KABANATA 3

65 12 0
                                    

Kabanata 3

Dress

--

Magkaklase kami ni James sa unang klase. James is my friend. High school palang palagi na kaming magkasama at ngayong college na, ganon pa rin.

Wala akong mga pinsan kaya wala rin akong nakakasamang iba palagi. I have a younger sister but sadly, she died, two years ago.

She's a very sweet girl. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya. Palagi kaming magkasama noon. Kapag may hindi sya naiintindihan sa assignments nya, tinuturuan ko sya. Minsan ako rin ang gumagawa ng projects nya kapag nahihirapan sya. Hinahatid sundo ko rin sya sa school.

She's always there whenever I'm sad or whenever I have a problem. She's very sweet. Kaya sobrang sakit para sa amin nung nawala sya.

My Mom and Dad can't still accept it but they are okay now. Ganon rin ako. Matagal ko nang tinanggap ang pagkawala nya at matagal ko na rin syang pinakawalan. That hurts me but I know I have to accept that she is really gone.

I miss her. Siguro matagal pa kaming magkikita at magkakasama ulit pero alam kong magkikita ulit kami... balang araw.

Sinundan ko ng tingin si Bella na biglang sumulpot sa may puntuan ng classroom namin. My eyes widened slightly. Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako kapag ginagawa nya ang paglalaho at pagsulpot sulpot sa kung saan saan.

Can't she stop doing that? I feel like my heart will explode because of shock!

Tumikhim ako at tumalim ang tingin kay Bella. She turned to me once and just smiled before walking towards James who was just in front of me. Matamis ang kanyang ngiti habang nilalapitan si James.

The whole classroom was quiet and everyone was listening to the professor. Ako hindi na ako nakapag focus dahil sa pakalat kalat na si Bella. Lalo na dahil nilapitan nya si James.

Kumunot ang noo ko nang bahagya syang yumuko at pinatong ang dalawang siko sa table ni James. Dalawang kamay ang kanyang ginamit para pumangalumbaba at tinitigan si James habang may matamis na ngiti pa rin sa labi.

Bahagyang umawang ang labi ko sa pagkamangha. Mas lalo akong hindi nakapag focus sa sinasabi ng professor! What the heck is she doing?

"Ang gwapo mo talaga... Sayang hindi mo ako nakikita..." si Bella at bahagya pang hinawak hawakan ang pisngi ni James.

James moved and scratched his cheek as if he felt what Bella did. But he just ignored it and still listened seriously to the professor.

Mas lalong tumalim ang tingin ko kay Bella.

"Sayang rin at may girlfriend ka na..." nakanguso nyang sinabi. "Wala akong magagawa kundi pakawalan ka kasi hindi naman ako mang aagaw. Kahit sobrang gwapo mo, hindi pa rin ako papatol sa isang lalaking pagmamay ari na ng iba..."

Tss. Mabuti naman kung ganon. Akala ko mas lalo pa syang magiging makulit rito sa school. Mabuti nalang may girlfriend na si James.

"Mr. Buenavista, are you listening?" Anang professor.

Agad akong napatingin sa kanya. Mukhang napansin nya ang matalim kong titig sa ibang bagay. Tumikhim ako at umayos ng upo. Napatingin sa akin si Bella at James.

"Yes, Sir," sagot ko.

Hindi naman yon ginawang big deal ng professor at bumalik lang sa pagtuturo. Nilingon ko ulit si Bella na bumalik naman sa pagtitig kay James. I can't believe it. Akala ko ba hindi sya pumapatol sa lalaking may pagmamay ari na ng iba? Bakit nandyan pa rin sya?

Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon