DM: Twenty-Seven

184 7 0
                                    

TANYA

(Continuation...)

MONTHS had past again, we stay here at his rest house, for my schooling naman, since ojt nalang naman ang kulang ko, we decided na ipagpaliban muna ang ojt ko and focus on my pregnancy.

Tumigil ako ng isang sem, pero that's okay, masaya naman ako dahil magkaka-baby na kami.

Walang nakakaalam na buntis ako, even my tita or my father, wala, ang alam lang nila, lumayas ako for peace of mind dahil narin sa stress, hindi nanaman nila ako kinulit dahil doon.

It's been my 11th months of my pregnancy. Wag na kayong magtaka, it is very normal lalo na kung hindi tao ang jowa mo.

Yes, you read it right, hindi normal ang boyfriend ko, he is a vampire.

He told me that when I am in my 3rd month of pregnancy, nagtataka na kasi ako sa laki ng tyan ko agad at hindi nya pagpapacheck up sa doctor for my baby.

But anyway I've moved on, tanggap ko na kung ano sya at kung sino sya sa buhay ko 7 years ago.

I touch my belly, gumalaw na ang bata, she is a she, opo babae po ang baby namin.

It was a long story indeed, how he met me, the grandmother of my grandmother, all, he tell me the story. Sabi nya para narin mabuhay kami ng normal, kahit na medyo hindi sya normal.

Sabi nya pa, his plans is after ko manganak, lumipat na kami sa tunay na bahay nya, which is magiging bahay ko na din, also we are also planning for the wedding, pero sabi nya pa magtapos muna ako ng studies ko.

"Darling, kumain na tayo?"

I look at the door kung saan nandoon si Darkus na inaaya na akong kumain. Nandito kasi ako ngayon sa kama namin, nakaupo at nakatingin sa labas kanina.

Tumayo ako, dali dali naman itong nagpunta saakin at inalalayan ako.

"Thank you." I said, he just smiled.

Masaya na ako, masaya na kami.

---

1 year had past, and I can say na masaya naman kami. My daughter, her name is...

"Lesley Margaux!" I shouted at the top of my lungs, ang kulit kulit naman talaga, she grew like she was normal, siguro dahil narin masyado nating naisip na vampires is really different from us.

Kinuha ko agad ito dahil nasa edge na ang kama. She is already 1 year old and ang likot likot nya. I am now 19 years old and happy.

Kinuha ko si Lesley at ibinaba sa may carpet, kakagising lang kasi nito kaya I know na maglalaro lang ito na maglalaro for 2 to 3 hours.

Napatingin ako sa may pintuan ng bumukas ito, si Darkus. "Hey!"

Ngumiti ako dito at tumayo sa pagkakaupo ko sa carpet, lumapit ito saakin at at niyakap ako. "Tired?" Bulong nito sa tenga ko.

Tumango ako at yumakap pabalik. "Later, may pupuntahan tayong party, si Lesley iiwanan muna natin sa pinsan kong si Queency."

Lumayo ako sa pagkakayakap sakanya. "Party? Bakit ngayon mo lang ito nabanggit saakin?"

He smiled and hug me again. "Ngayon ko lang naalala?" Patanong na sabi nito.

Kinurot ko ito sa tagiliran. "Pilyo!"

Tumawa ito ng malakas. Napangiti nalang ako.

---

Nandito kami ngayon sa party, party ito ng isang sikat na negosyanteng bampira, wala namang kaso saakin dahil may amulet akong suot.

Sabi saakin ni Darkus ay hindi lang bampira ang invited kundi pati narin ang mga lobo, makikita daw ito sa kulay ng balat.

Vampires have pale skin while wolves have gloomy skin, minsan tanned pa daw, kaya naman nakikinita ko na ang mga lobo at  bampira.

The party started and overall okay naman sya, masaya. I met Queency kanina and all I can say is mabait ito at mahilig sa bata kaya kampante ako na hindi nya pababayaan si Lesley.

Sa ngayon ay may kinakausap na kaibigan si Darkus, hindi ko na matandaan ang pangalan ng kausap nya, pero barkada nya ata ito. Very serious ang mukha ng kausap nya.

Nandito kami sa isang table, nakaupo ako habang si Darkus ay nakatayo dahil sa kausap, medyo nakakaramdam ako na parang na ihihi ako kay kinulbit ko ito. Nakangiti naman na humarap ito saakin.

Tumayo ako at bumulong. "Naihihi ako, toilet lang?"

Ngumiti ito at tumango. "Bilisan mo lang."

Tumango nalang ako at nagmamadaling pumunta sa banyo. Madali lang naman ma-locate ito dahil may mga signages naman.

Pagkatapos kong mag toilet at ilabas ang sama ng loob ko ay lumabas na ako. Sa aking pagpunta sa table namin ay may nakasalubong akong lalaki, natapunan nito ang aking dress na suot ng kanyang inumin.

"Nako pasensya na..." I look at him and stared at him for a moment.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko and my blood rush inside my body. Hindi ko maintindihan, bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Irah..."

Nagkatitigan kami, for I don't know kung minuto or kung ano man, basta nawalan nalang kami ng pake sa mundo.

"Irah, y-you are here..."

Hindi ako nagsalita, I can sense the emotion within his eyes, he looked at me as if we know each other for a very long time.

Magtititigan na lang sana kami kung hindi lang may tumawag sakanya. "Agustin..."

Napatingin ako sa babaeng tumawag sakanya. Agustin pala ang kanyang pangalan. Lumingon sya sa kanyang likod at sinambit ang pangalan ng babae. "Miranda..."

Doon ako napabalik sa katinuan. "I'm sorry." Sabi ko at mabilis na umalis doon.

I really don't know what happened pero simula ng gabing iyon, nagbago na ang lahat.

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon