TANYA
ANO ITO??? BAKIT???
"A-anong..."
"TANYA!"
Hindi ako makapaniwala sa nakita. Diyos ko, ano iyon?
Napalingon ako sa humahangos na si Darkus. "Tanya..."
Lumingon ulit ako sa picture frame na ngayo'y basag na at nasa sahig na. Pinulot ko iyon ng marahan. Bago ko pa man matingnan ulit iyon ay naagaw na ito saakin ni Darkus.
"Patingin ako." Pirme kong sabi at tumayo, kahit na hindi kami magpang-abot dahil malaki sya ay pilit kong pinapantayan ang pride nya.
"Patingin ako sabi!"
Umiling ito saakin at iniiwas pa lalo ang letrato. "Tanya..."
"Sabi mo sakin magpapaliwanag ka, ang sabi mo mag-uusap tayo dito sa syudad, ano? Tatahi ka ng kwento ha? Ano ba kasi ang totoo?!"
Naging tensyonado nanaman ito. "I-I I will explain later baby, later, just give me some time."
Ako naman ang umiling. "NGAYON.KA.MAGPAPALIWANAG." May diin ang bawat pagbigkas ko ng salita. Kailangan nyang maintindihan na sawa na akong maging tanga sa harap nya.
Lumambot ang ekspresyon nito. Dahil doon ay naagaw ko sa kamay nya ang medyo nagusot ng letrato pero malinaw doon kung ano o sino ang nandoon.
Pinagmasdan ko ito. Wala ng nagawa pa si Darkus kundi ang tingnan ako. "Pa-paano? Paano ako nagkaroon ng ganitong letrato? Kailan ito? Ako ba to o ibang tao?"
Ang nasa letrato ay ako, o hindi ako, basta babaeng kamukha ko, nakapula ito na bistida at katulad ng naunang letrato ay may hawak din itong sanggol. Nakaupo ito sa isang kahoy na upuan, kanlong ang bata, hindi katulad ni Darkus na nakatayong nakangiti sa letrato, ang babae ay walang emosyong mababakas, nakatingin lang ito diretso sa letrato.
Hindi naman sobrang luma ng letrato, may kulay na ito, nasisiguro kong noong mga nakaraang taon lang ito pero paano? May kakambal ba ako?
Kung pagtatagpitagpiin ang mga pangyayari, ang galit na si Queency saakin, ang pagkilala ng mga maid sa bahay, ang pagtawag ni Margaux sakin ng mama, hindi malabong may kakambal nga ako.
"No no no, wala, wala kang kakambal." Napatingin ako kay Darkus. "A-ano ito?"
Bigla akong napaluha, hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako ito, pero nararamdaman ko rin ang pamilyar na pakiramdam na may kalong akong sanggol.
"Ipaliwanag mo naman!?" Nayukos ko na ang letrato at pinagsusuntok ang dibdib ni Darkus. "Gulong gulo na ako... Pakiusap naman, maawa ka saakin."
Nanghihina na rin ako, sa pagod, sa gutom at sa kakaisip ng mga bagay bagay na hindi ko alam kung dapat ko ba talagang isipin.
"Baby, huminahon ka, I will explain, umupo ka muna."
Inalalayan ako nitong umupo sa kama. Lumayo ito ng kaunti at kumuha ng kahoy na bangkuan. Hinila nya ito at iniharap saakin tsaka sya umupo.
"Wala kang kakambal, the truth is..."
Napatingin ito saakin. Umalon ang adams apple nito. "The truth is ikaw iyon."
Napatanga ako dito, paano iyon nangyari???
"It all started when you were 12, when I abducted you to your family, that time, I was so obsess with you, to the point na hindi na ako makapaghintay na mag 18 ka."
"I abducted you, and I know you can remember that, but then pinuntahan ako ng mga kaibigan ko ng panahon na iyon, they tell me na hindi dapat, pwede akong itakwil ng buong angkan ng kapatiran namin."
I remember, sinabi nyang babalik nalang sya, babalikan nya nalang ako atsaka ako hinatid ulit sa mansyon namin.
I remember that night, ni hindi man lang nag-alala ang buong pamilya saakin, kahit si dad ay busy sa politika ng mga panahon na yun.
"If you would ask me how the hell did I know you, you were my first love..."
"It's started back then, at the European gala sa espanya way back 1820's."
1820's? What the hell?
"Yes, it's not you really, it's your mother's grandmother. She's Irah Maria Madalgen."
So, panahon pa ng lola ng lola ko ang sira ulong ito.
"But my first love just end like bullshit, she end up with a wolf, but before she ended up with that fuck up man, nabuntis pa sya ng isang mortal, that is why normal at mortal ang buong pamilya ninyo."
Nagpakawala ako ng buntong hininga, ang akala ko lobo ang pamilya ko.
"I surrendered, mahal nya ang lobo at nagsama sila, but she died, she was killed by that wolf too, para lang makapaghiganti saakin."
Nakikita ko ang sakit sa kanyang mata. He was hurt dahil pinatay ang babaeng mahal nya.
"I was ready to become a beast but my friends was there, hindi pa sila Xenon ang kaibigan ko noon, mga kaibigan ko sa espanya, they advice me to get a work and to forget her, and I did."
"I flew here in the Philippines not knowing that your mother's mother is being sent here. After decades of many decades, I met the group, the family that I have now. Everything is smoothly going to my plans, somehow I really forgotten Irah but..."
"I saw you, I first saw you with your nanny when you are ten, even when you are just a kid, you just really resemble completely to your great grand mother, but gone with the sophisticated aura, you were careless and very innocent. I even ask your name, funny though your name is just like Irah. I grew an obsession to you, at last, I meet her again, my first love, I thought about that, I just thought of being with Irah again..."
"Then when you are 12, I abducted you and the rest is history."
Ngumiti ito saakin. "You are mistaken if you think na I go after you because of your face, your wrong baby, I knew a lot about you, and that is why I decided that you are different from Irah, gone with the sophisticated look she has in Spain, but you are you baby, you are Tanya and not Irah."
"I came back when you are 18."
Nagulat ako, 18?
"How? Hindi ko matandaan? Ni hindi ko alam ang nangyari noong 18 years old ako, everything is very vague in my mind right now!"
I am very confused!
"Believed me, we met again when you are 18 baby, and that is my happiest year of my life."
I don't know but everything turned black...
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...