TANYA
"SENIORITA! GUMISING PO KAYO! MAY MGA TAO PO!"
Napakunot ang aking noo, ano ba yan, kakatulog ko lang dahil puyat ako kagabi tapos may gigising kaagad saakin? Ugh!
Papungas-pungas na bumangon ako sa pagkakahiga. "Ano ba iyon Beth?"
Halata sa mukha nito ang takot at pangamba, lalong kumunot ang noo ko. "Anong problema Beth?" Tila nagising ang diwa ko. May hindi magandang nangyari.
"K-kasi po s-seniorita..."
"ANO?"
"MAMA!"
Napatingin ako kay Lesley na tumatakbong pumunta saakin, dali dali itong sumampa sa kinahihigaan ko ngayon. "Why anak?" I calmly ask her.
She come beside me and hug me tight. "May tao po kasi sa labas Mama, yung bisita po nung birthday ko po..."
"Ha?" Napaharap ako kay Beth na hindi mapakali. "Beth?!"
"Ay kasi po seniorita, nakapasok nalang po sila dito, yun pong Ate niyo po tapos may kasama pa sila, hindi ko din po maramdaman na ang mga tauhan sa labas ng mansyon p-po."
Biglang pinasok ng kaba ang puso ko, ano ang dahilan at bakit naandito si Ate Ella?
"Sige na Beth ako na ang bahala, antayin mo na lang ako sa baba." Agad na tumalima na ito at lumabas na ng kwarto namin.
Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Bago ako gumayak ay hinarap ko muna si Lesley, lumuhod ako para magpantay kami. "Nasaan ang Tita mo anak? Si Tita Queency?"
"Umalis na po eh." Pahina ng pahina ang boses nito habang nagsasalita. "May ginawa ba sayo yung tao sa labas ha? Tell me!?"
Umiling ito saakin at pinunasan ang matang may nagbabadya ng luhang pumatak. "Hindi po Mama, p-pero sabi p-po, she need to talk to y-you po, diba hindi ka naman po sasama sakanya? Kasi remember, they want you to go with t-them last time you met them p-po."
At ang nagbabadyang luha ay pumatak na nga. I carefully wipe her tears. "Of course anak, hindi ako sasama sa kanila alright. Heto, ang deal natin, wag na wag kang lalabas ng kwarto kahit anong mangyari, understand?"
Agad na dumamba ito saakin at niyakap ako. Mama don't leave m-me p-po..."
Bwisit talaga ang mga iyon! Umiiyak tuloy ang anak ko!
Pinispis ko ang likod nito at inalo, I know her reason, natatakot itong mawala muli ako sakanya. "Never, hindi na aalis si Mama okay?" Inilayo ko ito sa pagkakayakap saakin at nginitian ko ito pagkaraan.
She just nod slowly.
Huminga ako ng malalim at tumayo na sa pagkakaluhod. Nag-ayos lang ako ng suot at dali dali na bumaba na.
Hangga't maari ayoko ng magtagal pa sila dito sa bahay. Masyado na nilang ginugulo ang pamilya ko. Bago pa ako makababa ay biglang sumakit ang ulo ko.
Senyales ito.
Na tri-triggered ko nanaman ang other personality ko. Sabi saakin ng doktor, isang senyales ang pagsakit bigla ng ulo.
Hindi na masyadong nagpapakita ang other personality ko na si Irah, pero hindi ibig sabihin noon ay magaling na ako. Kaya hangga't maari dapat makontrol ko ang sarili ko.
Tumigil muna ako panandalian at huminga ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagpunta sa may sala's.
Pagkarating ko doon ay nandoon nga si Ate Ella, kasama ang limang tauhan nito. Nakaupo ito sa sofa, sitting pretty akala mo welcome sa bahay namin!
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampirosSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...