TANYA
"HOY! Bakit kaba nakatulala ha! Yung niluluto mo!"
Napakurap kurap ako at dali daling pinatay ang apoy. Muntik na ngang masunog ang porkchop!
"Ano bang problema mo ha insan? I mean ang weird mo na ha. Napapatulala ka then ano pa, bigla ka nalang ngingiti! Anyare?"
"Marga, ikaw din naman weird, akala ko conyo girl ka, then what now? Tss, look mana lang ako sayo!"
"Tch! Oo na. Eh ba't ba kasi ganyan ka? Sa totoo lang ha, you look blooming today, medyo weird ka nga lang. Teka! May secret ka bang di sinasabi sakin ha?"
"Wala wala! Magtrabaho ka na nga lang!"
"Sus, if I know! Osige na, pupunta na ako sa counter. Byeee na"
Pakaway kaway na umalis sa tabi ko si Marga. Tss, ano ba talagang itsura ko?
Pumunta ako sa may bag ko at kinuha ko ang salamin ko. Hmm, medyo nagbago nga ang itsura ko, nag glow ako at namula mula pa ang cheeks ko.
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa likod ko.
"Juice ko!"
"Darling, I miss you"
Kinilabutan ako sa narinig. Parang kahapon at kaninang umaga lang ay nagkita kami. Anong miss?
"Is there a baby?" bigla nyang hinimas ang tiyan ko. Napalo ko tuloy sya "Ano ka! Hilo? Baby eh one time palang natin nagawa yun."
Napatawa sya "Darling, I'm a sharp shooter, you know!" humarap ako sakanya at pinalo sya sa braso "Tumigil ka nga, magluluto pa ako."
Naglakad ako patungo sa may tadtaran ng mga meats "Do you need help?" tanong nya, umiling nalang ako. Keri ko na to!
Nagsimula na kong maghiwa ng mga karneng pang adobo, sya naman ay nakatunganga lang. Teka pano nga pala to nakapasok?
"Teka, pano ka nakapasok ha?" ngumiti sya "Basta, wag mo nang alamin, just focus baka masugatan ka pa."
Napatitig lang ako sakanya sandali at saka pinagpatuloy ang hihiwa ko. Ng matapos ay tsaka ko naman hiniwa ang mga recados and tada! Isasalang ko na.
Nagsisimula na kong magluto ng biglang pumasok si Delia.
"Tans, may huhugasan naba?" bigla akong kinabahan. Nandito kasi si Dark diba "Tanya, may huhugasan naba?"
"Huh? Ah eh ano, wala, wala pa, ako na pati, sige na labas na!" atsaka ko sya pinagtutulak patungo sa pinto. Pagkalabas nya, sinarado ko na agad ang pinto at tsaka ko ni lock.
"Darling, why you look so tense? I mean I am good in hiding, you don't have to be tense." napatingin ako sakanya, juice ko naman talaga! "Pano kung may makakita sayo ha?"
"Wala nga."
"Panong wala, tingnan mo nga, wala kang tataguan dito!"
"I can manage, you just have to be peaceful, act normal"
Napatitig ako sa mata nya. Dahan dahan nya akong hinawakan sa pisngi ko at tsaka ako hinalikan.
"Don't worry, hindi ko pababayaan na magalit ka sakin at mapahamak ka, you just have to trust me. Do you?"
"Oo, I trust you pero please --"
"Shhh, dont worry I can handle myself darling, relax..."
Nadadala ako sa ngiti nya. Feeling ko ang ganda ganda ko pag nakatingin sya sakin.
"You're the most beautiful woman that I ever know except from my mother, Irah." I blush, he smiles "Bakit ba Irah ang tawag mo sakin ha? Tanya kasi ang tawag ng lahat sakin eh, why dont you try to call me Tanya? Tans or Tany? Maganda naman ang Tanya diba?"
"Yeah, but I prefer the 'Irah part"
Natigil ang pag uusap namin ng biglang katokin ni Marga ang pinto na sinasandalan ko.
"Tanya! Lumabas ka nga diyan, ano bang problema mo? Pati si Delia na weweirduhan na sayo!"
Napakamot ako sa batok ko "You're cute darling, but open the door, cause I hate the voice of your cousin, it's irritating, like my friends voice, don't worry I'll hide"
Tumango tango ako. Tumalikod na ako sakanya at dahan dahan binuksan ang pinto.
"Hi Insan! Hehe."
"What the hell! Ano ba naman yan! Nangangamoy adobo na!" napamulagat ako atsaka tumakbo sa may kalan, pero pagdating ko patay na ito "Dark..."
"Ano yun insan? Dark? Oo dark na lalo ang adobo! Gosh my cousin, are you not feeling well ba? Say nalang saakin diba, we'll give you day off, ahm di pala week off, mukha kang stress! Do you want that? Week off?"
Week off? Kaya ko bang walang ginagawa? "Ah w---"
"Say yes, do it now!" napatingin ako sa likod ko. Rinig ko eh, alam kong bumulong si Dark pero nasan sya?
"Ano na? Tell me! Nandyan naman si Aling Tess, she can cook for a week, pero wala kang sweldong matatanggap for a month ah! Kasi di mo naman pinagtrabahuhan."
"Say yes, pumayag kana. I can give you a salary, just say yes." ramdam ko talaga ang bulong nya pero wala sya sa likuran ko, hibang na ba ako? "Ano! Aissh! Tans what happend na ba sayo? Feeling ko may kasama akong ewan, what now? Payag kana?"
"O-oo, kailangan ko na nga siguro ang matagal na pamamahinga, di na siguro sapat ang one day."
"Yeah, parang nga. But then if you need money, tell me ha. Lalo na pag uuwi ka sa dad mo."
Kay dad? Uhm I don't think so, "O-okay, okay deal."
"Sige na, umuwi kana. Nasasayang ang pagkain sayo. Hmm... Siguro naman kaya pa yang adobo. Go na! Magtanggal kana ng apron, I'll go ahead muna and talk to Mommy okay, uwi na at matulog."
Tumango nalang ako at tiningnan syang palabas ng kusina. Pagkalabas na pagkalabas nya ay agad kong hahanapin na sana si Dark ng sa pagtalikod ko ay nasa harapan ko na pala.
Matutumba na sana ako "Ahhh!" nang saluhin nya ko "Got you darling."
Got you got you! Gago!
"Pano mo nagagawa ang pagbulong sakin ng di ka nakikita ng mga tao? Wag mong sabihing mumu ka! Omygash!"
Tumawa sya bigla, may paghawak pa talaga sa tiyan, hmp. "Hahahaha, darling I'm not a ghost, let's say I'm scarier than that." ngumisi sya
"Scary pa? M-monster ba?"
"Na-uh! Hmm I'm not that scary, mild lang."
"Ahm tikbalang?"
"Monster nadin yun, something na pang susyal, I mean mataas na uri naman darling, nakakababa naman ng tiwala sa kagwapuhan ko nyan."
Yabang! "Ay alam ko na, tornado!"
"Pardon darling? What's the connect?"
"Ang hangin mo eh! Yabang!" napaismid ako at naglakad sa bag ko, inalis ko na ang apron ko, eto namang isa, umupo sa lamesang pinagpapatungan nung bag ko.
"But darling, seriously what do you think of me?"
"Seryoso?"
"Yeah."
Hmm, "Medyo classy na monster? Ay alam ko na!"
"Oh, what is it?"
"Ah eh, wolf?"
Napapikit sya at napaimik "Again? Wolf again? Hanggang ngayon ba wolf padin?" nagtatakang napatingin ako sakanya "Huh?"
"Wala, don't mind me, anyway any guess?" bigla na lang syang nagbago ng aura, medyo dumilim ang mukha nya. "Tanya!"
"Ahm, galit kaba?" kasi tinawag nya kong Tanya, hindi darling o kaya'y Irah. "No, I'm sorry darling. Don't mind anything that i've said. Lets go to your house."
"Mamaya, mayroon pa kong isang hula."
"Hmm?"
"Vampire? Parang mala Edward Cullen? Dracula? Damon? Bloodsucking creatures?"
Ngumiti sya "Binggo!"
What?
![](https://img.wattpad.com/cover/61799164-288-k331879.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampirgeschichtenSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...