TANYA
(Continuation...)
"AGUSTIN!" Dali dali akong tumakbo sakanila, nahawi naman ang mga lobo at pati narin ang kasamang bampira ni Darkus.
"Tama na!" Hinihingal kong sabi, "tama na!"
Napatingin saakin si Darkus. "Tanya..."
"Tama na sabi! Bitawan mo sya Darkus!" Nawala ang pagkapula ng mata ni Darkus, dagling nabitawan nito si Agustin, pagkalagpak nito sa lupa ay nag-anyong tao agad ang kaawa-awang lobo.
"Umalis na tayo dito." Lalapit na sana ito saakin ng biglang umiling ako.
"Hindi ako aalis dito Darkus, d-dito lang a-ako." Naguguluhang tumingin saakin ito. "Kung inaakala mo na kinidnap ako ni Agustin n-nagkakamali k-ka..."
"A-anong ibig mong sabihin?"
Tumingin ako sa mata nito. "Si Agustin, s-sya ang mate ko diba? Sya ang tunay kong m-mate?"
"T-tanya..."
"Bakit mo yun ginawa Darkus? Bakit mo ako inagaw sakanya? B-bakit pilit mong kinakalaban ang t-tadhana?" Napaiyak ako bigla, sa di mawaring dahilan nasasaktan ako, nasasaktan akong nasasaktan ko sya.
"Bakit Darkus? B-bakit?"
"Dahil mahal kita Tanya, dahil simula palang noon, ikaw lang ang minahal ko ng ganito, ikaw lang ang inasam ko sa buong buhay ko, kaya nga ang saya ko kasi sa wakas, sa tagal naghintay sayo, sa tagal kong naghintay na mahalin mo ako, nagwagi din ako sa wakas, may lesley pa na kasama..."
"Kaya umuwi na tayo Tanya... Umuwi ka na saamin ng anak mo..."
Napahagulgol na ako, nakikita ko sa mga mata ni Darkus ang pighati at lungkot, pero buo na ang desisyon ko, kahit masakit, gagawin ko kung ano ang tama.
"Dito lang ako." Pinatibay ko ang aking tinig.
"A-ano?"
"Dito lang ako Darkus, dito lang ako kay Agustin, dahil yun ang nararapat."
Nagpunas ako ng luha at tumingin sa mga mata nya. "S-salamat sa panahon na napasaya mo ako Darkus, salamat sa panahon na kasama kita at pati narin si Lesley, a-alagaan mo sya, mahalin dahil hanggang doon na lang tayo Darkus, hanggang dito nalang."
Bagsak ang balikat na lumapit ito saakin, hahawakan na sana ako nito sa aking mga braso ngunit iniiwas ko ang katawan, umatras ako. "Anong dahilan?"
Malungkot si Darkus, kita ko yon sa mga mata nya. "Dahil si Agustin ang mahal ko Darkus at hindi ikaw..."
Pagkabitaw ko ng mga salitang yan ay kusa ng umatras si Darkus. "Nagwagi ka nanaman Agustin, b-bakit ba hindi mo nalang ibigay saamin si Irah? Bakit?"
Nakita ko ang pagpatak ng luha nito. Yumuko ito at pinunasan ang luha. Pagkatapos ay tumingin ito saaking mga mata. "Maging masaya ka sana mahal ko, maging masaya ka Tanya, wag ka ng mag-alala kay Lesley, aalagaan ko sya."
Ngumiti ito saakin at pagkatapos ay tumalikod, bigla nalang akong napasalampak sa lupa at napahagulgol, ang mga ngiting yon... Hinding hindi ko iyon malilimutan pero,
Nagdesisyon na ako, si Agustin ang pinili ko.
Nakita ko pa ang pag-iling ng mga kaibigan ni Darkus bago sila mabilis na naglaho na sa tingin ko ay sumunod sa nauunang kasamahan.
Pagkaalis nila ay may lumapit na saaking mga kababaihang lobong tagapagsilbi at binalutan ako ng makapal na roba. Iyak parin ako ng iyak habang si Agustin ay dinala sa isang manggagamot.
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...