"WHAT IS HAPPENING TO HER?" Dali daling pumasok sa isang silid ang lalaki habang namumula ang buong mukha, halatang stress na ito at hindi maipaliwanag ang gagawin.
"Calm down."
Napaarko ang kilay nito at nanlilisik na tiningnan ang lalaking nasa harapan nito.
"CALM DOWN? LOOK, I DON'T HAVE TIME TO THAT CRAZY BITCH! INUUBOS NIYA ANG ORAS KO! MIGHT AS WELL DALHIN MO NALANG SAAKIN ANG BATA!"
Napatayo bigla ang babaeng nasa may isang upuan sa gilid ng silid. "No! You can't hurt her!"
"What can I do? That crazy woman just can't talk to me, she's creepy! Halimaw ata ang isang yon! She spooked the hell out of me!"
"No! Not the kid, napag-usapan na ito diba? Dad?"
The man on suit just stand up. "Enough, hanapin nalang natin ang paslit."
Ngumisi ang lalaki, mukhang mapapabilis na ang lahat.
Ang katotohanan ay ang bata ang gusto niya simula palang, halo ang dugo nito, at mas mapapabilis ang lahat ng plano niya.
"DAD! YOU CAN'T DO THAT! SHE'S..."
"WHAT? ANO SIYA?!"
Dumagundong ang boses ng lalaking naka tuxedo. Kumuha ito ng baso at nagsalin ng whiskey at ininom ito. "This is the plan for common good anak, she can't cooperate? Might us well use her kid."
Nanghihinang napaupo ang babae pero nang maalala niya ang kaganapan kanina ay nabuhayan siya ng loob. Tumahimik nalang ito sa pagkakaupo at yumuko.
She's praying that everything will set smoothly, she pray that her agony will be gone.
---
TANYA
Nagising ako na nakahiga. Liwanag ang sumalubong saakin. Pagkatapos mag-adjust ng mata ko sa liwanang ay dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga.
Hindi na ako nakatali at wala ring bantay. Nasa isang maliit na silid ako, sa tingin ko ay lab ang istilo ng kwarto. Ang pinto'y nakasarado at alam ko na kahit anong gawin ko walang mag-aaksaya ng panahon na makinig sa mga sigaw ko.
Kanina, nawalan ako ng malay habang sana ay tatanungin na ako ng pesteng doktor na yon!
Kahit naman gising ako, wala itong mapipiga saaking impormasyon. Napabuntong hininga na lamang ako.
Sana ayos lang silang dalawa, sana nasa mabuting kamay ang anak ko...
"Tanya huy!" Napatingin ako sa pinto ngunit walang makitang kahit anino ng tao.
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...