DM: Twenty-Four

199 5 0
                                    

TANYA

6:30 am

Alas sais na ng umaga ng makarating kami sa destinasyon. Hindi kami sa palasyo ng mga Roccer dumiretso kundi sa isang malaking mansyon.

Though it's familliar, hindi ko marecognized kung saan ko ito nakita, kaya for sure na hindi pa ako nakakarating dito though may iba sa pakiramdam ko.

Kanina nga pala habang nasa byahe, palingon lingon ako kung may sumusunod saamin. Ng makumpirma ko naman na wala ay nakahinga ako ng maluwag.

Siguro nagkamali lang ako kanina at nag assume na kami ang pinipicturan.

"Let's go inside?"

Napatingin ako sa nagbukas ng kotse, it's Darkus. Bumaba ito kanina at nauna ng ilabas ang bagahe namin at ipinapasok sa isang katulong I think. Hindi muna ako lumabas for may safety narin, hindi pa ako sure sa lugar na ito.

Inilahad ni Darkus ang kamay ngunit hindi ko ito pinansin. Nakaramdam ako ng awa ng makita ang pag-igting ng panga nito at ang malungkot na ekspresyon nito.

Lumabas na ako ng kotse at pinagmasdan ang paligid. Malayo kami sa ibang kabahayan at siguro may 500 meters simula sa main gate hanggang dito sa dulo ng mansyon.

Mala hacienda ang itsura nito dahil may nakikita pa akong mga kabayo.

Sa labas ng mansyon ay may fountain at ang kulay ng masyon ay kulay puti sa labas. Medyo luma nadin ang desenyo nito at malayo sa modernong disenyo ng mga bahay pero maganda naman ito at mukhang mapayapa.

"This is our home." Napalingon ako sa tagiliran ko, tensyonadong tensyonadong tingnan si Darkus, gone with his badboy look, now para syang natatae na ewan sa ekspresyon nya.

Lumakad sya kaya sumunod na rin ako. Mag aalas siyete na at inaantok na talaga ako, sobrang pagod ko sa byahe at hindi ako makatulog knowing na akala ko may sumusunod saamin.

Pagpasok namin ay may tatlong matatandang babae na sa tingin ko ay maids ang sumalubong saamin.

"Maligayang pagbabalik Senior Dark at Seniorya Irah." Yumukod ang mga ito.

Tumango lang si Darkus at dumiretso ng maglakad.

Paano nila ako nakilala? Did Darkus tell them my name? And why the second name?

Sumunod na lang ako kay Darkus, siguro mamaya na ako mag-uusisa, after all nandito naman talaga kami para sa paliwanag nya.

Umakyat na kami sa second floor ng kabahayan. Hindi ko na muna pinansin ang disenyo ng loob sapagkat wala na akong lakas pa, gusto ko na sanang matulog muna.

Pagkaraan ay nakadating na kami sa tapat ng isang pinto. Binuksan ni Darkus iyon at sumalubong ang malamig na temperatura doon. Siguro ay dahil narin sa air condition doon.

Pumasok kami, madilim at halos hindi ko maaninag ang nasa buong kwarto. "Matulog ka muna."

Lumapit ata sya sa isang side table at binuhay ang lamp doon. "Magpahinga ka, mamaya kapag kakain na ay gigisingin ka nalang namin."

Umiling ako. "No, wag mo muna akong gisingin, sobrang pagod ako, gusto ko munang matulog."

Tumango ito. Inilapag ko ang aking bag sa side table at umupo sa kama. "Mamaya pagkagising ko, gusto kong magsimula ka ng magpaliwanag." Hindi ako tumingin dito, nakatitig lang ako sa liwanag na sumisilip galing sa pintuan.

Hindi ko man nakita pero alam kong tumango sya. "Lalabas muna ako."

Nakita ko nalang ako kanyang likod bago sya makaalis sa silid at saraduhan ang pinto. Napa buntong hininga nalang ako. Pinagmasdan ko ang buong silid. Madilim, tanging ang silk na tela ng kama ang nakikita ko at ang side table.

Hinubad ko ang aking sapatos pagkaraan at humiga. Unti unti na akong hinila ng kadiliman. 

---

1:00 pm

Nagmulat ako ng mata, malabo labo ang paningin ko hanggang sa naging malinaw na. Napabuntong hininga ako. Naka uwi na nga pala kami sa syudad.

Dahan dahan akong bumangon at nag-inat. Madilim parin sa kwarto dahil narin siguro sa makapal na kurtinang nakataklob sa bintana. May veranda ata ang kwartong pinagdalhan saakin ni Darkus.

Inilibot ko ang paningin ko. Hindi ko parin maaninag manlang ang mga kagamitan sa kwaryong ito.

Bumangon ako at dahan dahang naglakad patungo sa may veranda. Pagkapunta doon ay dahan dahan kong hinawi ang kurtina at nasilaw naman ako ng bumungad sa mukha ko ang liwanag.

Tama nga ako, veranda nga itong banda ng silid.

Binuksan ko ang sliding glass door at lumabas. Humihip ang hangin sa aking mukha. Dinama ko ito, malamig ang simoy ng hangin kahit tirik na tirik ang araw.

Hacienda nga ang lugar na pinagdalhan saakin ni Darkus. Sa di kalayuan ay may natanaw akong parang kwadra at isang field na siguro ay para sa nga kabayo.

May kabayo din akong nakita na kumakain ng damo at isang lalaking nag lilinis ng kabayo.

Si Darkus...

Lumingo ito saakin at kumaway pero hindi ko ito pinansin. I rolled my eyes at him bago ako tumalikod at nagbalik sa loob.

Pinagmasdan ko ang silid. May tv sa tapat ng kama, silk ang tela ng sapin ng kama at kulay baby pink iyon, may maliit na pinto sa tagiliran, siguro ay banyo dahil may natanaw akong vintage style na cabinet sa tagiliran. May natanaw din akong vanity mirror kalapit ng caninet.

May dalawang side table, ang isa ay lamp ang nakapatong at ang bag ko at ang isa ay dalawang picture frame na ngayon ko lang napansin.

Nilapitan ko iyon. Umupo ako sa kama at tsaka kinuha ang isa, yung picture frame na hindi nakataob, ang isa kasi ay nakataob.

Ang picture frame na iyon ay may letrato ni Darkus na may hawak na baby, siguradong si Margaux iyon, nakangiti itong nagpaletrato.

Inilapag ko na ito muli at kinuha ang nakataob na picture frame. Nahintakutang nabitawan ko ito.

"A-anong..."

"TANYA!"

---

What do you think guys? Ano ang nakita ni Tanya?

Comment down!!!

Dark's Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon