Kabanata 11
Drunk
--
The bar was noisy, smoky and chaotic when we arrived. Kunot noo kong nilakad ang papasok hanggang sa nakita ko na ang gitna ng dance floor. Maraming sumasayaw roon. Ang sabi ni James nandito na daw sila ni Grace kasama ng iba pa naming kaklase.
"Whoo! Ang saya dito!" Si Bella sa tabi ko.
"Are you going to dance?" Tanong ko.
"Yup! Wala namang nakakakita sakin kaya hindi nila pagtatawanan itong damit na suot ko. Dress ito at halatang hindi pang bar..."
Umiling ako at naglakad na para hanapin sina James kahit hindi pa sya tapos magsalita. Ang daldal. Humabol agad sya sa akin at masama ang tingin.
"Hindi pa rin talaga nagbabago yang kasungitan mo! You asked me and then you will not let me finish speaking?"
"Hindi naman ako nagtanong tungkol sa damit mo."
"Ewan sayo!"
She really finds a way for us to fight. I just shook my head and continued walking. Nakasabay lang sya sa gilid ko habang pinagmamasdan ang mga nagsasayaw. She was amazed and obviously also wanted to dance.
Nahanap ko naman agad sina James. Sakop nila ang malaking u-shaped na upuan. Marami sila roon. Kilala ko ang iba dahil kaklase habang yung iba ay mukhang schoolmate namin.
"Arthur! Here!" A girl waved and offered the seat next to her.
"Dito ka nalang, Arthur!" Isa pa ulit na babae.
Humalakhak si James at tinaas ang basong hawak bilang pagbati sa akin. Binati rin ako ng mga kasama nya roon. Tumango lang ako.
I saw Bella go to the far end of the long chair. Maluwag na maluwag roon. Nakataas ang isang kilay nya habang umiirap irap. Kanina ang saya saya nya pero ngayon mukhang na-badtrip sa kung saan. Nilingon nya ako at nginuso ang katabing upuan kung saan katabi rin iyon ni Grace.
Naglakad ako palapit at umupo roon.
Humalakhak si James. "Ayaw mo sa tabi nila?"
Hindi ako sumagot. Grace grinned beside him while holding a glass of juice. Hindi sya pinapayagan ni James na uminom. Nakapulupot ang braso ni James sa kanya. I leaned back in my chair and crossed my arms.
"You're such a nerd, man! Don't tell me hindi ka rin iinom?"
Binigyan nya ako ng isang baso ng alak. Tinanggap ko iyon. Ngumisi sya dahil alam nyang iinom ako.
"Kaya ka hindi nagkaka girlfriend, eh," umiling sya.
"Wag mo nga syang pangunahan. Why are you so interested with his lovelife?" Si Grace.
Ngumisi ako. Ngumuso naman si James at hindi na nagsalita.
Nilingon ko si Bella at agad na nagulat. May hawak na agad syang isang baso ng alak at hindi ko alam kung saan nya nakuha iyon.
Walang pag aalinlangan nyang tinungga ang baso. Mas lalo akong nagulat at namangha. She closed her eyes tightly and handed me the empty glass.
"Ang tagal ko nang hindi nakaka inom. Ang sakit sa lalamunan!" Reklamo nya.
"Then don't drink," bulong ko at kinuha ang baso.
Ngumisi sya. "Nope. I missed this kaya."
I groaned. I don't know where she got this glass. Maraming tao at lahat abala sa pagsasayaw kaya wala sigurong walang nakapansin sa pagkuha nya nito.
BINABASA MO ANG
Magical Love (Book One)
Fantasy[COMPLETED] "Dalawang mundo, iisang pag ibig. Dalawang tao, mahiwagang pag ibig..." -- Date started: February 6 2021 Date finished: March 20 2021 -- Jhelly_star