DM: Thirty

181 9 0
                                    

TANYA

HABOL-HININGA akong nagising, bigla akong  napabalikwas sa kinahihigaan ko ngayon.

"You alright?" Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko, nag-aalala ang mukha nito na nakatingin saakin, si Darkus...

Dali dali ko itong niyakap ng mahigpit. "S-sorry, I'm so s-sorry..."

Napahagulgol ako habang niyayakap ko ito ng mahigpit. Hindi ko alam kung si Tanya ako o si Irah, naguguluhan ako, pero alam ko sa sarili kong nagsisisi ako sa lahat ng pasakit saakin ni Darkus.

Niyakap din nito ako ng mahigpit. "I know, I know baby, it takes time, it takes time before we fully recovered from this heartache." Humiwalang ito saakin ng dahan dahan at tumingin sa mata ko.

"I don't know kung si Irah ka o si Tanya, but whoever who you are, I forgive you, that was all in the past baby, we can start a new right?"

Umiiyak na tumango ako dito. "P-pero paano ako? Paano 'tong sakit ko na to? Paano ako makakalaya?"

Inilapit nito saakin ang kanyang mukha bago pinaglapit ang aming mga noo. "It takes time, I'll help you, you can be you again baby, my Tanya Irah Acosta..."

Inilapit nito saakin ang labi at dahan dahan ako nitong inangkin.

Pumikit ako at ay ninamnam ang bawat sandali na magkalapit ang aming mga labi.

Tapos na, tapos na ang isa at dalawang kamalian ng aking ninuno at maging pati ng sarili ko noon, tapos na yun, ang mahalaga ay ngayon, at babaguhin ko ang lahat, babawi ako sa anak ko lalong lalo na sa lalaking ito...

Kay Darkus na walang tigil ang pagmamahal saakin.

---

SINAG ng araw ang gumising saakin. Tumama ito sa aking mukha kung kaya't nagising ako. Mataas na pala ang sikat ng araw, magtatanghali na ba?

Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Wala na sa tabi ko si Darkus, siguro ay kanina pa ito gising.

Nakasuot ako ng manipis na nighties, siguro sya ang nagbihis saakin nito pagkatapos naming magtalik, napangiti ako at napailing.

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo na bago lumabas ng kwartong ito.

Pagkaraang matapos sa paliligo ay nag-ayos ako at inihanda ang sarili sa pagbaba, nararamdaman kong nandito sya, ang anak kong si Lesley.

Napabuntong-hininga ako, hindi ko maiwasang hindi malungkot sapagkat wala ako sa tabi nya ng siya ay lumalaki, siguro ay sobrang lungkot ng aking anak dahil walang inang gumagabay sakanya.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito at lumabas.

Pagkadating sa baba ay nakita ko agad si Queency na nasa sala. Napalingon ito saakin bigla, umarko din ang kilay nito at kumunot ang noo. "What are you doing here ha?"

Hindi naman galit o pasigaw ang tono nito, pero may diin ang mga binitawan nyang salita. I cleared my throat before answering her. "Kasama ako ni Darkus..."

"Ha!" Pumalatak na ito. "Ang tanga nya talaga, kaya siguro pinahatid na dito si Lesley," nag krus ang braso nito at dahan dahang lumapit saakin.

"If ever na gawin mo ulit sa mag-ama ang ginawa mo before na pag abandona sa kanila, ako na mismo papatay sayo maliwanag?" Bulong nito ng makalapit saakin.

Tumango ako at pagkahiwalay nya ay nginitian ko sya. "Hindi ko na muli gagawin iyon Queency, pero salamat, salamat at inalagaan mo ang anak ko." Wika ko dito.

Tumaas nanaman ang isang kilay nito. "Whatever, buti nalang maganda ang pamangkin ko, anyway, aalis na nga ako, ayaw kong masira pa ang araw ko ng dahil sayo, ciao!"

Lumapit ito sa sofa at isinukbit ang shoulder bag na dala. Umalis ito na parang hangin lamang, ni hindi ko na sya nakita pa, bampira nga talaga ito.

Napailing ako at napangiti, mabuti nalang at nakausap ko na si Queency, kahit papaano ay naramdaman ko na pinatawad na ako nito kahit kaunti.

Lumingon ako sa may likod ko ng maramdaman ko na may nakatitig doon.

Nakita ko nga si Darkus na nakasandal sa hamba ng pasukan papuntang kusina at nakangiting nakatingin saakin.

Bumaba ang tingin ko sa mga brasong nakayapos sa kanyang tiyan, unti unti ko ngang nasilayan ang aking anak, si Lesley.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila at pagkaraang makalapit ay dahan dahan akong lumuhod para mapantayan ang bata.

"Hi..."

Ngumiti ako dito, nagulat ako ng bigla ako nitong niyapos at umiyak, niyapos ko rin ito ng sobrang higpit. "Mama!!!!" Sigaw nito habang naiyak, napangiti ako at maya maya pa ay napaluha rin, sabay na kaming lumuluha sa kasiyahan.

"Mama, I love you po, promise po magiging good girl po ako, p-promise po t-talaga!" Napangiti ako. Humiwalay ako sa yakap nya saakin at pinaharap sya saakin. "I know naman na good girl ka..." Pinahid ko ang mukha nito na puro na luha.

"Kaya nga proud ako sayo kasi good girl ka." Patuloy parin ang pag-iyak nito. "Mama, wag ka na po aalis ha?"

Ngumiti ako dito. "Hindi na, hindi ba aalis ang Mama mo baby girl." Napatingin ako kay Darkus na lumuhod na rin. "Diba hindi ka na aalis Darling?" Tanong pa nya.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Hindi na, hindi na ako aalis, dito nalang ako palagi."

Natatawang niyakap kaming dalawa ng malaking bising ni Darkus. "Mahal ko kayong dalawa..." He said.

Niyakap ko din sila ng mahigpit. "I love you too both/I love you Mama and Papa..." Sabay pa naming sabi ni Lesley.

Napatawa kaming tatlo bago naghiwahiwalay at tumayo, habang si Darkus naman ay binuhat ang prinsesa namin. "Gutom na ba kayo?" Tanong nito.

Tumango ako habang si Lesley ay yumapos sa Papa nya at malakas na bumulong na... "Opo, super gutom na Papa hihi."

Napatawa ng malakas si Darkus sa binulong ng anak.

Hindi ko aakalain na hahantong kami sa ganito, masaya at walang dinaramdam na kalungkutan, sana pala simula palang umpisa, sila na agad ang pinili ko, si Darkus na agad ang pinili ko.

Dahil alam ko ang totoo, sya naman talaga ang para saakin, nakalaan ako para kay Darkus, kami ang itinadhana kaya pilit kaming pinagtatagpo nito.

Mali ang akala namin ay kabiyak namin, mali si Agustin, mali ako, dahil ang totoo, ang puso ang nakakaalam kung sino ang kabiyak nito, inusig lang kami ng aming nararamdaman dahil iyon ang pagsubok na kailangan naming harapin para maging masaya.

At alam kong nalampasan na namin iyon, nalaman na namin ang totoo.

Napatingin sa akin si Darkus at tumingin sa aking mga mata.

"Ikaw lang ang mamahalin ko Tanya, habang buhay..."

Napasok nanaman nya ang isipan ko.

"Ikaw lang din panghabang-buhay Darkus, ikaw at si Lesley lang..."

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon