TANYA
"TANYA WAIT! LET ME EXPLAIN!"
Bingi na ata ako, wala na akong naririnig sa paligid ko.
"TANYA!"
Hindi ko alam ang iisipin, kung sya ang ama ng bata, at si Queency, sya ang ina?
I wipe my tears as I walk going to our room, aalis na ako, hindi ko alam kung paano, pero ang alam ko, unti unti ko ng isinasarado ang isip ko.
Masakit. Kabit naman pala ako. Kahit hindi sila kasal, may anak sila, kahit ang bait ng batang yun, hindi nya parin ako ina.
Pagkarating sa kwarto ay agad akong kumuha ng bag, mag eempake na ako, aalis na ako dito sa hotel, pupunta sa mansyon at uuwi sa syudad. Gusto ko na lamang kalimutan ang lahat.
"Tanya..."
Nariyan na sya. Lumuluha lamang ako ng lumuluha, paano nya akong nagawang lokohin?
"Tanya please, let me explain."
Lumapit na ito saakin, hinawakan nito ang braso ko at pilit pinapaharap sa kanya. "Gusto ko na lang umalis, pakiusap." I didn't dare to raise my voice, mahinahon lang akong umiimik.
"Please... sabi mo diba, you will stay."
Yes sinabi ko yun pero iba na ngayon. I look at his eyes. "Iba na ngayon, alam ko na, may anak na kayo, ano bang balak mo saakin? Gawing kabit?"
Umiling iling ito, he started to cry. "No love, no hindi ganoon yun, diba sabi mo sa city ako magpaliwanag? I can't tell you kasi ang daming risk, hindi pa dapat ito ang panahon."
"PANAHON? HANGGANG KELAN MO PA AKO LOLOKOHIN HA?"
"Darling..."
"TIGILAN MO NA AKO! TAMA NA MUNA! Siguro, siguro kailangan muna nating magpahinga... we need space."
Tumalikod na ulit ako dito at pinagpatuloy and pag eempake ko. "We don't need space, mag-uusap tayo."
Hindi ko na ito pinakinggan pa at nagpatuloy parin. Nang makatapos na ako sa pag eempake ay agad ko ng isinukbit ang bag ko sa balikat ko.
"Tanya, please please." Pagkaharap ko dito ay nakaluhod na ito. "Please, take me with you in the city, doon I promise to tell you everything, simula sa simula, noong dose ka palang pero please, take me with you, I-I can't live without you..."
He is crying and it breaks my heart so much. Mahal ko sya yun ang totoo, pero may mga bagay na hindi ko pa kayang idigest, hindi ko pa kayang tanggapin.
Tumayo si Darkus and wipe his tears, hinawakan nya muli ang braso ko. "Hindi si Queency and ina ni Lesly, hindi sya, kung ang iniisip mo na si Queency ang ina nagkakamali ka."
Hilam ang mukha nito, pero kahit nakakaawa ito, napakunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
Hindi si Queency ang ina? Sino?
"Look." He look into my eyes. "Pag-uwi natin sa syudad, I will tell you the whole story, but for now, umuwi na tayo sa syudad, hindi ko pababayaang iwanan mo ako."
Hindi naman dapat akong umuo, pero dahil nga sa ang anxious na ni Darkus, binabantayan nya ako everytime kaya pinabayaan ko na.
Ngayon nga ay nasa paliparan na kami. Dumaan lang kami sa mansyon at daglian ng umalis. Napahanda na nya ang mga gamit namin bago pa kami makaalis ng hotel.
At kaya pala ako curious sa kung sinong bisita namin sa mansyon nung nakaraan ay dahil yun ay ang bata, kaya naman pala kung pigilan ako ng mayordoma. At isa pa, hindi talaga sya nagmula sa meeting kung hindi sa kwarto ng bata, iyak kasi ito ng iyak, ayaw kumain at hindi mapatahan, kaya naman humahangos na pumunta sya sa kwarto noon.
"Let's go."
Hahawakan sana nito ang kamay ko ngunit iniiwas ko ito. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam.
Pagkasakay namin sa private plane ay hinanap ko si Queency at ang bata pero wala sila doon. "Umuna na silang pumunta sa syudad."
Tss, bukas nanaman siguro ang isip ko. Umupo muna ako sa isang upuan sa loob ng eroplano, balak pa sanang tumabi ni Dark pero inilagay ko agad sa katabi kong upuan ang bag ko.
Napabuntong hininga na lang sya.
Ako naman ay sumandal at sinubukang isarado ang isipan ko. Alas onse ng ng gabi pero hindi ako makatulog. Minsan lang mangyari ang mga ganitong araw, na kaya kong mapigilan ang antok ko dahil ang totoo sobrang hirap na pigilan ito pero dahil nga sa mga problema ngayon, nagawa ko.
Matagal na nakatayo si Dark sa tagiliran ko bago siguro sya magdesisyon na umupo balang sa ibang upuan.
I need space.
---
"Wake up now darling, nandito na tayo."
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko bago ko nasilayan si Darkus, kita ko sa maliliit na bintana ng eroplano na madilim parin.
"Anong oras na?" Tanong ko sakanya.
"1:15 am, nagugutom ka na ba?"
Umiling ako, wala akong ganang kumain sa sitwasyon ngayon. Mahaba pa ang byahe namin papunta sa palasyo ng hari at reyna pero kung dito lang ako sa San Vicente ay minuto lang ang kailangan para makauwi.
Pero sasama ako kay Dark, dahil kailangan kong malaman ang totoo, ayoko na magsisi lang ako sa huli dahil hindi ko sya pinakinggan.
"Tara na?"
Tumango ako at tumayo. Pinagmasdan ko sya, halata ang pagod sa kanyang mga mata, syempre nag-alala sya sa bata, saakin din kaya?
Umiling iling ako, hindi, hindi ko dapat pag-iisipin ang mga ganoong paksa, may mas malaki kaming problema.
Naglalakad na kami sa van ng may mapansin akong itim na kotse sa di kalayuan, hindi ko alam kung napansin din iyon ni Dark pero parang may camera doon at pinipicturan kami.
Kumunot ang noo ko, wala ding plate number...
Ng mapansin siguro na napansin ko sila ay agad na umalis ang kotse. Biglang tinambol ang puso ko sa di malamang dahilan.
"Pasok ka na." Napatingin ako kay Dark na pinapauna na akong sumakay sa van. Tumingin pa ulit ako saglit sa paligid bago sumakay.
Hindi ko parin mapigilang hindi isipin ang napansin ko kanina. Bakit may kumukuha ng letrato namin? Pinapasundan ba ako? O si Darkus? At sino naman ang magpapautos nito?
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampiroSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...