Kabanata 6
Comfortable
--
Masyadong malaki at malawak ang bundok na natagalan kami sa paglalakad lakad. Bella was amazed at everything she saw. Nakapunta na daw sya dito noon pero mamamangha pa rin sya. I can't blame her because the place is really beautiful.
"What are we gonna do after this?" Walang kapagurang tanong ni Bella habang kumakain kami ng tanghalian.
Kumain muna kami sa maliit na karinderya rito sa bundok. Maraming tao ang kumakain kaya hindi ko sya magawang sagutin. Alam nya naman iyon kaya ngumisi nalang sya at nagpatuloy sa pagkain.
I didn't know that she still wanted to go somewhere else after this. Akala ko uuwi na kami. Ako gusto ko mang umuwi na ngayon, ayoko dahil siguradong kukulitin lang ako ni Bella sa bahay. Kaya sa ngayon pagbibigyan ko mun sya. Sa susunod hindi na ito mauulit.
"Wala ka bang girlfriend?" Bella suddenly asked.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at kumunot ang noo.
She smirked evilly. "Wala? Ang lonely mo naman pala kung ganon? Puro pag aaral lang ang inaatupag? Boring."
Tss. Matalim ko syang tinignan.
"Alam mo ba sa libro, binase talaga ng anghel ang totoong pagkatao ko sa personality ko sa libro. Marami akong nagiging boyfriend! Ganon ang mga gusto ko kaya tuwang tuwa ako na ganon rin ang personality ko sa libro! Tapos ikaw? Wala ka manlang girlfriend samantalang ikaw ang lalaki sa ating dalawa? Boring talaga!"
Kung makakapag salita lang ako ngayon, kanina ko pa sya pinatulan. Tss. So what if I don't have a girlfriend? Is that still necessary? Bakit? Hindi na ba ako mabubuhay kapag hindi nagka girlfriend? Tss.
Masama na ang tingin ko sa kanya kaya ngumiti sya at tumigil na sa pagsasalita. Ang pagkain nyang siguradong invisible na sa paningin ng iba ay mauubos na ngayon samantalang nangangalahati palang ako.
"Mahirap mag order kaya tama na yan," inunahan ko agad sya nang tumingin sya sa akin nang naubos ang pagkain nya.
Umirap sya. "Bakit naman mahirap? You're just going to order!"
Naglalaho ang mga bagay na hinahawakan nya. Pero hindi lahat. Ang pagkain lang, damit kapag sinusuot nya at mga gamit para sa pagkain. Ngayon kung mag oorder ulit ako para sa kanya, baka bigla nalang magtakbuhan ang mga tao rito kapag hinawakan ni Bella ang pagkain.
Kanina dinala ko sa may banyo ang pagkain at doon ko binigay sa kanya. How ridiculous, right? Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito sa kanya. Ang alam ko lang ayaw ko nang kinukulit nya ako kapag nasa bahay na. Kaya mas mabuting pagbigyan na ngayon para sa susunod hindi na ako magulo.
Bella frowned and leaned back in her chair. I continued eating. Mabilis lang akong natapos at pagkatapos noon ay umalis na kami. Naglibot pa sya sa huling pagkakataon bago kami umalis. Nagbago na daw ang isip nya at gusto na nyang umuwi para makapag pahinga na. Pagod na pagod sya sa araw na ito.
That's why she immediately lay down on the sofa when we got home. She didn't even think of the dress she was wearing. Pinagpag nya lang ang paa nya para mahulog ang kanyang sapatos tapos tumihaya na ng higa. Pagod na pagod nga.
"Matutulog na ako, ah! Wag mo akong istorbohin!" Nagawa nya pang sabihin bago matulog.
The edge of my lips rose. Umiling ako. I went to my walk in closet to change my clothes at nang lumabas nilingon si Bella. Mahimbing na syang natutulog habang nakatalikod pa rin sa akin. Nakaharap sya sa sandalan ng sofa.
BINABASA MO ANG
Magical Love (Book One)
Fantasy[COMPLETED] "Dalawang mundo, iisang pag ibig. Dalawang tao, mahiwagang pag ibig..." -- Date started: February 6 2021 Date finished: March 20 2021 -- Jhelly_star