TANYA
"WHAT the hell?! Anong ginagawa ng baabeng yan dito?" Lalong kumunot ang noo ko.
Kilala nya ako? "Queency I will talk to you later."
Humarap saakin si Darkus. "Darling let's go." Sabi nya at hihilhin na sana ako pero nagmatigas ako.
Humarap ako sa babae. "Sino ka ba ha?! Kilala mo ba ako ha?"
She rolled her eyes, ang sarao dukutin ng mga matang yon. "Sabi nya he will handle you, ayokong manggaling pa sakin ang mga salitang dapat si Darkus ang magsabi sayo, anyway, sana umuwi ka na, we don't need you here, bitch."
Nagpanting ang tenga ko, ano daw? "Anong sabi mo?!" Sasabunutan ko na sana ito ng awatin ako ni Darkus at pinapakiusapan na ng general manager yung babaeng yon na umalis muna.
"Darling please, I will tell you about this pero wag muna dito alright."
Tumingin ako sakanya, okay, huminga ako ng malalim at kumawala sakanya atsaka nauna ng maglakad papunta sa kwarto namin.
Pagkapasok ay agad na sumalampak ako sa kama. "Sino yon?"
Nakataliko ako sakanya habang kinakausap ko sya. "Darling... Later we will talk, give me some time okay? Pupuntahan ko lang sya, please understand me and please wag ka namang magalit, wala lang yun."
"Kung wala lang yon bakit hindi mo masabi sabi sakin ha?!"
Tumayo ako at hinarap sya, bali nasa kabilang side ako ng kama at sya din. "It's not the right time, ayokong magulat ka or worse iwan ako!"
"Ganyan lang ba ang tingin mo sa pagmamahal ko sayo Darkus? Ganoon ba kahirap na sabihin saakin yung matter na yan?"
Umiiyak na ako, it's not because galit ako, I'm hurting, hindi nya ako mapagkatiwalaan. "Darling..."
"ANO!?"
His emotion soften at dahan dahan din itong lumapit saakin. Pagkalapit nya he touch my arms, "Darling... I will tell you this matter pag alam kong handa ka na, ang buong pagkatao mo, handa na sa katotohanan." He said calmly.
But sorry, hindi kalmado ang sistema ko. "No, sasabihin mo sakin ngayon na."
"Darling..."
"Alright, kung di mo masabi saakin ngayon, pagbalik natin sa syudad, I want you to tell the whole truth to me? Naiintindihan mo ba?"
"But..."
"Take it, or leave it, ganoon kasimple yun Darkus. Hindi ko kayang iwanan ka ngayon dahil hindi ko alam kung saang lupalop ng Pilipinas tong isla na to, pero pagbalik natin sya syudad, I can do whatever I want, kaya ito ang deal, you tell me the truth pagbalik natin, and I will promise you to keep my mind open."
He sigh again, tumango ito. "Sige iwan mo na ako at asikasuhin kung anong meron doon." I said.
Ibinaba na nya ang kamay nya sa braso ko. "Wag kang aalis." Habilin pa nya.
Tumango nalang ako at pagkalabas nya, I was left at this room, dumbfounded.
---
3pm
Wala parin si Darkus sa kwarto namin, it's supposed to be our officially day one pero may ganitong problema pa. Tumayo ako sa pagkaakiga and pumunta sa C.R to fix myself, lalabas ako ng akin. Hindi naman ako lalayo, magliliwaliw lang ako.
After kong mahilamos tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, hilam pa ang mata ko dahil sa pag-iyak.
I remember Ana, at yung mga sinabi nya saakin.
"Hindi mo alam ang lahat, may mga sikretong mabubunyag, maghanda ka, tibayan ang loob, paalam."
Secrets. May mga sekretong mabubunyag na ng hindi sinasadya. Ito na ba yung sinasabi nya?
Kung ano man yun, I should trust Darkus, kailangan kong magtiwala, kailangan kong maging matibay, after all, ang tagal ko din na naghintay sakanya.
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong magbihis, simpleng t-shirt na blue ang suot ko at maong na short na hindi naman kaigsian.
Ipinusod ko din ang buhok ko, mabanas at mainit pa kasi.
Pagkalabas ko sa kwarto ay dumiretso agad ako sa elevator. Pagpasok ko doon ay walang tao.
Tumigil ang elevator sa 7th floor at may isang cute na batang babae ang pumasok nalang bigla. Nagulat pa ako dahil may humahabol na babae dito pero hindi na sya naabutan.
"Belat!!!!" Sumigaw pa sya sa humabol sakanya. Nagulat ako ng tumingin sya saakin. Ang ganda ganda nya.
"Mama..."
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
Biglang tinakpan nya ang bibig at pilit inaabot ang 3 sa pindutan sa elevator na sya ko namang pinindot para sakanya.
Titig na titig ito saakin.
"You want to hug me?" Tanong ko pa, medyo alangan ang bata.
"Baka po magalit kayo..." She said at sumiksik pa sa tabi ng elevator.
Umiling ako and extend my hands, pumantay na rin ako sakanya which means lumuhod ako ang open my arms widely. I smiled at her.
"Mama..."
Then she cried. I don't know the reason why she calling me Mama, but whatever the reason it is, she can cry on my shoulder naman.
I felt my heart twitch at that moment, it was so overwhelming na I am hugging this kid.
Naputol ang yakapan namin ng magbukas ang door ng elevator sa 3rd floor. Tumayo ako and sya naman she wiped her tears.
"Go now." Ngumiti ako sakanya.
Alangan pa syang umalis sa elevator pero sabi ko bumaba na sya baka nag-aalala na ang parents nya.
We bid our goodbye by her kissing me at my cheeks. It was a good feeling.
Gumaan ang pakiramdam ko. I wish meron akong anak na kasing ganda nya.
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...