DM: Thirty-Three

160 6 0
                                        

TANYA

"HANDA NA BA ANG LAHAT?!"

Tagaktak na ang pawis ko pero wala akong pakialam. Today is a very special day para sa aking unica ija, she's turning nine years old and very excited siya dahil first time niya akong makakasama sa birthday niya ng magkaisip siya.

Kaya naman todo ako paghahanda dito sa may garden part ng bahay namin. Maliit na party lamang naman. Invited ang mga kaibigan ni Darkus, asawa ng mga ito at mga anak.

"Masyado mo atang pinapagod ang sarili mo, come on, sila na ang bahala dito."

Nasa tabi ko si Darkus kanina pa, kung ako ay aligagang-aligaga, siya naman ay chill na chill lamang, nakasuporta sa mga ginagawa ko.

"Unang birthday ito ng anak natin na kasama niya ako, bukod sa nag-isang taon siya." Napapahid ako ng pawis sa aking noo gamit ang aking panyong dala.

"Alright, kung ayaw mo talagang magpapigil ay ayos lang, anyway, hinahanap ka na ni Lesly, I think dapat na mag-ayos ka na din." Ngumiti ito at pagkakuwan ay kinuha ang aking panyo at siya na ang nagpahid ng pawis ko.

"Paano dito? Hindi pa tapos ang lahat."

May mga tao naman dito, I mean bampira pala, sila ay mga tauhan na nagmula sa palasyo, hiniram muna sila ni Darkus para tulungan kami sa pag-aayos dahil kulang kami sa tauhan.

"Ako na ang bahala, I can handle this, ikaw na muna ang bahala kay Lesly, okay?"

Tumango ako, "sige, sige, iiwan muna kita dito ha, ikaw na ang bahala sabi mo."

He chuckled a bit, "oo na, oo na, go now."

Nginitian ko ito bago ako tumalikod at nagpunta sa kwarto ni Lesly sa itaas. Pagkarating ko doon ay sinalubong agad ako ni Queency na mungot na mungot ang mukha.

"Finally umakyat ka rin, hay nako! Kanina ko pa sinabi kay Darkus na paakyatin ka, bakit ngayon ka lang ha?" Nakapamay-awang ito at iritable akong tiningnan.

Ngumiti or ngiwi ba ang matatawag sa ginawa ko, ewan, basta nginiwian ko ito. "Hehe, nag-asikaso kasi ako sa baba, pasensya na Queency."

Padabog na kinuha nito ang handbag at nilapitan ako. "Aalis na ako, yung susuotin ni Lesly nandoon pa sa pinagpagawaan ko. Ikaw na bahala diyan, hmp!" At nilampasan nako nito.

Nakahinga ako ng maluwag. Medyo ilag parin ako kay Queency dahil alam kong may tampo parin ito saakin, at isa pa, nag-iisang kamag-anak na lamang ito ni Darkus, kaya naman iniiwasan kong magpang-abot kami ng init ng ulo.

"Mama?" Ngumiti ako sa anak kong nakaupo sa harap ng maliit nitong vanity table at lumapit dito.

Nakaayos na ang mukha nito, buhok nalang pala ang aayusin ko sakanya.

"Hi baby, ang ganda ganda mo ah." I touch her hair and look at her reflection sa mirror. Kamukha niyang tunay si Darkus, but her almond shape eyes, and her brown colored eyes, saakin nito nakuha.

"Thank you Mama, Mommy Queency make sure na beautiful daw po ako mamaya, lalo na po at parating si Vhone."

Napaharap ako dito. "Vhone?"

Humagikhik ito, "basta po Mama... Ay diba po aayusan niyo po ako ng buhok?"

Napailing na lamang ako. "Oo na, oo na..."

---

THE PARTY STARTED.

Nandito narin ang mga bisita, mga kaibigan ni Darkus at ang mga asawa't anak ng mga ito.

"Hi!!!" Napatingin ako kay Maria. Nandito din ito kasama si Dyo.

Yumakap ito saakin. "Ang ganda naman ng misis ni kuya Darkus." Yumakap ako dito pabalik. Dadalawa lang kaming tao sa kasiyahang ito.

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon