KABANATA 13

39 8 0
                                    

Kabanata 13


Bad Mood


--


Lumabas ako ng kusina at nagtungo sa sala kung nasaan ang mga bisita at sina Mama at Papa. Binati ako ng mag asawang Ocampo at ganon rin ang ginawa ko.


"Naku! Pasensya ka na, hijo, kung sobrang aga ng pagbisita namin. Talagang gusto ka lang naming bisitahin at mamaya may gagawin rin kami," ani tita Miranda.

"It's okay, tita. Upo po kayo," I smiled.


Umupo ang mag asawa pagkatapos akong kamayan. Ngayon si Nathalie Ocampo naman ang tumayo para makipag kamay rin sa akin.


"Nice to see you again, Arthur," she said sweetly and held out her hand.

"Nice to see you again too," I said politely and shook her hand.


Mabilis lang rin akong bumitaw at nilahad sa kanya ang upuan. Bahagyang napawi ang kanyang ngiti pero agad rin namang binalik at naupo na. Naupo na rin ako.


Nakaupo si Mama at Papa sa iisang sofa habang kaharap nila ang mag asawang Ocampo na nakaupo rin sa iisang sofa. Nasa single sofa naman si Nathalie at ganon rin ako, magkaharap kaming dalawa.


"Natutuwa ako na pina unlakan nyo ang kagustuhan naming bumisita kahit napaka busy ng schedule nyo. Don't worry, sandali lang naman kami," si tita Miranda.

"It's okay, Miranda. Hindi naman ganon ka-busy ang asawa ko," ngumiti si Mama.

"My wife really wants to introduce my daughter to Arthur. Is that okay with you, Arthur?" Si tito Angelo.

"Of course, tito," I said formally.


Ngumiti si Nathalie.


"That's great! Alam kong magkakilala na kayo ng anak ko pero gusto kong pormal na ipakilala sya sayo. This is my daughter, Nathalie Ocampo," tita Miranda said.

"I'm very glad to meet you, Arthur!" Muling naglahad ng kamay si Nathalie.


Tinanggap ko iyon at bahagyang ngumiti. Nagbitiw rin kami agad. Nakita ko ulit ang pagkakawala ng kanyang ngiti pero pilit rin na ibinalik.


"I heard you're taking Architecture?" Si tito Angelo sa akin.

"Yes, tito."

"That's good. We all expected that. Sino pa naman kasi ang pagmamanahan?" Bahagya syang tumawa.

Tumawa rin si Papa ng bahagya. "He's also the only one who will inherit the company that's why I'm happy that he also liked architecture."

"Our Nathalie is also pursuing architecture! Pagkakataon nga naman," bahagyang tumawa si tita Miranda.

"Oh, really, hija?" Si Mama.

Nathalie smiled shyly. "Opo, tita. I want to take the path he's also want to take."

"Oh! T-That's good!" Bahagyang nagulat roon si Mama at nilingon ako.


I just sighed.


"By the way, kumain na ba kayo? We already ate but we can offer you foods," pag iiba ng usapan ni Mama.

"Kumain na kami, Bernadette. Pero itong si Nathalie hindi pa kumakain. She said she wants to eat here. Sayang lang at tapos na pala kayong kumain," sambit ni tita Miranda.

"Ah, g-ganon ba? Meron pa naman kaming pagkain. Arthur, pwede mo bang samahan si Nathalie sa kusina?" Si Mama na bumaling sa akin.


What? Oh, man...


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon