TANYA
"ANONG sabi mo?" Tanong kong muli kay Darkus.
Hindi ako makapaniwala! Paanong...
"Hush my love." Hinaplos nito ang aking kamay at tumitig sa mga mata ko. "Sinabi ko naman sayo diba? Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."
Napatingin ako sa mga tao sa kwartong ito. "Ahhhhh aalis na kame muna, mag-usap muna kayo dyan."
Dali dali silang nagsipag-alisan hanggang kami nalang ni Dark ang naiwan.
"B-bakit? Wala na ba talagang ibang paraan?" Naluluha kong tanong sakanya.
Napatayo sya at tumingin sa labas, "wala ng ibang paraan, mamamatay ka kung hindi kita ginawang kagaya ko. Akala mo ba ay ginusto ko yon?"
Alam ko, alam kong prinotektahan nya lang ako, pero paano na? Paano na ako makakabalik saamin?
Lumakad sya muli palapit saakin at umupo sa kama na kinahihigaan ko ngayon. "Makakauwi ka pa din, makikita mo parin sila pero hindi na katulad ng dati, hindi mo na sila pwedeng makasalamuha."
"Pero bakit? Sinabi mo ng pwede pero hindi pala ako pwedeng lumapit sakanila?"
"Indintihin mo ang kalagayan mo, hindi ka na normal Tanya, bampira ka na!"
Napaiyak ako lalo. "Dahil sayo! Hindi ko alam, bakit ba ganito ang sinapit ko, sabihin mo nga sakin, may ginawa ka ba sakin? Bakit ba ang bilis kitang mahalin? Bakit ang bilis ng pangyayari ha?"
Napatingin ito saakin, nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at ang lungkot.
"Dahil para ka talaga saakin tanya, simula palang ay saakin ka na, kaya wag mong kwestyunin ang pagmamahal ko sayo at ang pagmamahal mo sakin tanya, huwag na huwag."
Tumayo ito at lumabas ng kwarto at iniwan akong mag-isa. Hindi ko maiwasang mapaiyak. Gulong gulo ang isip ko, ano ba itong pinasok ko?
May mga bagay na hindi ko maipaliwanag, aware ako na sya ang kidnapper ko dati, alam ko yon, alam ko na masama sya pero lihim ko siyang hinintay dahil napaibig nya na ako noong una palang kaming magkita.
Pero hindi pa kayang tanggapin ng sistema ko na bampira na ako, na kaiba na ako sa mga kapamilya ko.
Bigla kong naisip, ano nalang iisipin ni Dad saakin, bigla akong umalis ng bahay, knowing tita Fantine, susulsulan nya si Dad para mapagbintangan akong ako ang pumatay kay Gab, ni hindi ko man lamang maipagtatanggol ang sarili ko.
Biglang bumukas ang pintuan at may isang babaeng hindi ko kilala ang pumasok.
"Hi." Sabi nito at lumapit sa isang sofa at umupo.
"Ako si Maria if you want to know my name hehe." Batang bata pa ang tingin ko dito, siguro 20 to 21 years old?
Kumamot ito sa ulo. "Ahm tao din ako katulad mo, asawa ako ng isa sa mga kaibigan ng asawa mo."
Tumango tango ako, hindi na ako tao, hindi na.
"Nagkakamali ka..." Sabi ko dito. "Hindi na ako tao, ahm ano ne-newly converted vampire ako."
Ngumiti ito saakin atsaka lumapit bago hinawakan ang kamay ko. "Nako! Hindi pa naman super vampire, ang OA talaga magpaliwanag si kuya Dark."
Napakunot ang noo ko. "Anong sabi mo? Kasasabi nya lang sakin."
"Ahm medyo vampire? Sabi kasi sakin ni Dyo kinagat ka lang ni Dark para mawala ang sumpa nung gumawa sayo non, yung husband ko kasi ang sumusuri sayo, so yung virus ng kagat sayo ni Dark is only for the curse, not for the vampire convert thing, also siguro hindi naipaliwang ni Dyo ang lahat, kasi naman yang asawa mo parang pagbabantay nalang sayo ang inatupag, ni makinig sa Reyna hindi magawa." Litanya nito.
Nakahinga ako ng maluwag, tao pa ako, salamat sa panginoo pero...
Sabi sakin ng nagsumpa sakin naalala ko
"Hindi mo maiintindihan ngunit kung maisagawa ang plano, mas magiging masaya ang laro diba?"
"Anong laro? Ano bang pinagsasasabi mo? Tigilan mo na ako!!"
"Hindi maari, kailangang maisagawa ang plano, kailangan."
Kailangan kong maging bampira para saan? "Alam mo, kung ako sayo kausapin mo na si kuya Dark, mabait naman yon, and also nag-aalala lang siguro sayo. Hmm baka nag-uusap na sila ng asawa ko, anyway, magpagaling ka, inaarange na nila kuya Lex ang meeting nyo with the judiciary council, interview lang yon don't worry at don't panic, if ever na may hidden agenda ang mga natatandang yon, syempre rerescue na kami."
Nagkwentuhan pa kami ng sandali bago sya lumabas sa kwarto ko.
---
Ilang oras din bago ako nakaisip na lumabas ng kwarto. Hindi parin kasi nagpaoakira si Dark saakin kaya naman naisipan ko ng lumabas.
Masakit parin ang katawan ko lalo na ang parteng leeg which I think na kinagat nya.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at tumambad saakin ang mahabang pasilyo. Nag lakad lakad ako bago ako makakita ng isang tao or bampira?
"Hi, nasaan kaya si Dark? Nakita nyo ba sya?" Tanong ko sa isang grupo ng sa tinggin ko helpers ng malaking bahay na ito.
"Ay opo madam, si Senior Dark po ay nasa hardin, kung gusto nyo po pasasamahan namin kayo sa isang katulong."
"Mabuti pa nga at baka maligaw ako." Sabi ko.
Sumama sakin ang isang babae at sinimulan na namin ang aming paglalakad. Malayo ang nilakad namin, maraming paintings ang nasa palasyo siguro ito bago kami makarating sa sinasabing hardin. "Nandito na po tayo madam, maiwan ko na po kayo." Yumukod ito at daglian na din akong iniwan ng helper.
Napakaganda ng hardin, sinadyang pagandahin at pagmukhain para kang nasa isang mini forest, nakakamangha ang mga tanim.
Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko si Darkus, nakatayo ito at nakasulyap sa isang itim na roses, tulala at parang may iniisip.
"Darkus..." Mahinang sabi ko. Tumalima naman ito at daliaang lumapit saakin.
"Bakit ka lumabas? Baka sumama muli ang pakiramdam mo!"
Halatang nag-aalala ito kaya hinaplos ko ang kanyang mukha at nginutian ito. "Mabuti na ang pakiramdam ko, wag ka ng mag-alala."
"Pero..."
"Shhh... Okay na ako, naiintindihan mo ba?" Tumango tango nalang ito at niyakap ako.
"Nga pala, kanina..." Pinigil ko ang pagsasalita nito.
"Alam ko na, ikaw naman kasi, hindi ka nakikipag-usap ng maayos doon sa doctor ata yon."
Napangiti ito. "Wala eh, ikaw lang ang pokus ng isipan ko, and besides yun ang sinasabi sakin ng iba so therefore I conclude, you are now a vampire."
Napakamot ito sa ulo at maya maya pa ay sabay kaming tumawa...
"HAHAHAHAAHHAHAHAHA"
---
"Papa, si Mama ba ayaw parin akong makita?" May boses akong naririnig, munting tinig na hindi ko mawari.
"No, just let mama sleeps then after that, after a long journey, she will be awake alright?" Pamilyar ang boses nya, teka...
"Okay Papa, just make sure alright? I already miss her."
"I miss her too, believed me."
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampireSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...