Nagselos and Senior kung kaya't napatay nya ang biktima---"

"At anong operasyon? Anong nalaman na ng normal na tao ang ating lahi, natatandaan mo bang nagkaroon na tayo ng peace talks sa pagitan natin, ng mga lobo at ng tao?"

Diyos ko, nadedehado na kami. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nya ngunit panalangin ko'y sana ay totoo ito, sana naman may tumulong saamin.

"Gobernador ang ama ng binibini mataas na hukom." Nagukat ako ng biglang magsalita si Alesandro. "May mga ulat narin ukol sa mga pagpatay sa lahi natin sa San Vicente, kung saan nandoon ang pamilya ng binibini." Dugtong pa nya.

"Ako ang nakatanggap ng ulat mataas na hukom." Nagulat pa ako ng nagsalita ang asawa ni Alesandro. "Ayon sa mga ulat, may grupo ng mga hunters ang naghahanap ng mga bampira, kahit inosenteng bampira ito o rouge vampire."

"Silencio!" Tumayo si Luistro at lumagabog ang podium na nasa harapan nito. Sigurado na naiinis na ito.

Nagkaroon na rin kasi ng bulung bulungan. At isa pa ay isa sa mga konseho ang nagpatotoo ng sinabi ni Darkus, kung kaya't nakakuha ng simpatya ito.

Biglang may tumaas ang kamay. "Ano ang iyong suhestion Ginoong Alberto?" Tanong ni Luistro pagkaraan na kumalma ito.

"Sa aking palagay, ang senior ay prinotektahan lamang ang kanyang itentidad at ang ating lahi, kaya marapat lamang na hindi na natin ipagpatuloy pa ang nagaganap ngayon." Turan ng Alberto na yuon.

Ang naaalala ko, matataas na miyembro ng pamilya na nakatira dito sa islang to ang isa sa mga nasa mababang hukom.

Tumango tango nalang si Luistro.

"Ngunit hindi natin maikakaila na ginawa nya ito dahil sa labis na selos hindi ba? Kung kaya't hindi natin masasabi kung tunay ang dahilan nito ng pagpatay." Napairap ako ng umimik si Ana.

"Mali." Natapat ang atensyon namin kay Kyle na biglang tumayo.

"Katotohanan ang sinasabi ng senior mga kapatid. Sadyang may mga taong tumutugis na sa ating lahi, kung kaya't inaabyad na namin ang panibagong peace talks sa kaharian."

"Nagpanggap na isang pulis ang senior upang matukoy ang problema sa bayan ng San Vicente at ang pagtugis at paghahanap sa mga bampira."

Nagkaroon muli ng bulung bulungan. "Ibig bang sabihin ay pababayaan na natin ang senior at ang kasintahan nito mga kapanalig?" Sabi ni Luistro, halata sa mukha nito ang pagkainis ngunit propesyunal parin ito.

Tumango ang mga nasa mababang hukom. Napatingin si Luistro kay Ana. "Ang kaso pagpatay ay kailangan ng hatulan. Inosente ang senior at ang binibini."

Nasa mukha ang reaksyon ni Luistro, malungkot ito at halata ang pagkatalo.

"Hinahatulan ko, inosente ang Senior Darkus Weinton at ang kasintahan nito na si Binibining Tanya Irah Acosta, so ordered."

Narinig ko na ang hudyat, natapos na kami sa kaso!

Umalis na ang mga nasa mababang hukom, habang sila Alesandro at Maya ay umalis na rin. Nauna ng lumabas ang lima at ngayon nga ay pasunod na kami doon ngunit nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan.

"Pupunta muna ako sa toilet, saan ba Darkus?" Tanong ko kay Darkus.

Nagulat ako ng biglang umimik si Ana. "Papunta rin ako sa banyo, sumabay ka na saakin." Sabi nito.

Napatingin ako kay Darkus. Tumango lang ito. Tiwala naman ako na hindi ako sasaktan ngayon ng Ana na ito.

Dumiretso kami sa banyo. Pagkaraan na matapos ako ay naabutan ko pa na naghuhugas ng kamay si Ana. "Hindi na mauulit na malagyan kita ng sumpa binibini." Sabi nito ng nakatingin saakin sa may salamin.

"Mabuti naman." Sagot ko rito.

"May isang paalala lang ako." Sabi nito. Napakunot ang noo ko. "Ano nanaman ba?" Tinapos ko na ang paghuhugas ng kamay at hinarap ito.

"Hindi mo alam ang lahat, may mga sikretong mabubunyag, maghanda ka, tibayan ang loob, paalam." Bigla nalang itong umalis.

Naiwan ako sa banyong nag-iisip. Ano ang ibig nyang sabihin?

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon