DM: Twelve

573 22 4
                                    

TANYA

HINDI parin ako makagalaw, ngunit rinig at nararamdaman ko ang mga kumikilos sa paligid ko. Ramdam na ramdam ko din na tila hindi na tumitibok ang aking puso. Hindi ko mawari ang nangyayari. Masakit din ang aking katawan, gusto kong gumalaw ngunit hindi ko magawa.

Para akong naparalisa.

"Ilang buwan na din syang hindi nagigising pare, pero alam kong babalik sya, para sayo." Ani ng isang boses, nakikisimpatya ang tono nito.

"Alam ko, babalik sya."

Darkus

Si Dark! Kailangan kong gumising!

Unti unti kong iginagalaw ang aking kamay, nahihirapan ako ngunit ginagawa ko parin. Umuusal na din ako ng isang pangalan, ang pangalan nya.

Darkus

Darkus

Darkus

"D-dar-d-darkus." unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Madilim, at tanging mga kandila lang ang nagsisilbing nagbibigay liwanag sa silid na aking kinalalagyan.

"TANYA! Shan madali ka at tawagin mo sila Yesha!"

"Sige sige pare."

May lumalapit saaking bulto, naaamoy ko sya, napakapamilyar. Bakit tila biglang naging sensitibo ang aking pang-amoy?

Darkus. Lumapit ito saakin at hinawakan ang aking kamay, malamig, parehas kaming malamig.

"T-tanya?"

"A-ano an-g nangyari? Ba-bakit ganito? Iba ang pakiramdam ko?" Naguguluhan akong napatinginsakanya.

"Tanya may gusto akong ipagtapat sayo."
Napakunot ang aking noo, "Ano ba yon?"

Medyo umaayos na ang pamamalat sa parteng lalamunan ko. Himala dahil dati naman ay hindi ganoon.

Biglang nagbukas at may pumasok na babae. Napakaganda nya, yun lamang ay sobrang maputi sya, ngunit kahit ganon ay mamula mula naman ang labi at pisngi nya.

"Yesha..."

Yesha, tama! Narinig ko na ang pangalan na iyon. Naalala ko na narinig ko na ang boses nya somewhere. "Kamusta na sya?" Pag-imik nito.

Pati boses maganda. Pero kaano ano ba sya ni Darkus? Napatingin ako sa babae na nagngangalang Yesha. Nagtaka ako kung bakit ngumiti ito saakin. "Open ang isip nya Dark haha, kung maaari tulungan mo syang mapag-aralan ang pagsasara ng isipan nya, para sakanya din naman yon."

Tumango si Dark at yumuko. "Masusunod mahal na reyna."

Reyna???

"Ako nga pala ang Reyna ng kahariang pinagtutuluyan mo ngayon, kinagagalak kitang makilala Tanya."

"At ako ang hari, I am Xenon." Nagulat nanaman ako ng biglang may lumitaw na lalaki.

Makisig ito at halata ang pagka-possessive dahil agaran nyang hinapit ang reyna. Uupo sana ako ng biglang sumakit ang parteng leeg ko.

"A-aray."

"I suggest na magpahinga sya, naninibago pa sya lalo na at may mate's mark na sya, masasaktan sya palagian kaya gabayan mo sya Dark, mauuna na kami sainyo."

Ngumiti ako dito at biglang naglaho nalang silang parang bula. "Ano bang nangyayari Darkus? Bakit tayo nandito?"

Ngumiti ito sakin at yumukod saakin at hinalikan ang aking noo. "Masaya ako at gumising ka na, hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo darling, I'm so worried, akala ko mawawala ka na saakin."

Hindi ko alam, wala akong matandaan, basta ang alam ko may pinagtataguaan kami, at tumatakbo kami para sa kaligtasan ko.

"Ano bang nangyari? Hindi mo ba ikwekwento sakin?" Malumanay kong saad.

Ang alam ko lang may council, nasa kusina ako ng araw na yon.

"No one can see me but they can feel me, pain, the pain will punish you until your body feels so week and you can get up, die bitch die!"

Tama! May ginawa sakin ang isa sa mga council! Sigurado ako don.

"May naalala ako."

Napaayos ng upo si Dark sa may tabi ng kama. "Ano yon?Ano ba ang tunay na nagyari ng araw na yon ha?"

"Gusto ko muna humiga pwede ba?" Sabi ko. Inalalayan naman nya ako bago.Medyo masakit ang katawan ko, at napapansin ko ang aking pamumutla.

"Ano ang nangyari?" Napatigil ako sa pagcheck sa sarili ko.

"Naalala ko, nasa kusina ako." Pagsisumula ko. Tutok na tutok naman sakin si darkus na animo'y hindk nya pwedeng makaligtaan ang bawat salitang bibigkasin ko.

Lumunok ako. "Nasa kusina ako non, basta nasa kusina ako tapos bigla nalang na nagdilim yung paningin ko, hindi ako makahinga at nahihilo. Hindi ko na alam ang gagawin kasi biglaan tapos biglang parang may bumulong sa isip ko."

"Anong sinabi nya?"

"Hindi ko daw sya makikita, pero alam mo yung bawat bigkas nya ng salita katulad ng sinabi nya na makakaramdam ako ng sakit, bigla talagang sumakit ang katawan ko, parusa ko daw iyon." Bigla ay tumulo ang aking luha.

Bakit nga ba narito kami in the first place? Hindi ba't dahil sa namatay ang aking kapatid?  Ngayon ko lang naisip na kamusta na kaya si daddy? si gabby?

Naging selfish ba ako? May mali ba akong nagawa para mangyari ang lahat ng ito?

"Wala kang ginawang mali, naiintindihan mo ba? Sila ang may kasalanan sayo." Napatingin ako kay Dark.

Dapat ba nyang maranasan ang lahat ng pagtakbo na ginawa namin? Worth it ba na pumatay sya para saakin?

Ngumiti ang huli. "Ikaw ang buhay ko Tanya, ibibigay ko ang lahat sayo, pangarap mo, kaligtasan mo, dahil hawak mo na ako, kahit saan sasama ako sayo, sana ganoon ka din, lalo na ngayong may ipagtatapat ako sayo."

Kinabahan akong bigla. Hindi ako ipokrita, alam ko na mayroong naganap, base pa lamang sa itsura ko ngayon.

Kinakabahan ma'y tinanong ko kung ano ba talaga yon. "Ano ba iyon? Sabihin mo na."

Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ko. "Darling, my tanya. In order for you to be alive I need to do this to you." Hinawakan nito ang parte ng leeg ko na sumakit kanina.

Wag mong sabihin na...

"Yes... You are now a vampire my love, and we will be...

Forever always."

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon