TANYA
"ANONG sabi mo?" Tanong ko kay Alesandro na tila tuod na nakikiramdam sa paligid.
"Nandito na sila." Usal pa nito.
"Ano ba ang nangyayari ha? Darkus!"
Tumingin lamang ito saakin. "No need to worry, ako na ang bahala." He touch my left cheeks and smiled. "Pupunta lamang ako sa gate, okay?"
Napahinga ako ng malalim bago tumango. Naramdaman ko naman na parang may yumakap sa bewang ko.
"Mama..."
I look at my daughter and smiled at her. "It's alright." Pang a-assure ko pa dito na everything is gonna be okay.
Pero hindi ko parin maiwasang mag-alala, bakit may mga tao dito? Wala namang invited na tao dito. Sino kayang mga tao ang nasa labas?
"Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa tumapik saaking balikat.
Tumango ako dito. "Ayos lang naman ako Shan, medyo kinakabahan lang ako, ano ba kasing meron?"
Nakatingin lang din ito sa may pinto namin na daan paloob sa bahay. "Sa totoo lang wala rin akong ideya, pero ramdam kong tao sila."
"Nandito na sila." Napalingon ako sa nasa kaliwa ko at nandoon si Kyle.
Binuhat ko naman ang anak ko na medyo natatakot na din base sa ekspresyon ng mukha nito.
"Sino ba ang naandito Kyle?"
Sasagot na sana ito ng biglang...
"HI EVERYONE!" Napatanga ako sa nasa may pintuan, si Ate Gabriella.
A-anong ginagawa nila rito?
"A-ate?"
Mas nagulat pa ako ng biglang sumunod na pumasok si Tita Fantine at panghuli si Dad at mga tauhan nito.
Pumasok na din si Darkus at dagliang lumapit saamin. "Anong ibig sabihin nito?" Bulong ko sakanya.
He just wrap his arms onto my waist. Hindi nakatakas saakin ang pagtingin ni Ate Gabriella dito. Bitch!
"Well, well, well, nabalitaan kasi naming birthday ng pamangkin ko, also, hindi ko alam na may pamangkin ako, miske si Dad hindi alam na may apo na siya."
What? Ano ba ang ibig sabihin nito? Bakit alam nilang may anak na ako? Kanino nila na pulot ang impormasyong ito?
"Hindi ba kami invited?" Mapanuyang sabi pa ni Tita Fantine.
Tila nanuyo ang lalamunan ko, ni hindi ako makatingin kay Dad. "Darling..." Humigpit ang pagkakayapos ni Darkus saakin. Ang anak ko naman ay lalo pang ibinaon ang mukha sa aking leeg.
"W-welcome p-po."
Kahit pa medyo kinakabahan ako ay tinapangan ko nalang ang loob. Wala naman akong ginagawang masama.
"Sayang, Kuya Gab really wants kids na sa bahay except of course si Gabby, kaya lang pinatay siya."
I rolled my eyes, hindi ko matiis ang pagiging sarcastic ng isang to, hindi naman maganda!
"Hahahaha."
Napatingin kami kay Lord Xenon ng bigla itong tumawa. "Wala, w-wala hehe."
"Ikaw talaga! Seryoso na nagagawa mo pang tumawa!" Kinurot na lamang ito sa tagiliran ni Queen Nickaella.
Medyo gumaan ang mabigat na paligid dahil na rin doon. Pero hindi parin ako kumportable sa presensya ng hilaw kong pamilya.
"Start na ulit natin ang party? There is nothing to worry about..."
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...