TANYA
UMAGA. Nandito ako ngayon sa terrace ng aming silid at tinitingnan ang napakagandang tanawin, napaka peaceful naman dito at sobrang nakakamangha ang mga tanawin.
Hindi ko sila nakita kagabi kaya pasalamat at may chance akong makita ito ngayong umaga. Nagulat ako ng may biglang yumakap saakin at isiniksig ang baba sa leeg ko. "Good morning Darkus."
"Good morning too my darling." Ipinaharap ako nito sakanya at saka ako hinalikan, saglit na halik lang naman iyon.
"You ready?" Tanong nito saakin.
Umiling ako. "Hindi pa nga ako naliligo man lang." Tumawa ito at umiling.
"What I mean is you know, are your ready for the council?" I frown.
Kanina ko pa inaalis sa isip ko ang mga posibilidad na mangyari ngayong araw, gusto ko ng peaceful na mind bago ako maloka today.
Ngumisi si Dark at hinalikan muli ako sa labi ng mabilis. "I'm sorry, hahaha but baby can you please close your mind? Tinuruan na kita kagabi diba?"
Ah! I remember, sobrang dali lang pala magsarado ng isipan, basta ang gagawin ko sasabihin ko sa sarili ko na isarado ang isipan ko, focus lang ang viola, it worked kagabi kaya I will try to do it ngayon.
I close my eyes and try to focus, later on...
"It's now close, I can't read your mind now." Nagmulat ako ng mata at tiningnan sya. Niyakap ako nito.
"To think na first time mo, ang dali mong matuto." Sabi nito.
"Talaga?"
"Yup!" Humiwalay ito sa yakap saakin. "Prepare yourself, kinakausap na ako ni Kyle sa isipan, pupunta na tayo doon after breakfast."
Tumango ako at nagsimula ng mag handa.
---
Pagkatapos namin mag handa ay bumaba na kami, parang katulad ito ng una kong pinagtuluyan pero mas simple at sa tingin ko ay mas maliit. Pero malaki parin ito kung tutuusin.
"Yo wasap!" Napatingin ako kay Lex na nakangiting sinalubong kami. "Breakfast is ready na tsong!" Sabi nito at ng makababa kami ay inakbayan nito si Dark.
"Stop it." Sinamaan ng tingin ito ni Darkus kaya dahan dahang inalis ni Lex ang pagkakaakbay nya.
"Ang taray mo talaga! Mag sama kayo ni Kyke hmp!"
Napatawa nalang ako, ang cute kasi nilang magkakaibigan, I wish I have friends like them.
Nagulat ako ng makarating kami sa dining area. Grabe!!! Ang daming pagkain.
"Let's eat?" Sabi ni Dyo kaya kumain na kami.
Habang kumakain, nag-uusap ang magkakaibigan at hindi ko malaman kung ano ano iyon, medyo hindi ko sila magets.
"Oh! Napansin ko hindi na nag crocross sa utak ko ang isip ni Tanya ah." Biglang sabi ni Craven. Tumango si Darkus. "I teach her how to do it, para hindi narin basta basta sya mapasok ng kung sino sino."
"Good, you will need it too later, kaya bilisan nyo na at paalis na tayo." Tumayo si Kyle atsaka umalis sa hapag kainan.
"Bilisan nyo na, dapat pagkatapos ni Kyle mag yosi, tapos na tayo, alam nyo naman yun." Sabi ni Craven kaya nagdumali na rin akong kumain.
Maya maya pa ay naglalakad na kami papasojmk ng van para umalis. Hinihiling ko nalang talaga na maging maayos ang lahat at walang mang yaring gulo, kung hindi...
---
Napatitig ako sa napakalaking establisyemento sa harapan ko, jusko!!!
Ang laki ng DOJ dito ha! Doble or triple pa sa Department of Justice ng bansa! "Welcome to Pilipentrus Supreme Court." Napatingin ako sa isang parang kawal ng yumukod pa ito sa amin.
Nandito kami ngayon sa lobby at ang lahat ng magawi ng tingin sa amin ay yumuyuko, siguro dahil sila ay head ng council at kasama nila ako?
Papunta daw kami sa main court kung saan ay pag-uusapan ang mga naganap. Pero bumulong saakin ni Bren kanina at ang sabi nya para kaming lilitisin, sila ay isa lang sa mga audience, pero if ever daw na may mangyari ay handa sila na tumulong saamin, alerto din naman daw ang palasyo ukol dito.
At eto na nga, lumapit na saamin si Kyle. "Tumungo na tayo doon, kanina pa sila naghihintay." Sabi nito.
Kaya heto kami at naglalakad na papunta sa sinasabi nya. Sumakay kami ng elevator at bumaba sa isang floor na diretso agad sa isang hall or court, lalong tumindi ang kaba ko.
Nandito kami sa isang court na ang itsura ay kaparehas ng sa harry potter, kung napanood nyo doon yung mga panahon na si professor umbridge pa ang namamahala ng Hogwarts.
Anyway, mabuti nalang at hawak ni Darkus ang kamay ko, kahit papaano alam kong may kaagapay ako kahit anong mangyari.
"It will be alright okay?" Napatingin ako dito ng bigla itong parang nagsalita sa isipan ko.
"Napasok mo na ba ang isipan ko? Bukas ba sya?" Tanong ko pa.
"No darling, it's a mate thing, it's a partners thing kaya I can talked to you whenever I want."
Tumango nalang ako at ng nandoon na kami ay napatitig ako sa kinakausap ni Kyle, si Kyle kasi ang sinasabing kanang kamay ng hari kaya sya ang isa sa mga ipinadala dito. Tumingin sila saamin at pinalapit kami.
Pagkalapit namin doon. "Sila si Darkus at Tanya, sila ang isasalang ngayong araw, nawa ko ay naiintindihan mo na hindi ba?" Sabi ni Kyle. Yumukod ang matandang lalaki.
"Ako si Luistro, ako ang head judge ng korteng ito, kinagagalak ko kayong makilala." Ngumisi ito saamin. Maya maya pa ay may bumabang babae.
"At ito naman si Ana, ana magpakilala ka."
Napatingin ako doon sa Ana, maganda ito, pale skin at mapula ang mga mata pero sobrang bata nitong tingnan. "Ako si Ana, kinagagalak kong makilala ang mga head councils." Yumukod din ito saamin.
"Maghintay na lamang tayo ng iba pang bahagi ng council Senior Kyle, wala pa ang mag-asawa kaya naman pagbigyan mo na kami, paumanhin din." Sabi ni Luistro, tumango lang si Kyle at inaya nalang kami na umupo muna ni Dark sa tabi.
Maya maya pa ay may humahangos na lalaki na tumatakbo, nagsusuot ito ng kanyang uniporme at kasunod noon ay isang babae. "Pasensya na at nahuli kami mahal na hukom."
Namamalikmata ba ako?
"Alesandro?"
Nagulat na tumingin ito saakin.
"Tanya..."
![](https://img.wattpad.com/cover/61799164-288-k331879.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampirSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...