TANYA
ILANG buwan din ang lumipas, ngayon ay handa na akong humarap sakanila, kasama ngi Dark.
Ngayong araw ang pagbyahe namin sa Judiciary Council ng bampira ng mga taga Pilipentrus, medyo kinakabahan ako pero ayos nanaman ako, matatagpuan daw ang council sa isang pribadong isla at medyo malayo daw ito.
Hindi naman kami nag-iisa, kasama namin ang ilan sa mga kaibigan nya, lalo na sila Dyo, Lex, Bren, si Kyle at si Craven, and iba ay maiiwan, tsaka nalang daw sila susunod mapag may masamang mangyayari.
Kasama ang lima dahil sila ang council ng Reyna at Hari, kakailanganin sila para kung sakali lang na baliktarin kami ng judiciary council, nandoon ang limang heads para protektahan kami.
"Pota Bren hindi ka ba nagsasawa sa kabaklaan mo?"
Naparolyo ang aking mga mata, kanina pa nagtatalo ang dalawa, si Lex at Bren at kanina pa sila maingay.
"Akala mo naman eh no? Hoy! Ikaw nga yung chika babes mo iniwan ka! Ulol! Iyak pa sa inuman kadiri ka." Sabi naman ni Bren.
"Kung wala kalang anak, baklang bakla ka na talaga!" Sabi naman ni Lex.
"Gago."
"Inutil."
"Bobo ka!"
"Pak yu!"
"TUMAHIMIK KAYONG DALAWA!" Napatingil sila kay Kyle na seryoso at nakakatakot na tumingin sa dalawa.
Bigla namang naramdaman ko ang braso ni Darkus sa bewang ko. "Ang dalawang yan hindi parin nag mamature." Tumawa ito ng mahina at hinalikan ang sintido ko. "Pumasok ka na sa van, mahuhuli tayo sa flight." Sabi nya kaya pumasok na nga din ako.
Tumingin pa ako sa dalawa na hindi pa tumigil at hahayaan pa ng suntok habang si Kyle nag-aayos ng gamit nya sa van."
Napailing nalang kaming dalawa ni Darkus at ngumiti bago pumasok sa van.
---
Nandito na kami sa local airport, at sa hindi inaasahang pangyayari ay muntik pa akong makita ng Daddy ko doon. Mabuti na nga lang at may private plane kaming sasakyan kung hindi, kung saan saan pa kami daan, na hindi malabong makasalubong si Dad or ang tauhan nito.
"You okay?" Napatingin ako kay Darkus. Nandito na kami sa loob ng private plane. 5 minutes nalang daw at paalis na kami. 1 hour lang ang byahe by plane, pero ang byahe namin kanina by land ay inabot ng six hours, kaya medyo masakit ang puwetan ko.
"Hmm, oo okay lang naman ako wag kang mag-alala, okay din na nakita ko si Dad kahit papaano, miss ko na din kasi sya." Ngumiti ako dito at humilig sa dibdib nya.
"Don't worry after all of this, we will visit them even your tita rettie and marga." Tumango ako at ipinikit ang mata.
Sa totoo lang kinakabahan ako, hindi ko man aminin pero kunakabahan ako sa pwedeng mangyari. Napahigpit nalang ang kapit sa panyong hawak ko.
Sana maging maayos na ang lahat.
---
"Darling wake up! Hey..." Papungas pungas na iminulat ko ang aking mga mata. Una kong nasilayan si Dark. "Nandito na tayo."
Tumango ako at dahan dahang tumayo at umunat. Inaantok pa talaga ako pero okay nanaman ako.
"Good evening Tanya, welcome sa isla syete. Ito ang islang para sa judiciary ng kaharian, nakabukod sila para mas maging maganda ang trabaho nila as a council." Sabi ni Craven.
Napatingin ako sa binabaan namin, gabi na at malamig ang simoy ng hangin. Hindi airport ang pinagbabaan namin kundi parang special land para sa mga lalanding na private planes, siguro walang ibang pumupunta dito kundi bampira.
"Tama ka don Tans! Only vampire lang ang isla na to kaya wear this." Nagulat naman ako kay Bren na nakangiting lumapit saakin na may hawak na itim na kwintas.
Hindi na ako magtataka, mind reader sila kaya any thought that I have, may idea sila kung ano ang nasa isip ko.
"Ako na pare mag susuot sakanya nyan." Biglang dumating si Dark dala ang bagahe namin.
"Mamaya I will teach you kung paano ang gagawin to close your mind, now wear this."
Sinuot nya saakin ang kwintas. May naliit na pendant ito na itim na diamond siguro at hugis buwan iyo, yung crescent moon.
Hinawakan ko iyon, ang ganda. "Maganda ang kwintas na yan kaya wag mong aalisin, para narin yan sa kaligtasan mo, kahit alam nilang pagmamay-ari ka ng isa sa mga council, may mga bampira paring hindi makakapagpigil, kaya isuot mo yan para di ka nila maamoy." Sabi nito saakin. Ito pala ang gamit nito.
Tumango nalang ako atsaka nagpatuloy na kaming mag lakad papunta sa isang van ulit, siguro ay tutungo na kami sa tutuluyan namin.
"Sa hotel ba tayo?" Tanong ko pagkasakay namin sa sasakyan.
"Hindi." Sagot ni Darkus, "May tinutuluyan ang hari at reyna at ang council nila na palasyo dito, doon tayo tutuloy, bukas ay makakausap na natin ang judiciary council, maghanda kayo para sa mga matanungang ibabato nila, lalo na kay Ana." Napatingin ako kay Kyle na syang nagsalita.
"Si Ana ang kanang kamay ng head na si Luistro, si Luistro ay isang matandang judge at medyo mahina na, pero tuso ito at matalino, mag-ingat kayo sakanila." Sabi naman ni Lex.
"Si Ana on the other hand ang pinakamalakas sa council dito, ang kapangyarihan nya ay pasukin ang isipan ng tao o bampira atsaka mag-utos dito or sabihin ang mga gusto nyang mangyari sa biktima nya." Sabi naman ni Bren.
"So si..."
"Tama ka Tanya, si Ana ang may gawa saiyo noon, hindi namin alam ang dahilan ngunit kung nagrerebelde na sila sa Royal Family ay wala na kaming magagawa kundi patayin sila." Sabi naman ni Dyo.
Napasinghap ako, patayin, parang ang easy lang pumatay sakanila ah.
"Pero syempre malabo namang mag rebelde sila sa kaharian, hindi nila gugustuhing magalit si Nickaella diba Dark?" Sabi ni Lex.
Napatingin ako kay Darkus. "Ano bang kapangyarihan meron si Nickaella, Darkus?" Tanong ko dito.
"Sya ang pinakamalakas sa lahat ng lahi, ang kapangyarihan nya ay dalawa, mang-agaw ng kapangyarihan at kung ano ang sabihin nya ay masusunod, noong nakaraang digmaan ng lahi, nasaksihan namin ang lakas nya, kaya maraming takot sakanya." Sabi ni Darkus.
So meaning malakas ang babaeng magandang mukhang anghel na yun?
"Pero kung hindi pagrerebede ang dahilan, ano naman kaya?" Pagtatanong na usal ni Bren.
"I know the reason." Napatingin kami kay Darkus. "They think na traydor parin ako, and they want me to vanished and to be dethroned sa council, akala nila I don't deserve the spot."
Tumango tango sila pero ako ay nananatili lamang na nakatingin sakanya. Kung ano man ang dahilan, sana naman mag kaayos na sila bukas, yun lang ang hiling ko.
"Don't worry okay?" Tumango nalang ako sakanya atsaka ngumiti.
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...