KABANATA 19

36 7 0
                                    

Kabanata 19


Wound


--


Bella was still irritated with me even when she started watering the plants. Kampante ako na walang makakakita sa amin dahil nasa loob ng bahay lang naman ang mga kasambahay. They don’t often go to the back of the house. Madalas ay naglilinis lang sila sa loob.


Bella said the hose won't be invisible once she touches it. So our househelps will surely run away in fear when they see the hose floating.


"Akala ko ba gusto mo ring magdilig? Manonood ka lang, eh," si Bella.


Kanina ko pa sya pinapanood. Nakaupo ako sa table, may pagkain na sa lamesa dahil iyon ang gusto nya. Baka daw kasi bigla syang magutom kaya mabuti na yung handa. Pero sa tingin ko palagi naman syang gutom. Kanina pa sya pabalik balik rito sa table para lang kumuha ng mga tinapay tapos babalik sa pwesto nya para magdilig.


"There's only one hose. Paano ako makakapag dilig kung ikaw lang ang gumagamit?" Sabi ko.

Umirap sya. "Sinungaling. Gusto mo lang manood, eh."


Ngumisi ako. Hindi na sya nagsalita at inirapan nalang ako. She continued to water the plants. She watered everything there, flowers, leaves, trees. Obviously she's not used to do things like this but she does it well.


"Pagkatapos ko itong diligan ikaw naman," anya at diniligan ang isang bulaklak roon.


Ngumuso ako. Wala akong magagawa kundi ang sumang ayon. Iyon naman ang ginawa kong dahilan para makasama sa kanya rito.


"Ikaw naman!"


Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakahanda na ang hose sa kanyang kamay para sa akin. I took it and she immediately went to the table. Kumuha sya ng cookies at kumain tapos tumingin sa akin. Winagayway nya ang kanyang kamay para sabihin na magdilig na ako.


Tss. Tumalikod ako at diniligan nalang ang mga halamang hindi nya pa nadiligan. Ni hindi pa nga ako sigurado kung hindi nya pa nga ba iyon nadidiligan. Sya kasi ang pinapanood ko at hindi ang halaman kanina.


"Madalas ka bang magdilig?" Tanong ni Bella sa kalagitnaan ng pagdidilig ko.

"Minsan lang."

"Kapag?"

"Kapag niyayaya ni Mama."

Tumango tango sya. "But you seemed used to it. Do you have anything you haven't done yet?"


Nilingon ko sya. Mukhang hindi na sya iritado sa akin ngayon. Medyo gumaan na ang ekspresyon nya sa akin. She raised an eyebrow and waited for me to say something.


Nagkibit ako ng balikat. "I'm not sure."

"Mmm," sandali syang nag isip. "You already know how to cook. Do you know how to do laundry?"

"Of course."

"Maglinis ng bahay?"

"Of course, Bella."

"Eh, magswimming?"

"Medyo."

"Oh! Mag basketball?"


Hindi agad ako nakasagot dahil naalala ko iyong panonood nya ng basketball sa school. Yung sinundo ko pa sya dahil uuwi na. I remember how irritated I was then. Now I seem to know the reason.


"I know how to play but that's not my passion," mariin kong sinabi.

"Oh? Naglalaro ka ng ganon dati?" Parang naging interesado sya.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon