TANYA
"SO ANO TO? STOP NA ANG PARTY? COME ON GUYS!"
Napatingin ang lahat kay Queency, may hawak itong wine glass na wala ng laman, surely ininom niya na ito. "That scene was so dramatic that It makes me want to puke, come on, birthday ito ng pinakamaganda kong pamangkin---oh well siya lang naman pamangkin ko, but anyway, it should be a happy day right?"
Napabuntong hininga ako, unang birthday ito ni Lesley na kasama ako simula nang makaisip siya pero heto ako at siya pang gumulo dito.
Ibinaba ko si Lesley and I stood up then clap my hands, "PLAY THE MUSIC! LET'S CELEBRATE!"
"Darling..."
Nagsimula na ulit ang pagpapatugtog, hinarap ko si Darkus at ngumiti. "Birthday ito ng anak natin, it should be a happy day."
He just hold my left hand and squeeze it a bit then smiled at me. "Yes, it should be a happy day." I smiled at him in return.
Inalis ko muna sa isipan ko ang mga naganap kani-kanina lamang, dapat ay maging masaya ako para masaya din ang kalabasan ng natitira pang oras sa birthday party na ito.
Lesley just run away from us at nagtungo sa mga anak din ng mga kaibigan ni Darkus. We are just looking at her ng biglang napukaw ng aming atensyon si Queency dahil bigla itong umimik sa mic. "Ladies and Gentlemen..." Halatang tipsy na ang boses nito, ni hindi na nga makatayo ng ayos ang isang yon.
Agad naman itong nilapitan ni Lex at inalalayan. Bumaling bigla si Queency dito, "YOU... OUT!" Napailing nalang ako, siguro may past sila? Sa tono palang ni Queency ay iba na ang hugot at labas ng hangin sa ilong nito.
Napatawa ang marami saamin. Dahil din sa eksena na iyon, nawala na ng tuluyan sa isip ko ang nangyari kanina.
---
IT'S bright outside kahit na gabi na, bilog na bilog kasi ang buwan ngayong gabi.
I am now currently at our room, nakatanaw ako dito sa may veranda sa buwan. Kanina pa natapos ang party, around 6 pm ito natapos. Nagsipag uwian na din naman ang mga bisita. Ang tanging nandito na lamang ay si Queency, nandoon ito sa kwarto ni Lesley, natutulog na siguro dahil medyo nalasing ito.
Nagulat ako ng may biglang yumakap saakin sa likuran. "Hey." He said and nuzzle his nose onto my neck.
Hinarap ko ito at pinalo sa may braso. "Bwisit ka! Nagulat ako sayo!"
He just chuckled. "Sorry Darling..."
Napansin ko ang biglang pagseryoso ng tingin nito saakin. Napabuntong hininga ako, I knew it, iniisip siguro nito ang nangyari kanina.
"Tell me, ano ang alam mo." I look at him into his eyes, that dark eyes na pag tiningnan mo, you have no choice but to look at it all day, para ka nitong hinihigop.
Kumalas ito ng yakap saakin at pumasok na sa loob. Sinundan ko naman ito. "Huy! Dali na, paliwanag mo na."
Umupo ito sa upuan malapit sa bed, habang ako naman ay umupo sa may kama namin. "Ano ba gusto mong malaman?"
"Lahat? Deserve ko naman ng explanation diba?"
Tumango ito. "Yeah."
"So ano na nga?"
He stood up at nagpunta nagpunta sa malapit sa veranda. Ang liwanag na galing sa sikat ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag ngayon sa buong silid.
"Your father..." Panimula nito, "isa siya sa mga tao sa gobyerno na tinutugis ang lahi namin, I don't know the intention but still, siya ang humahawak sa grupo ng mga vampire hunters sa buong San Vicente---"
"---when I mean San Vicente, ang buong lalawigan ito, meaning, malawak ang sakop ng grupo ng ama mo. I know he knew about the peace talks, kaya nga siguro mga bampira lang ang tinutugis nila at hindi mga lobo..."
"It was good at first, mga rouge vampire lang ang pinapaslang nila, sakit sa ulo ng kaharian, pero for the past few months, pati inosenteng bampira, kasali na sa hunting."
Nakikinig lamang ako sa mga kwento ni Darkus. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa nga inosenteng bampirang napaslang, wala naman silang ginagawang masama. Somehow, concern na ako sa buong lahi ng mga bampira.
"Because of that, pinadala ako ng kaharian sa San Vicente, kaya naman nasangat ko ang pagdalaw ko sayo sa Barrio Maligaya. I am just investigating, and also flirting with you when you decided na umuwi muna sa mansyon ng gobernador. It wasn't a nice move. Napaslang ko tuloy ang hilaw mong kapatid."
"Never in my plans na patayin ko ang kapatid mo, but he knew me, how the hell he knew me? Then I remember, he is the son of the governor, so I think he knew about the hunting..."
"I talked to him, pinatuga ko siya, pero patayin ko nalang daw siya, kung hindi ko siya papatayin, he will spill it to his father, na kilala kita, baka daw sakaling gawin ka pang pa-in saamin, lalo na saakin."
Nakita ko ang pagyukom ng kamao nito. "That bastard, sinagad niya ang pasensiya ko that is why I killed him with my own hands, and I'm so sorry for that." Hinarap ako nito and just like the wind, nandito na agad siya sa harapan ko.
Lumuhod ito at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry."
Pinalo ko naman ang braso nito. "Tumayo ka nga diyan!" Tumayo ako at pinatayo ko din siya, sumunod naman agad ang loko. Hinarap ko ito. "I told you tanggap ko na, and I forgave you, but it was a wrong move, hindi mo na pwedeng ulitin."
He smiled at me, and caress my cheeks. "Okay, okay."
Pinagkrus ko naman ang aking braso, "umupo ka diyan at ipagpatuloy mo na ang kwento."
Sumunod naman ito saakin. Pagkatapos ay umupo narin ako. Nakaupo kami parehas ngayon sa kama.
"So, next?"
Napatawa ito. "Alright...
After that, nagpasiya akong magpanggap na pulis, little did I know, alam na niya na ako si Darkus Weinton, pangatlo sa konseho ng kaharian ng mga bampira. Alam na din ng ama mo na magkakilala tayo, I can't fool him, hindi ko din siya ma-hypnotise sa di malamang dahilan."
"Doon na natapos iyon, and then bumalik nanaman ang grupo namin sa San Vicente after na magkaayos tayo, dahil mas dumadami na ang mga hunters, you remember lagi akong wala noong mga nakaraan diba?"
Tumango ako, lagi nga siyang wala noong mga nakaraan, ito pala ang inaatupag nito.
"Noon ko din nadiskubre na you are under surveillance, nalaman nila na may anak tayo, kaya nga nanghiram pa ako ng bantay sa kaharian para magbantay sa paligid natin, na salamat naman at hindi mo napapansin."
Huh? May nagbabantay saamin?
"That's it, iyon palang yon, wala pa kaming plano but the Queen said na makikipag communicate ulit siya sa mga opisyal sa gobyerno na nakausap na nila noon pa for peace talks. We don't know what will happen, hopefully, not a war between humans and vampires."
Napahinga ako ng malalim. Seryoso ang problema ngayon ng kaharian dahil sa ama ko. At isa pa may banta si Dad tungkol sa pagpatay sa lahi nila.
Napayuko ako. "I'm sorry, sorry sa ginagawa ngayon ng pamilya ko."
Agaran naman na lumapit saakin si Darkus at hinila ako sa bisig niya. "Shhhhhh, hush now my love, wala kang kasalanan, it is not within your scope baby."
Sumandig na lamang ako sa dibdib nito. Sana naman ay hindi humantong sa isang gyera ang lahat, kung hindi, alam ko at alam ni Darkus ang maaring mangyari...
Maaaring mamatay ang ama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/61799164-288-k331879.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark's Mine
VampirSimple lang naman ang buhay ni Tanya Irah Acosta, masaya siya sa mga bagay na ginagawa niya, kahit na hindi siya marangya. Lumaki man sa mayamang ama, nakuntento na si Tanya sa mga simpleng bagay sa paligid niya. Pero iba parin talaga ang tinitibok...