KABANATA 25

33 7 0
                                    

Kabanata 25

Gusto

--

We arrived safely in Palawan. Pagkababa palang ng eroplano ay sumakay na kami sa van na naghihintay sa amin. Pasulyap sulyap ako kay Bella na nakahalukipkip lang at nakatingin sa bintana. Kanina pa siya tahimik. But honestly, I didn't really expect her to talk to me anymore. I just sighed.

Malaki ang bahay namin dito sa Palawan. Ang likod ng bahay namin ay ang malawak na dagat ng Palawan. Tapos malalayo ang mga kapitbahay pero kahit ganon, nagkaroon pa rin ng mga kaibigan si Mama. She's friendly and sweet. Na kahit malayo ay pinuntahan niya ang mga bahay roon para lang makakilala ng mga tao.

Matagal na ang bahay namin na ito dito. Dad said, this is where my grandfather lived, who was also my father's Dad, with my grandmother who passed away earlier than my grandfather. Hindi pa daw ako nabubuhay nawala na sila pareho. So I never met them or saw them. But they have a lot of pictures at home so somehow I know what they look like.

Ibang iba talaga ang simoy ng hangin rito kesa doon sa Manila. Siguro dahil maraming puno at malapit pa kami aa dagat. Nakaka-miss ring pumunta rito. Nakakalungkot lang na hindi na namin kasama ang kapatid ko.

"Nandito na kayo. Halika, pasok kayo," ani Rosita, ang mayordoma ng bahay namin na ito.

Pumasok kami habang kinuha naman ng ibang kasambahay ang mga gamit namin. Humalukipkip ako. Seryoso kong pinagmasdan ang mga bagong kasambahay sa amin. Taon taon ay may mga bagong kasambahay. Hindi na ako nagulat dahil matulungin talaga sa mga tao si Rosita. Kapag alam niyang walang wala ang tao, pagtatrabahuhin niya rito. Pero syempre ipagpapaalam niya muna iyon kina Mama at Papa.

"Naku! Ang gwapo gwapo na, Arthur! Parang kailan lang ay ang liit liit mo pa," si Rosita.

Pitong taon ang tanda ni Rosita kay Mama. She's like a second mother to me when I'm here. Bahagya akong ngumiti at tumango.

"Salamat, Rosita," sambit ko.

"Halika, nagpahanda ako ng pagkain para sainyo. Sigurado akong nagutom kayo sa byahe," anyaya niya.

We went inside. Nakasunod lang si Bella na nasa tabi ko. Hindi niya ako sinusulyapan. Nakatingin lang siya ng diretso sa dinadaanan at bahagyang nililibot ang mga mata sa bahay. Pero alam kong nakikita niya ang palagi kong pagsulyap.

"Hijo, ito nga pala ang ibang mga bagong kasambahay rito sa mansyon. Si Kate Bianca at Finn. Kilala na sila ng Mommy at Daddy po," pakilala ni Rosita.

Nasa kusina na kami at nandoon ang tatlong babaeng pinakilala sa akin ni Rosita. Mukha lang silang mga bata. Maybe just my age or younger than me.

"Kate, Bianca at Finn, siya ang Sir Arthur niyo, anak ni Ma'am Bernadette at Sir Arturo."

"Magandang tanghali po, Sir..." nakayuko nilang bati. Their cheeks turned red.

"Good afternoon," pormal ko ring bati at naupo na sa harap ng hapag.

"Mabuti naman at maayos lang kayo rito. Kapag may kailangan kayo, wag na wag kayong mahihiyang lumapit sa amin," si Mama at ngumiti sa tatlo.

"Salamat po, Ma'am..."

Nagsimula kaming kumain. Naupo si Bella sa pinaka dulo kung saan walang tao, hindi siya tumabi sa akin kahit wala namang tao sa tabi ko. Pang walong tao ang malaking table. Nasa kabisera si Papa habang magkaharap naman kami ni Mama. Nasa pinaka dulo si Bella.

I sighed heavily and just started eating.

I turned to Bella after a while. Nag uusap na si Mama at Papa tungkol sa gagawin nilang paglilibot mamaya at balak pa nila akong sumama. Pumayag ako dahil alam kong gustong maglibot ni Bella rito.

Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon