KABANATA 4

51 12 0
                                    

Kabanata 4


Play


--


"Arthur! Wake up!" Umagang umaga naririnig ko ang maingay na boses ni Bella.


Kinunot ko ang aking noo at tumagilid ng higa, ayaw pang bumangon. Sobra akong napuyat kaka aral kagabi at ngayong sabado lang ako makakapag pahinga ng matagal. Pero iniistorbo pa ako ng isang to?


"Arthur! Nangangati na ako sa damit ko! Bilhan mo na ako ng dress!"


I tsked. Iritado akong bumangon at napilitan pang idilat ang mga mata. Nilingon ko sya na nasa kama ang dalawang tuhod. Nakaluhod sya habang ginigising ako rito.


"What?" Inis kong tanong.

"I can't sleep because of my clothes anymore. It's so itchy and feeling ko ang lagkit lagkit ko na!" Anya na parang diring diri na sya sa sarili nya.


Iritado akong bumuntong hininga. Nilingon ko ang bintana kong nakabukas na ngayon pero hindi pa ganon kaliwanag sa labas. Nilingon ko si Bella, matalim ang tingin. Naintindihan nya agad ang mood ko.


"I'm sorry, okay? Nangangati na kasi talaga ako. I cannot stand this dress of mine anymore! Nagising na nga ako ng wala sa oras dahil nangangati na talaga ako. Kaya sige na. Get up!" Anya pagkatapos umalis sa kama at umayos ng tayo.

"You know what? Hindi naman dapat kita tinutulungan, eh. You were the one who suddenly appeared here and I guess you were here on purpose so why I'm the one who's responsible for you?"

Ngumuso sya. "Wala nga kasi akong pera. Paano ko bubuhayin ang sarili ko?"

"Then work. Don't always rely on me because I also have no money. I'm still studying."

"Sorry na. Dress lang naman, eh. Hindi ka ba naaawa sa akin? Tingnan mo itong damit ko, oh... Ang tagal tagal ko nang suot."


I sighed frustratingly. Umalis ako sa kama at hindi na nagsalita. I have some money but I have no intention of using it just for her. I have something even more important to use with that money.


Naligo at nag ayos ako sa banyo bago lumabas. Bella was sitting on my bed reading one of my books. Nagdere deretso ako ng lakad kahit alam kong nag angat sya ng tingin sa akin. He quickly followed me when she saw me heading to the door.


"Bibili na ba tayo? Saan? Sa mall?" Sunod sunod nyang tanong.


I didn't answer and just continued walking. I left my room and went to the nearby room. Kwarto iyon ng kapatid ko. Ang alam ko hindi pa tinatapon ni Mama ang mga damit nya pero hindi ako sigurado. Sana hindi pa para hindi na ako gumastos sa babaeng ito.


I went into her room and Bella followed me. Medyo naging mabagal ang paglalakad nya. When I turned to look at her I saw her walking slowly and looking at every corner of the room.


"This is your... sister's room... right?" She asked slowly.

Humarap ako sa kanya. "How did you know?"

Napatingin agad sya sa akin. "U-Uh... nakita ko sa mga pictures!" Tinuro nya ang mga picture sa table ng kapatid ko. "I assumed that's your sister dahil... medyo magkamukha kayo at... mukhang close sa isa't isa."


Marami nga kaming pictures ng kapatid ko rito sa kwarto nya. Hindi pa nga tinatapon ni Mama ang lahat ng nandito kaya siguradong nandito pa rin ang mga damit.


"Ipapahiram mo ba sa akin ang mga damit nya?"


Nagtaas ako ng isang kilay kay Bella. Ano pa nga ba? Kaya nga tayo nandito.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon