KABANATA 7

40 8 0
                                    

Kabanata 7


Annoying


--


"What?" Tanong ko kay Bella nang makalayo na kami sa maraming tao.

"I'm hungry. Hindi mo ba ako ibibili ng pagkain?"


Humalukipkip ako at tinitigan sya. She smiled sweetly as if her smile will make my annoyance with her disappear. Tss. Bakit ba kasi hindi sya magtrabaho? Palaging sa akin humihingi ng pera. Is she my daughter now or something? Pakiramdam ko maghihirap ako sa kanya.


"Sige na! Wag ka nang umangal. Mura lang naman ang pagkain, eh. Tsaka kaunti lang ako kumain!"

"At bakit ka naman kaunti kumain?" Hindi ko alam kung bakit tinanong ko iyon.

"I'm on a diet kasi! Kaya sige na! Hindi naman mabubutas ang bulsa mo sa kaunting pagkain!"

"Tss. Sige na, halika na. Diet diet..." naglakad ako palayo.

She chuckled and followed me. "Anong sabi mo?"


I didn't answer and just continued walking. We left school and went to a chowking restaurant. Bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa loob. I ordered the food she wanted and after that, we sat at a small table.


"I didn't expect that you will take me here! Akala ko sa karinderya mo lang ako pakakainin dahil sa kainisan mo sakin," anya.


Hindi ako nagsalita at matalim lang syang tinignan. Bakit? Gusto nya bang doon ko sya dalhin? Pwede naman. Kaya lang nakapag order na kami.


Ngumiti sya sa akin at bahagyang dumukwang para mapalapit ang mukha sa akin.


"Bakit ba ang sungit mo? Bad mood ka? May ibang gusto ba ang babaeng gusto mo?"


What?


Tinakpan nya ang bibig para tumawa. "Just kidding! Wala ka nga palang gustong babae. Pero bakit nga ba wala? Are you a gay?"


What the... Muntik na akong makapag salita sa sinabi nya. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko. Tumingin ako sa mga taong nasa paligid at nakitang tahimik lang naman silang kumakain kaya nakahinga ako ng maluwag. Matalim ko ulit na tinignan si Bella na tumatawa na ngayon.


"Just kidding again! Don't worry, I know you're a real man. Nerd nga lang."


What the hell? Humagalpak sya sa tawa. Kung nasa walang taong lugar lang kami, kanina ko pa sya nasigawan. Hindi ko alam kung bakit may mood na namang mang inis ang isang to. Kapag ako nakaganti, sya ang mapipikon, kita mo.


"Masyado kang seryoso! Syempre biro lang ulit! Pero totoo! Medyo nerd ka. Puro kasi pag aaral ang inaatupag!"


Tss. Inirapan ko sya at hindi pa rin nagsalita.


"Ang dami kong nakitang gwapo kanina! May mga basketball player pa na tagaktak ang pawis! Pero hindi ako nandidiri. Inamoy ko, ang bango!"


What the... Tumingin ako sa kanya at kunot noo syang tinignan.


"Sayang lang hindi ko sila makausap. Hindi rin nila makita ang kagandahan ko. Kung tao lang sana ako, baka may boyfriend na ako! The best talaga ang mga tao!"

"Tss. Stop it," hindi ko na napigilan.


Namilog ang mga mata nya at tumingin sa akin. Humagalpak sya sa tawa. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon