DM: Eighteen

212 6 0
                                    

TANYA

TODAY IS THE DAY!

We are going to tour the island!!! Sabi saakin ni Darkus may sikat na beach kaming pupuntahan, very near at our place, doon we are going to stay muna sa isa sa mga hotel, para di na rin hassle to drive from there to this mansion.

Anyway, nakagayak na ako, earlier in the morning I called Alesandro kasi  magpapasama sana ako kay Maya to buy swimwear. Good thing free si Maya from the office while si Ales ay may work load pa so hindi na sya sumama.

Bumili lang ako ng dalawang one piece at isang two piece, as per advice na din ni Maya, baka kasi magalit daw sakanya si Darkus if ever na puro two piece ang binili ko.

Para saakin naman it's fine na mas marami akong one piece, mas confortable isuot ng konti.

Yung isa kong one piece kulay black sya, very simple lang sya, tube type at diretso na, while the other one is color mustard yellow, with strap ito and revealing sa likod dahil backless and also medyo mababa ang neckline but it is fine naman for me.

While my two piece is color dark blue, tube type pero feeling ko keri lang naman ng dibdib kong dalhin. Also bumili ako ng hats and sunglasses. Si Dark? Ewan doon, nagpaalam naman ako sakanya tapos tumango tango nalang sya, ang weird nga eh.

Another weird one is this, yung mga helper early in the morning, nag-uusap usap sa baba, I heard na nahihirapan silang patigilin sa pag iyak ang isang bagay which I don't know if hayop ba or kid.

It's very suspicious, yung mga tingin ng mga helper sakin di ko maiwasang mag-isip, kasi naman parang kasalanan ko yung nangyayari sa paningin nila.

WHICH.IS.WEIRD.

Very weird actually pero hindi ko nalang pinansin. Sinundo nalang din ako ni Maya sa bahay and namili na kami.

Anyway, nag-eempake na ulit ako, yung mga pang beach lang, 2 or 3 days daw kami, depende sa mga pangyayari, baka kasi tawagan na si Darkus sa main na palasyo for work kaya hindi kami magtatagal.

Kakauwi ko lang and si Darkus is nowhere to be found. Papunta na kasi kami and tmyung susuotin nya naman pagdating ko okay na. Kaya bumaba ako sa baba.

May nakasalubong ulit ako na helper, patungo sya sa taas at may dalang food. "Excuse me."

Napatingin ito saakin, hindi ito mapakali. "Ano po yun madame?" Sagot nito.

"Ah eh nakita mo ba si Senior Darkus nyo? Paalis na kasi kami eh." Tanong ko. Umiling ito at halata ang pamamawis ng mukha, kinakabahan ba syang kausapin ako? Or naamoy nya ako?

Tiningnan ko ang kwintas sa leeg ko pero suot ko naman, weird. "Umakyat ka na Aida, kailangan na yan." Napalingon kami sa nagsalita, yung mayordoma dito sa palasyo.

Lumapit ito saakin at ngumiti or ngiwi? "Ipagpaumanhin nyo po si Aida, sadyang nerbyosa at tahimik ang isang yon, ang Senior Darkus ay nagpapasabi na ihahatid nalang po kayo ng driver papunta sa resort at sya'y susunod na lamang, nasa korte po kasi ito at may kausap na mahalagang personalidad, tutal naman po ay sya ay isa sa mga mataas na konseho, kaya sya nalang po ang ipinadala ng reyna, ipagpaumanhin nyo po."

Yumukod ito. Dahan dahan nalang akong tumango, hindi manlang nag text and isang yun tss. "Salamat po."

Yumukod ulit ito at umalis sa harapan ko. Nagtungo nalang ulit ako sa kwarto at kinuha ang bag na inihanda ko. Siguro ay biglaan din ang meeting na sinasabi ng mayordoma.

Bago ako makapunta sa kwarto ay nakasalubong ko ulit si Aida. "Hi ulit." Bati ko dito. Wala na ang tray ng pagkaing dala nya.

"A-ano po yun ma-madame?"

"May iba pa bang bisita pwera saamin ni Darkus? May dala ka kasi kanina."

Tumango tango ito. "Ay sino?" Tanong ko ulit.

"Madame, hindi nyo po pwedeng malaman, hindi na po dapat kayo manghimasok pa." Nagitla ako ng marinig nanaman ang mayordoma. Nako naman, usisera kasi tanya naman!

Humarap ako dito. "Pasensya na po, hindi na po mauulit." Sabi ko.

Tumango ito at sinabihan si Aida na umalis na. "May mga bagay na hindi mo dapat malaman madame, hindi lingid sa kaalaman ko na isa kang mortal, sana ay respetuhin mo ang mga namamalaging bampira dito sa mansyon."

Tumango nalang ako, nagkamali ako pero sobrang secretive naman nila, but whatever it is, siguro isang mahalagang tao yuon. "Sige po pasensya na po ulit, pupunta na po ako sa kwarto." Sabi ko dito at tumango naman ito.

Hanggang kwarto hindi mapigilan ng aking isip na isipin ang bisita na yuon, pero hindi dapat, curiosity kills the cat ika nga nila, kung walang koneksyon saakin, why bother to know it right?

Because you feel like it is connected to you...

Right, the instinct which is weird, erase, erase, erase!!!

Papunta pa ako sa resort para mag relax, Kailangan kong iclear ang mind ko. I shake my head off at kinuha na ang bag ng may biglang pumasok. "Darkus."

Yes si Dark po, nakaabot ang kolokoy. "Hey!"

He looked tensed and somewhat tired, anong problema kaya? Sa meeting? "Buti nakaabot ka." I said. Ngumiti ito at lumapit sa bag at sya na mismo ang kumuha.

"Yeah, medyo madami lang kaming pinag-usapan but we are fine na, it's settled, anyway excited ka na ba?"

Tumango ako, papunta na kami sa sasakyan na gagamitin namin. Pagkaounta namin doon ay paspas na nagpunta na kami sa nasabing resort. Pasado alas tres na ng hapon. Ano ba yan...

I just want to share with you my new body clock, matagal na talaga ang body clock kong ito pero ngayon ay nagsimula nanaman.

Pagpatak ng alas diyes ng gabi, natutulog na ako, I don't know, kahit pilitin ko hindi talaga ako magising gising, inaantok na ako bago pa sumapit ang alas diyes ng gabi.

Nagsimula sya at the aged of 19 or 20? Basta college ako noon, then it stop nung nasa Barrio Maligaya na ako, mga 24 ako noon, and now 26 bumalik nanaman sya.

"Problem?" Napatingin ako sa nagdridrive na Darkus. Umiling ako. "Nanghihinayang lang, gusto ko sana pumarty mamaya pero sure na by ten eh tulog na ako."

Tumingin sya saakin ng madali. "It's okay for the body to sleep, lalo na sayo kasi mortal ka, kaming mga bampira naman we are okay if we sleep or not, not a problem."

Tumango ako. Sana ol nalang talaga. Maya maya pa nakarating na kami sa destinasyon.

"Welcome Darling, Isla Puerto Ica."

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon