DM: Thirty-Six

164 6 0
                                    

TANYA

"NASAAN si Papa, Mama?"

I look at my child as I comb her hair. Nandito ako ngayon sa silid nito. Katatapos lang namin dalawa maligo and I decided na ayusan ito ng buhok.

"Nasa work ang Papa mo anak, pero sabi naman niya, as soon as he finished his work, uuwi na siya diba?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. "Yes, pero miss ko na siya po."

Itinigil ko ang pagsusuklay dito at lumuhod  bago ko siya pinaharap saakin, nasa harap kasi kami ng vanity mirror nito.

I smiled at her. "I miss your Papa too anak, but remember, ginagawa niya lang yung work niya para may peace na sa ating mundo diba?"

I see her frown, how cute. Ang ganda ganda ng anak ko. "Lesley Margaux?" Pinatibay ko ang aking boses, sa tingin ko nama'y nasindak ko ito.

"Opo Mama."

I stood up and ipinagpatuloy ang pag-aayos sa buhok nito.

I know that she misses her father. Laging wala kasi dito si Darkus, kung minsan pa'y hindi na ito umuuwi, it's been two weeks simula ng birthday party ni Lesley, at two weeks nadin and nakakaraan ng pagiging busy sa trabaho ni Darkus.

Everyday nag-aalala ako. Ang sabi kasi saakin, by field ang ginagawa ni Darkus, unlike other council like Dyo na sa lab ang trinatrabaho.

After kong ayusan ng buhok si Lesley ay pinatulog ko muna ito. Mainam din naman na matulog siya ng hapon, para ma relax siya and of course ma refresh ang isipan nito.

Ngayon nga ay naandito ako sa may hardin. Kasama ko ang isa sa mga kasambahay, si Beth, isa din siyang bampira. Nag-aayos ako ng mga succulent plants na siyang pinagkakaabalahan ko ngayon.

"Beth, makikisuyo nga ng isa pang cactus doon."

Wala si Queency, ang sabi ng isa pang kasambahay ay mala agent na bampira ito. Siguro daw ay kasama ito ni Darkus sa misyon.

"Heto na po Seniorita."

Kinuha ko ang cactus na nasa isang maliit na paso at inilipat ko pa sa isa pang maliit na paso na mas maganda ang disenyo.

Abalang abala ako sa ginagawa ko ng biglang...

"Seniorita! May naghahanap po sainyo!" Napalingon ako sa aking likuran ng biglang sumulpot doon ang isa pa naming kasambahay.

"Sino daw Norma?" Napatayo ako at kinuha ang isang bimpo at ipinampunas sa madumi kong kamay.

"Isa po sa mga konseho ng hukom." Nakayuko  itong nakikipag-usap saakin.

Teka, sino kaya ito? Lumakad na ako patungo sa sala's. "Hindi ba si Alesandro o si Maya, Norma?"

"Hindi po."

Napatigil ako sa paglalakad. So sino itong bisita namin? "Sino Norma?"

"Magandang araw sayo binibining Tanya."

Napaharap ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko sa nakita. B-bakit? Bakit naandito si Ana?

Kahit na medyo kinakabahan ako ay ngumiti ako rito, alam kong ramdam ni Ana ang pilit kong mga ngiti, eh sino ba namang hindi kakabahan kung naandito ang bampirang muntik ng pumatay saakin.

"Anong sadya mo? Tara muna sa sala's?"

Tumango na lamang ito. Good thing alaga ko ng saraduhan ang isipan ko, hindi na basta basta mapapasok ito ng kahit sino, kahit si Ana, ang mahalaga, hindi ko matitigan ang mga mata nito.

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon