KABANATA 23

24 7 0
                                    

Kabanata 23


Drunk


--


I silently watched Bella take off her shoes. She was on the sofa while I'm sitting on my bed. She had been moving and I was just watching her every move. Tinitimbang ko ang ekspresyon niya.


She sighed when she glance at me and saw me watching her. Tinabi niya ang kanyang sapatos at umupo sa sofa. Taas ang isang kilay ay tumingin siya sa akin.


"Will you stop watching me?" She said.


I sighed. I averted my eyes from her and did what she wanted. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko dahil baka mamaya bigla nalang ulit siyang mawala.


Hindi na siya nagsalita pagkatapos ng yakapan namin kanina. Hindi rin niya ako tinitignan. Hindi ko alam ang iniisip niya at natatakot na naman ako sa mga posibleng gawin niya.


"I'm hungry. It's almost lunch," si Bella.


Nilingon ko ulit siya. Her tone was cold and I felt even more scared. But I just took a deep breath and nodded. Tumayo ako.


"Anong gusto mong kainin?"

"Kung ano lang ang pagkain sa ibaba. Ayos na ako roon," nag iwas siya ng tingin.


Nakapag usap na kami. But I know she still doesn't agree with how I feel for her. Nag iwas ako ng tingin at tumango. Naglakad na ako palabas ng kwarto.


Malalim ang buntong hininga ko nang nakalabas. I went to the kitchen downstairs. I know Bella wants pancakes every morning. Sabi niya paborito niya iyon kaya kung walang ganon ngayon sa kusina, magluluto nalang ako. Alam kong magtatanghali na pero alam kong mas gusto niyang kainin iyon sa ngayon.


Gaya ng inaasahan ko, walang pancakes na niluto ang kasambahay. Hinanda ko na agad ang gagamitin para sa pancakes. Binilisan ko lang dahil baka mainip si Bella sa kwarto.


"Sir? Sir! Ako na po dyan!" Anang kasambahay na pumasok.

"No. I can do it. Bumalik ka na sa trabaho mo," sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"Sigurado po kayo, Sir? Kaya ko naman pong gawin yan. Wala naman po akong ginagawa."

"Hindi na. Magpahinga ka nalang."

"S-Sige po, Sir..." at umalis na siya.


Bumuntong hininga ako at nilagay sa plato ang isang pancakes na natapos. Naglagay ulit ako ng isa para maluto na. Mabilis lang naman iyon pero para akong naiinip. Pakiramdam ko sobrang tagal. Baka mamaya naiinip na rin si Bella sa taas.


I was in the middle of placing the second and last pancake when Bella came into the kitchen. Bahagya akong nagulat pero hindi ko iyon pinakita sa kanya. I saw her stop walking and her eyes drop at the pancakes I cooked.


"Uh, I cooked pancakes. You love pancakes, right?" Sabi ko.


Damn it!


She lifted her eyes on me. Bahagya akong ngumiti. Sana hindi niya ito tanggihan. Sana hindi niya maisip na ginawa ko ito dahil gusto ko siya. Sana isipin nalang niya na walang ulam kaya ko ginawa ito.


"Salamat," she said coldly and averted her eyes.


Naglakad siya palapit sa akin at kinuha ang pinggan na may pancakes. Pagkatapos non ay nilingon niya ulit ako. Nagkatinginan kami. Mabilis siyang nag iwas ng tingin na para bang ayaw niyang tignan ko ang mga mata niya.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon