Hi, Stars! Ito na po ang wakas ng napaka hiwaga kong istorya. Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at magbabasa pa lamang. This is another achievement for me. As a fourteen year old, I'm not that good at writing yet, so I'm sorry for the bad scenes. But I will do everything to improve and make the story I write even better. Again, thank you very much. Enjoy the last chapter!
Wakas
--
"Wow! These are so beautiful!" Sabi ko habang namamanghang tinignan ang mga damit ni Wynter.
"Thanks! Those are from my Mom and Dad. Alam kasi nila na mahilig ako sa magagandang damit kaya iyan! Bilihan nila ako ng maraming trendy na damit," she smiled.
"These are so beautiful. I wish I can wear it," mapait kong sinabi.
"You can! This. Try this," kumuha siya ng isang puting dress roon at binigay sa akin.
"No. I don't think I can wear that. Alam mo naman iyon, diba?"
Ngumuso siya. "Malay mo masuot mo?"
"What if someone sees me? They might run when they see a floating dress."
Ngumiti siya at tinapat sa akin ang dress na para bang sinusukat niya sa akin iyon. Yumuko rin ako para makita. Nilingon ko ang salamin at halos mapangiti ako nang nakitang bagay iyon sa akin kaya lang napapangunahan ako ng bitterness dahil alam kong hindi ko talaga masusuot iyon.
"Bagay sayo, oh! Try mo lang. Wala namang makakakita sayo rito. Tayong dalawa lang ang nandito, oh! Tsaka kakatok naman si Mama o Papa kapag papasok sila," ani Wynter.
Nabuhayan ako sa sinabi niya. Oo nga, noh? Bakit hindi ko naisip iyon? Oh my gosh! So I can wear this? Sige na nga!
Sumang ayon ako kay Wynter at masayang masaya naman siya. Nakangiti ako habang sinusuot ko ang dress at nang lumabas, mas lalong lumapad ang ngiti nang nakita ang panlalaki ng mga mata ni Wynter dahil sa pagkamangha.
"Wow! You're so gorgeous! You can be a model, ate Isabella!" Anya.
I laughed and turned around to show her that the dress really suited me. My gosh! Ngayon lang ako nakasuot ng ibang damit. O sabihin nating ngayon lang ako nakapili ng gusto kong damit. Sa libro kasi kung saan ako nakatira, hindi ko mapili ang mga gusto ko.
"Ang ganda mo, ate!" Papuri pa rin ni Wynter at namamangha akong pinagmasdan.
I chuckled. "Baka ma-in love ka sa akin nyan, ah?" I joked.
She laughed at that. Lumabas kami ng walk in closet niya at tinignan ang sarili ko sa mas malaki pang salamin. I smiled broadly because the dress really suited me! Oh my gosh!
"Wynter--"
"Kuya!!" Napasigaw si Wynter na nakapag patalon sa akin sa gulat.
"What?" Anang Kuya niya nang tumakbo si Wynter para pigilan siya sa pagbukas ng pintuan.
My eyes widened and didn’t know where I would hide. Bigla akong nataranta! Yung damit ko! Baka makita niya ang lumulutang na damit!
"Kuya, sandali lang!" Sinenyasan ako ni Wynter na magtago pero hindi ko alam saan ako pupunta sa taranta!
"What's wrong? Open this, Wynter," malaking boses ng Kuya niya.
"S-Sandali lang, Kuya! N-Nakahubad ako!"
"Tss. I can see your dress here outside. Anong tinatago mo, huh?"
Sinenyas ni Wynter na magtungo ako sa walk in closet gamit ang kamay niya. Muntik ko nang mabatukan ang sarili ko na may walk in closet nga pala! Ngunit patakbo palang ako roon ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang Kuya niyang hindi ko pa alam ang pangalan! Nanlaki ang mga mata ko, ganon rin si Wynter!
BINABASA MO ANG
Magical Love (Book One)
Fantasy[COMPLETED] "Dalawang mundo, iisang pag ibig. Dalawang tao, mahiwagang pag ibig..." -- Date started: February 6 2021 Date finished: March 20 2021 -- Jhelly_star